Kabanata 2

1 0 0
                                    

"Nag kita ulit tayo. Ikaw nga." Nakangiting saad ko sa lalaking nasa harap ko ngayon. Nakaharap sya ngayon sa akin. Hindi lang basta harap dahil nakatitig sya sa akin. Nag liliwanag ang bilog na buwan. Tumatama maigi sa kanyang mukha ang liwanag ng buwan.

Kay gandang tingnan.

"Hindi mo ba ako nakikilala? Diba sabi ko saiyo na mag kikita tayo! Salamat nga pala sa pag gamot sa akin! Siguro ay nag tataka ka kung paano kita nakilala kahit madilim nung gabi na yun. Nakakaramdam kasi ako ng enerhiya at nakikita ko kung ano ang espisyal saiyo." Nakangiting saad ko sa lalaki sabay tingin sa dibdib nya.

Napasinghap ako sa hangin nung mabilis na lumapit sa akin yung lalaki. Hindi ko na malayan na hawak nya na ang palapulsahan ng kamay ko. Tinaas nya ito sa eri na para bang puputulin nya ito. Nag tataka ko namang tiningnan yung lalaki dahil sa ginawa nya. "Akala ko ba walang nakaka lapit saiyo ng ganito? Bakit ikaw mismo ang nag lapit sa akin palapit saiyo?"

"Ano ang nakikita mong espisyal sa akin?"

"Naniniwala kana ba na hindi ako isang relics sa Hanja?"

"Sagutin mo ang tanong ko."

"Ano muna ang pangalan mo?" Nakangiting saad ko sa lalaki bago ko inagaw ang kamay ko. Napalayo naman sya sa akin. Nakanguso akong umupo sa upuan dito sa balkonahe. May dalawang upuan ang lamesa na narito. Parehas na puti ang upuan. Puti din ang lamesa. Ang ganda ng lugar na ito. Maganda siguro dito makipag kwentuhan.

Tiningnan ko ang lalaki pag katapos ko ilibot ang tingin ko sa paligid. "Upo ka dito oh. Napapagod na kasi akong tumayo kaya umupo ka muna. Ang layo kaya ng nilakbay ko makarating lang dito sa Eudaimonia." Nakangusong saad ko. Tinitigan ako ng lalaki ng ilang segundo bago sya umupo sa tabing upuan. Napangiti naman ako. "Ano palang pangalan mo? Na sabi ko na din ba kung ano ang pangalan ko?" Nakanguso akong napaisip.

Inaalala ko kung ano ano ang mga na sabi ko sa lalaking ito nung gabi.

"Paano ka naka punta dito?" Seryosong tanong nung lalaki. Napatingin naman ako sa paligid. Bago ako nakangiting tumingin sa lalaki. Tinuro ko pa yung tulay na dinaanan ko kanina. "Dumaan ako sa tulay!" Nakangiting saad ko. Unti unting napataas ang kilay nung lalaki. Napatingin naman ako sa tinuro kung tulay.

Nanlaki ang mata ko nung makitang walang tulay na naka dugtong dito sa balkonahe.

Na saan naman kaya na punta yung tulay na dinaanan ko kanina?

"Walang tulay ang balkonahe na ito. Kaya ano ang sinasabi mong tulay?" Malamig na tanong nang lalaki. Napanguso naman ako at napasinghal. "Naka ilang tagay palang naman ako ng alak pero nakaka siguro ako na nag lakad ako sa kulay puting tulay. Marami pa ngang lampara ang naka sabit doon! May mga bulaklak at mga halaman pa sa gilid ng tulay!" Nakangusong saad ko.

Nilapag ko ang alak na binili ko kanina sa loob ng Eudaimonia. Napakunot naman ang lalaki sa ginawa ko. "Hindi ako nag sisinungaling kasi hindi ko pa na bawasan ang isang ito! Ito lang naman ang kinuha ko!"

"Ano naman ang bagay na yan?"

"Mahina pala ang iyung pang amoy? Isa itong alak! Binili ko ito sa loob ng Eudaimonia! Nais ko pa ngang tikman ang lahat ng alak na naroon ngunit hindi ko magawa dahil may makulit na lalaki ang biglang bumuntot sa akin!" Agad akong napangiwi nung maalala yung mukha ng lalaki. Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko nung hindi man lang ito mag pakita ng reaksyon. Wala man lang syang masabi sa mahabang sinabi ko.

"Ano na nga ang pangalan mo? Hindi mo binigay ang pangalan mo sa akin nung una tayong nag kita." Nakangusong saad ko. Nakatitig lang sa akin yung lalaki habang nag sasalita ako. Napasinghal naman ako bago uminom sa alak na binili ko. Nag pangalumbaba ako bago tumingin sa dibdib ng lalaking nasa harap ko.

Under the Celestial Sky Where stories live. Discover now