Kabanata 3

2 0 0
                                    

TATLONG Araw palang ang lumipas simula nung tumakas ako. Na gawa ko na lahat ng kung ano ano dito sa loob ng annex ngunit napaka bagal ng oras. Napa upo nalang ulit ako sa kawalan bago ako sumilip sa napaka taas na bintana ng aking silid. Nakasimangot ako habang nakatitig sa bintana.

Gustong gusto ko ng lumabas. Gustong gusto ko ng ikutin ang buong bayan. Pero ilang araw pa ang aking hihintayin. Napaka tagal pa bago ako makalabas dito. Napatingin ako sa pintuan ng aking silid nung mag bukas ito. Agad akong napatayo mula sa pag kakaupo nung makita ko si Mama kasama si Aurora. May mga kasama din silang taga pangalaga ngunit naiwan lang ito sa labas ng aking silid.

"Kamusta ang iyung pakiramdam. Sinabi ng iyung taga pangalaga na hindi daw maganda ang iyung pakiramdam kagabi?" Taas kilay na tanong ni Mama. Agad syang lumapit sa akin bago nya hinawakan ang leeg at nuo ko. Napasimangot lang ako bago napa yuko. "Kung nag dadamdam kapa din sa mga sinabi ko nung nakaraang araw ay huwag mo nang masyadong isipin ang mga sinabi ko."

"Ayos napo ako ngayon."

"Kung ganon may maganda akong balita saiyo, anak."

"Ano po 'yun?"

"Nais mong makalabas dito hindi ba? Kaya nag isip ang iyung Mama ng paraan upang makalabas dito."

"A-Ano naman po 'yun?" Para akong na buhayan sa sinabi ni Mama. Nakangiti kung tiningnan si Mama napatingin pa ako kay Aurora na biglang yumuko. Hindi ko pinansin ang reaksyon ni Aurora. Nakangiti kung sinalubong ang mga tingin ni Mama sa akin. Malumanay namang hinaplos ni Mama ang buhok ko bago ngumiti ng tipid. "Nakapag desisyon na ako anak. Ilang beses kung pinag isipan ang bagay na ito."

"Alin po ba 'yun, Ma? Ano po ang pinag desisyonan mo? Makakalabas napo ba talaga ako dito na walang kasamang taga pangalaga?"

"Ganoon na nga anak. Kaya medyo na hirapan akong pag pasyahan ang bagay na ito."

"K-Kung ganoon po pala ay ngayon palang ay masaya po ako sa iyung ginawang desisyon. Maraming salamat po, Ma." Nakangiting saad ko. Hindi ko alam kung bakit parang maiiyak pa ako habang sinasabi ko yun. Tipid naman na ngumiti si Mama habang pa tuloy pa din na sinusuklay ang buhok. "Alam mo naman anak kung gaano kita pinapangalagaan. Hindi ba?"

"O-Opo, Ma. Alam ko po iyun."

"Ngunit kahit ganoon. Hangad ko din ang iyung kasiyahan. Kaya naman maari kanang lumabas sa kahit anong oras mong gusto pero--" Unti unting na wala ang ngiti sa labi ko nung putulin ni Mama ang kanyang sinabi. "May kilala kasi akong nais na mag pakasal galing sya sa isang mataas na angkan kinausap ko sya kagabi at pumayag sya sa mga sinabi ko at alam mo ba kahit hindi ka nya nakikita o nasusulyapan. Payag sya na mag pakasal saiyo. Pumayag din sya na dito kayo titira sa Hanja. Kaya naman agad na akong nag desisyon na ipakasal ka sakanya. Malaya kang makakalabas pero kailangan may permiso ng iyung asawa."

"A-Asawa?"

"Ikakasal ka sa susunod na linggo. Ang araw kung kailan sisilip ang buwan. Yan lamang ang tanging naisip kung sulosyon sa ideya mong pag labas."

"N-Ngunit hindi po yan ang nais ko."

"Yan naman ang makaka buti saiyo, anak. Pag katapos ng iyung kasal hangad ko na mabigyan mo na ako ng taga pag mana. Nasa kamay mo ang ikabubuti ng lahat nang taong na rito sa Hanja. Kaya naman maging mabuti kang may bahay sa iyung asawa." Nakangiting saad ni Mama bago nya binitawan ang buhok ko.

Tinalikuran nya ako bago sya lumabas ng aking silid. Napatingin ako kay Aurora. Gusto kung maiyak sa sinabi ni Mama pero hindi ko alam kung bakit may parte sa pag katao ko na parang ayos lang dahil makakalabas naman ako. Pero paano kung hindi pala mabuti ang mapapangasawa ako? Paano kung mas mahigpit pa sya kay Mama?

Under the Celestial Sky Where stories live. Discover now