“I need them. I need Daddy.. I need Ate Xandra..” bulong ni Algeree sa sarili habang mahigpit na napapahawak sa tapat ng kanyang dibdib, makirot at mapait ang araw na ito. Walang ibang pumapasok sa kanyang isipan kundi ang kalupitan ng kanyang madrasta.
“Sana lang wala siyang alam sa pagkamatay ni Daddy dahil kapag napatunayan kong kagagawan niya ang mga pangyayaring ito sa pamilya ko ay mananagot siya sa akin.” Namamalisbis ang mga luhang walang patid sa pisngi ni Algeree, naghihinagpis ang kanyang puso sa labis na kalungkutan. She thought, she’s strong and brave but this kind of situations was slowly killing her inside, she is still vulnerable human, she’s just a daughter and a young sibling.
“Umuwi kana muna, pupuntahan ko si Daddy,” medyo kalma na si Algeree habang inaayos ang sarili at hinarap ang kaibigan. Pilit kinakalma ang sarili dahil wala na siyang ibang kakampi kundi ito. Hindi niya hahayaan na pati siya ay mawala rin sa landas at magtagumpay si Wilora. Isa itong sumpa sa kanilang pamilya, wala siyang nagawang mabuti para sa kanilang mag-aama.
“Nag-message na nga si Mama. Nag-aalala na rin dahil gabi na hindi pa ako nakakauwi. Kaya mo pumunta ng hospital mag-isa? Kung gusto mo, hatid muna kita doon?”
“Oo naman. Kaya ko. Huwag mo na ako ihatid. Sige na muna dahil mag-aalala pa sila sayo kapag matagal ka pang hindi nakakauwi sainyo.” Wala ng nagawa si Yvonne kundi ang maglakad papuntang kanto. “Pupuntahan kita sa hospital o kaya sa bahay ninyo,” giit nito at tuluyan ng naiwan si Algeree mag-isa. Kailangan niya ng puntahan ang kanyang Ama. Sigurado sa mga oras na ito ay nasa morgue na ang Daddy niya at nandoon si Wilora nagkukunwaring nagluluksa.
“Daddy,” bulalas niya at tuluyan na namang nalaglag ang mga luha sa kanyang mga mata. “W-why y-you left me alone...” wala na siyang kausap kundi ang kanyang sarili. Kailangan niyang magpakatatag dahil makakaharap niya ang kanyang madrasta.
Hindi niya namalayan kung paano siya nakarating ng hospital, hilam sa luha ang kanyang namamagang mga mata habang tinungo ang information desk para magtanong kung nasaan ang kanyang Ama. Algeree was totally empty, she don’t know if she’ll survive her life today. Pakiramdam niya ay bigla na lang babagsak ang mundo sa kinatatayuan niya. She is draining and drowning. Hindi niya akalain na maaga silang iiwanan ng kanilang Ama at si Xandra nawawala rin, ano ba ang dapat niyang unahin?
She finally saw the body of her lifeless father. Sobrang pagkaawa ang nararamdaman niya sa kanyang Ama. She knows, her father was struggling everyday and regretting about Wilora. Ramdam niya iyon ngunit pinoprotektahan silang magkapatid at may pinapangalagaan itong reputasyon. But it had all gone downhill after his untimely death.
Hindi niya pinansin si Wilora na nasa gilid at nakasandal sa pader habang pinagmamasdan siyang niyayakap ang kanyang Ama. Tahimik rin ito at mukhang walang lakas ng loob upang makipagbangayan sa kanya. Well, Algeree knows that Wilora was obsessed with her Dad at mas malalim ang sakit na nararamdaman nito dahil may kasamang panghihinayang dahil wala na sa kanyang tabi ang pangarap niyang asawa.
Wilora is dangerous. She need to be ready for her next moves. Bilang anak, nanatiling tikom ang kanyang bibig hanggat sa matapos ang paghihintay nila sa katawan ng kanyang Ama upang maiuwi sa kanilang bahay para sa burol. Hinayaan niyang si Wilora ang mag-asikaso ng lahat dahil iyon naman talaga ang dapat. Siya ang asawa kaya walang ginawa si Algeree kundi ang manahimik sa tabi ng kanyang Ama.
Ipinagpaliban niya rin ang paghahanap sa kanyang Ate Xandra, kikilos siya kapag nailibing na ang kanyang Ama. Hindi puwedeng mawala sa paningin ni Algeree ang kanyang Daddy dahil alam niyang kailangan siya at magtatampo ito kapag umalis siya. Isang linggo rin siyang nagpaalam sa kanyang School at si Yvonne ang bahalang kumausap sa mga Professor nila.
YOU ARE READING
Found My Elixir THE PENUMBRA TRILOGY/ ON GOING
Ficção GeralWELCOME TO 'THE PENUMBRA' A mysterious society shrouded in darkness and secrets. Follow our protagonist as they navigate through shadows, where secrets lay hidden and prepare to be enchanted by three women fighting for their life and discover their...