"Ang daming tao Eilah." Saad ko habang nililibot ang paningin.
Nandito kami sa gymnasium ngayon upang manood ng drillings competition ng mga first year criminology. Isa na sa lalaban ay ang bunsong kapatid ni Eilah na si Elias kaya narito si Eilah upang suportahan ang nakababatang kapatid.
"Ayos lang iyan, tara roon tayo oh." Tinuro niya ang isang pwesto kung saan una kong natanaw ang kakambal niyang si Elijah na isang criminology student din. Second year na rin ito kagaya saamin. Nang makalapit na kami kaagad naman kami nitong nakita sabay ngumiti.
"Bakit kayong dalawa lang?" Bungad na tanong niya saamin nang makaupo kami sa bakanteng upuan katabi niya.
"May klase yung tatlo." Sagot ni Eilah sa kakambal.
Tahimik lang akong umupo sa tabi ni Eilah habang hindi pa nagsisimula ang laban.
Inilibot-libot ko ang paningin sa paligid at may iilang tiga ibang department din akong nakikita pero halos lahat ng nanonood ay mga tiga department of criminology.
"Ikaw lang ba? bakit wala ang mga tropa mo?" Rinig kong tanong ni Eilah sa kapatid.
"Parating pa lang sila." Sagot naman ni Elijah.
Naramdaman kong may kumalabit saakin kaya nilingon ko ito at nakita ko ang nakangising mukha ni Eilah.
"May na sight ka na ba?" Mapang-asar niyang tanong sabay tinaas-taas ang dalawang kilay.
"Wala pa, wala pa akong nakikita." Pagsakay ko sa trip niya at tumawa.
"Nandito lang pala kayo para maghanap ha." Singit ni Elijah kaya lumipat ang tingin ko sa kaniya.
"May mare-recommend ka ba twinnie?" Tanong ni Eilah dito at ibinalik ang tingin saakin.
"Naku! marami akong kilala na ang hanap din ay educ." Nakangiting sabi niya at napairap ako sa kawalan.
"Baka naman tarantado rin 'yan kagaya mo." Walang preno kong saad at ma-drama naman nitong sinapo ang dibdib na parang nasasaktan. Narinig ko naman ang paghalakhak ni Eilah.
"Ang harsh mo talaga saakin Maui." Inirapan ko lang ulit ito at napailing habang natatawa.
"Mukha kang tanga Elijah." Tumawa lang ito.
"Sa mga kaibigan ko Maui ayaw mo?" Paghihirit niya.
"Meron bang single roon?" Si Eilah.
"Single 'yon lahat." Sagot niya.
"Matino ba?" Sarkastiko kong tanong at tinaas ang kaliwang kilay.
"Mukha lang maloko ang mga iyon pero matitino 'yon." Napaismid ako.
"Sabi nila mga red flag daw ang mga crim." Napa-tsk ito at tumawa ng mahina.
"Ayan tayo e, inaakusahan tayo sa mga paratang na wala namang pawang katotohanan." Tinitigan ko ito at maarte lang itong napailing-iling.
"Mga matitino kaming mga crim." Depensa niya na siyang ikinakunot ng noo ko.
"Anong matino!? e gago ka nga." Humawak ulit ito sa kaniyang didbib.
"Twinnie, hindi mo man lang ba ako ipagtatanggol?" Ma-drama niyang tanong sa kakambal na tinawanan lang siya.
"Maui is telling the truth naman against you." Mas lalong sumama ang mukha ni Elijah dahil sa sinagot ng kapatid.
"Baka nakalilimutan mo na ako ang kadugo mo rito? iisa lang tayo ng pusod kaya dapat magkakampi tayo." Hindi ko na mapigilang hindi mapatawa dahil sa inaakto niya na tila aping-api siya.
YOU ARE READING
Fondness Unbreakable
Teen FictionI tried, I tried many times but it was still the same answer I got. Nakapapagod din pala ang paulit-ulit na umaasa na sana may magbabago. Masaya ako sa ginagawa ko kaya kahit masakit at mahirap binabalewala ko pero aabot ka pa rin pala sa punto na k...