NANG Mag dikit ang bangkang aking sinasakyan sa kinatatayuan ni Srijan na kahoy na tulay. Agad akong tumalon pa palapit kay Srijan bago ko sya niyakap ng napaka higpit. Malawak ang ngiti sa labi ko habang niyayakap sya ng mahigpit. Parang nag tatalonan ang mga paro paro sa tyan ko habang niyayakap ko si Srijan.
Nawala ang malawak na ngiti sa labi ko nung alisin ni Srijan ang aking kamay na yumayakap sakanya. "Hindi kapa din maaaring lumapit sa akin na walang pahintulot ko." Seryosong saad ni Srijan. Napanguso naman ako sa sinabi nya. "Kahit na mag asawa na tayo? Kailangan mag sasabi pa din ako saiyo kapag lalapit ako saiyo ng ganito?" Nakangusong tanong ko kay Srijan bago ko nilapit ang mukha ko sa mukha nya.
Tinaasan nya naman ako ng kilay sa ginawa ko. "Hindi pa ako pumapayag na maging mag asawa tayo." Taas kilay na saad ni Srijan habang nakatitig sa aking mga mata. Tinaasan ko naman sya ng kilay. Nag tataka ko syang tiningnan. "Kung ganon papayag kana parusahan ka ng mga taga Hanja dahil sa ginawa mong pag kuha sa akin habang nag sisimula ang seremonya ng aking kasal?"
"Hindi nila iisipin na ako ang kumuha saiyo."
"Kung ganoon habang buhay mo akong itatago? Hindi mo ako bibigyan ng kalayaan?" Nanlaki ang mata ko sa mga ideyang pumasok sa isip ko. Tiningnan ako ni Srijan na para bang sinasabi ng mga tingin nya na tigilan ko ang pag iisip ng mga kung ano ano. Agad naman akong napailing iling bago ko sya tiningnan na para bang maiiyak.
"Akala ko ba ay nag usap na tayo? Ibibigay ko saiyo lahat ng gusto mo basta palayain mo lang ako. Tapos ngayon mapag tatanto ko na nais mo din pala ako itag--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung biglang suminghal si Srijan. "Pag iisipan ko."
"Pag iisipan mo pa? Bakit hindi nalang ngayon? O kaya sige mamaya nalang! Pag isipan mo ngayon tapos mamaya mo sa akin sabihin kung ano yung na pag desisyonan mo!"
"Matagal akong mag isip."
"Kung matagal ka palang mag isip dapat ngayon mag isip kana para mapa bilis ang pag iisip mo!" Nakangusong saad ko. Napailing naman si Srijan at nag simula ng mag lakad. Nakanguso naman akong napatingin sa napaka kapal na suot kung pang kasal. "Sandali lang!" Nakangusong saad ko. Napatigil naman si Srijan sa pag lalakad.
Napatingin sya sa akin. "Hindi mo ba ako bubuhatin kagaya ng ginagawa nang bagong kasal?"
"Nakaka lakad ka naman diba?"
"P-Pero masyadong makapal ang aking kasuotan! Hindi ko kayang mag lakad ng maayos!" Nakangusong saad ko. Tiningnan ako ni Srijan na para bang hinuhusgahan nya ako sa mga tingin nya. Pinaningkitan ko naman sya ng mata. "Totoo nga! Kung ayaw mo akong buhatin huhubadin ko nalang ito dito! Wala naman ding tao kaya pwede ko naman siguro itong hubadin! May suo--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung biglang lumapit si Srijan.
Unti unting sumilay ang ngiti sa labi ko nung mapag tanto ko na bubuhatin nya nga ako. Pero na wala din ang ngiti sa labi ko nung buhatin ako ni Srijan na para bang nag bubuhat sya ng isang sakong bigas. "S-Sandali lang! Hindi dapat ganyan ang ginagawa mong pag buhat sa akin!" Mangiyak ngiyak ko nung buhatin ako ni Srijan na para bang isang bagay lang!
Mukha ba akong kahoy? Para buhatin nya ng ganito?!
"Dapat binubuhat mo ako kagaya sa mga bagong kasal! Hindi yung ganito!" Parang batang saad ko. Napanguso pa ako bago nag pupumiglas na ibaba na lamang ako. Hindi katanggap tanggap para sa akin na mabuhat ng ganito!
"Huwag kang malikot baka mabitawan kita." Napanguso nalang ako lalo nung madinig ko ang boses ni Srijan na para bang binabalaan nya ako sa kaya kung gawin. Tumahimik nalang ako habang pasan ako ni Srijan sa kanyang likod. Agad din akong binaba ni Srijan nung makalapit kami sa isang malaking tirahan.