Pinahid ko ang mga luha sa mukha ko at umayos ng upo nang marinig kong bumukas ang pintoan ng kwarto ko.
"Maui, anak?" Rinig kong tawag saakin ni tita Melanie.
Hindi ako umimik at naramdaman ko rin na umupo ito sa tabi ko.
Hinawakan nito ang mukha ko at marahan na pinaharap sakaniya.
"May bangas at pasa ka na naman." Mahinahon na sambit nito habang sinusuri ang mga sugat na nasa mukha ko.
"Paanong hindi magkakabangas 'yan ma e laging nakikipag-away." Singit ng kapapasok lang na pinsan kong si Elijah.
"Sila naman ang nauna." Malamig kong sagot at umirap sa kawalan.
"Tingnan mo nga naman ang mga mata oh... Dudukotin ko na talaga iyan." Naiinis na sambit nito at narinig ko naman na pinapakalma ito ni tita Melanie.
"Maui, iha... Hindi naman pwede na lagi kang nakikipag-away sa kung kani-kanino." Saad ni tita at dahan-dahan na ginagamot ang mga sugat ko.
"Kahit anong sermon mo riyan ma hindi pa rin makikinig 'yan." Segunda ni Elijah habang nakapameywang sa may gilid at nakamasid lang saamin.
"Omg! cous, anong nangyari sa'yo!?" Tanong ng isa ko pang pinsan na kapapasok lang din sa kwarto.
"Sa tingin mo ano?" Pamimilosopo ko at napasigaw ako sa sakit ng diinan ni tita ang bulak sa sugat ko.
"Tita Mel naman e..." Pagmamaktol ko at tumawa lang ito.
"Ayan, tingnan mo! umaaray-aray ka ngayon." Natatawang sabi niya na may halong panunuya.
"So, ano ba talaga ang nangyari?" Rinig kong tanong ni Eilah.
"Ito, nakipagbasag ulo na naman ang pinsan mo." Si tita Melanie ang sumagot.
Umupo sa kabilang tabi ko si Eilah. "Cous, napapalagi na iyan. Hindi ka ba nananawa?"
"Hindi ata titigil iyan kapag hindi natatanggal ang mukha niya." Galit na wika ni Elijah.
"Hindi rin naman kasi ako reresbak kung hindi nila ako unang ginalaw e." Pagdedepensa ko nang matapos akong gamutin ni tita.
"Sa susunod Maureen huwag ka na makikipag-away. Maawa ka naman sa mukha mo at panigurado na hindi natutuwa ang papa mo ngayon." Hindi ako nakaimik sa sinabi ni tita Melanie at tumango nalang dito.
"Sorry po ulit tita." Nakayuko kong sabi at hinimas lang nito ang ulo ko bago tumayo sabay umalis na ng kwarto.
Nakita kong lumakad si Elijah at pumunta sa harapan ko.
"Linggo-linggo ka nalang may pasa sa mukha." Nanunuyang sabi nito.
"Oo nga at panigurado magugulat na naman ang mga girl friends natin kapag nakita nila 'yang mukha mo. Expected mo na may sermon ka rin sakanila ulit." Pagsang-ayon ni Eilah.
"Kung nanahimik nalang kasi sila hindi naman ako susugod e." Pagtatanggol ko sa sarili.
"Pero kahit na Maui, hindi pa rin sapat na babawian mo sila kaagad. Tingnan mo ang nangyari sa'yo. Ikaw lang pati mag-isa tapos sila iilan? lima. Hindi ka ba naaawa sa maganda mong mukha?" Walang tigil na panenermon ni Elijah saakin. Palagi naman e.
"Tangina! lima sila!? tapos ikaw lang mag-isa? aba! ang tibay mo rin naman cous." Gulat na ani ni Eilah at pumapalakpak pa.
Hinampas ni Elijah ang kamay ni Eilah kaya natigil ito sa pagpapalakpak.
"Tumigil ka na rin at hindi ka nakakatulong." Nagkunwari naman na zinipper ni Eilah ang bibig niya.
Tumingin ako kay Elijah. "Hindi rin naman kasi pwede kuya na hahayaan ko nalang sila na gawin 'yon saakin lalo na't sobra-sobra na sila sa mga ginagawa nila." Napansin kong humugot ito ng malalim na hininga.
"Alam ko naman, pero isipin mo kung sino ang kawawa sa huli hindi ba ikaw din naman? sige nga, anong ipapalit natin na mukha riyan sa'yo kapag nasira 'yan?"
Alam kong seryoso si Elijah pero hindi ko maiwasang hindi matawa dahil sa sinabi niya.
"At nagawa mo pa talagang tumawa sa lagay na 'yan." Sarkastikong sambit nito.
"Kuya naman kasi e..."
"Mukha raw ng aso kambal." Natatawang sabi ni Eilah at hinampas pa ang braso ni Elijah.
"Huwag na sana pang maulit ito Maui." Mariin na sambit ni Elijah saakin.
Tumango ako bilang tugon. "Sumagot ka, hindi na sana mauulit ito." Nilaro ko ang dila sa loob ng bibig ko at labag sa loob na sumagot dito ng oo.
"Kawawa ang mukha mo cous kapag natuluyan ka." Si Eilah.
"And also," Napaangat ang tingin ko kay Elijah.
"Kailan pa kaya babalik ang dati naming pinsan." Tila may dumaang anghel sa gitna namin dahil sa sobrang tahimik.
"Kailan kaya ulit babalik ang Maui na kilala at nakasama namin mula pa noong bata." Dugtong niya.
"This is not the life that tito want for you Maui." Napakagat ako sa labi at pinipigilan na huwag umiyak.
Naramdaman kong hinimas ni Eilah ang braso ko.
"Twinnie is right Maui. Hindi matutuwa si tito kung nandito lang siya." Malungkot na sang-ayon ni Eilah.
"This is not the life that I want to. Pero it's to much painful at dito ko lang nailalabas ang sakit na nararamdaman ko." Hindi ko na napigilang hindi mapaiyak.
I miss him, I miss him so much.
"She's always with you Maui. Kaya kahit wala na si tito rito still don't disappoint him." Eilah said.
Ang sakit-sakit at ang hirap pero anong magagawa ko kung binago ako ng sakit na nararamdaman ko.
🖇️
YOU ARE READING
Fondness Unbreakable
Teen Fiction"Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako sa sinabi mo pero kasi nagustuhan mo rin ako e. Sapat na para saakin 'yon." Hinilamos ko ang palad sa mukha. "Pero bakit ang unfair mo naman? bakit nakikita mo ang sarili mo sa iba pero saakin hindi? anong bang...