POV ALEXIS
Sa hindi ko mapaliwanag na pakiramdam bigla ko na lang inamin kay Amber ang nararamdman ko . Yung pakiramdam na napaka swerte ko dahil nakilala ko siya .
Ultimo si mama natutuwa sa kanya . Minsan pag ako nag iisa napapa isip na din ako kung ano ba talaga tong nararamdman ko para sa kanya may takot na baka isa lang ako sa magiging babae na dadaan sa buhay niya .
what if panandalian lang ako ? what if kung bored lang siya ?
Pero sa oras na ito hindi ko na naisip ang what if ?
Mas inuna ko kung paano ko aaminin sa kanya . Mag take ako ng risk just for her kahit hindi ko alam kung anong relasyon ang papasukin ko importante sakin masaya akong kasama siya at masaya ako sa pinaparamdam niya sakin na pagmamahal .
Isang malalim na halik ang pinagsaluhan namin ni Amber ramdam ko ang init ng kanyang bibig at lasa ng alak at mint candy nito .
Nakakaramdam ako ng init na hindi ko mapaliwanag . Ng biglang naramdaman ko ang kamay ni Amber sa katawan ko . Wala kong lakas na pigilan siya dahil gusto ko din ang ginagawa niya medyo hindi ko na din mapigilan ang nararamdaman ko dala ng alak .
Dala nga ba ng alak ko o dahil katawan ko na mismo ang nagtitiwala kay Amber .
" Alexis " - Amber habang pinupunasan ang kanyang mga labi
" b-bakit ? paano ? parang nanaginip ako ? " - Amber
" hindi ko alam basta isang araw alam ko natatakot na ako baka bigla ka na lang mawala sakin or mapagod ka ng mag effort " paliwanag ko sa kanya
" kung dala lang ng alak to pwede natin pag usapan to pag hindi na tayo naka inom " - Amber
" alak nga nagbigay sakin ng lakas ng loob " bigla ako natawa sa sinabi ko
"mahal kita Amber at sure ako sa nararamdaman ko sayo " dugtong ko pa sa kanya
" tama ba naririnig ko mahal mo ako ?" - Amber
Tumango ako
" bakit parang ayaw mo na sakin huli na ba ang pag amin ko sa nararamdaman ko sayo ?" bigla ako nag pout
" wag ka ngang mag pout " -Amber
" magpopout ako gang kailan ko gusto " at inasar ko
masaya kaming naghabulan sa dalampasigan parang mga batang ineenjoy ang tubig nawala yung mga lasing namin dahil sa mga nararamdman namin sa isat isa . Sana walang hangganan ito . Kahit alam kong malabo ang gusto kong mangyari .
Naka titig lang ako kay Amber habang nakatingin siya sa malayo . Hawak niya parin ang kamay ko . At tinitigan ko yung mga kamay namin . Napaka warm ng palad niya simula nakilala ko sir Amber sa kanya lang ako nakaramdam ng safety hindi ko alam kahit babae siya iba yung ipaparamdam niya sayo .
" May dumi ba ako sa mukha ?" - Amber
" wala masaya ako kasi kasama kita " paliwanag ko sa kanya
" ilang buwan mo din akong pinahirpan alam mo ba yun ?" -Amber
Totoo naman kasi yun hindi ko pa din kasi matanggap sa sarili ko na parang nahuhulog na ako sa kanya . Na madalas hinahanap ko siya pag wala siya . Dumating na din sa point hindi ako sanay kung hindi ko siya makausap man lang o kaya makita .
" bakit di mo ako sinukuan ?" tanong ko
" di ko din alam basta alam ko kailangan mo ako " - Amber
Napatingin ako sa kanya at ganun din siya sakin kaya nagkatitigan kaming dalawa .
" kaya mag iistay ako sayo kasi alam kong kailangan mo ako at hindi ka pwede mag isa " - Amber
Bigla ako naiiyak .
" Kaya siguro ako dumating sa buhay mo kasi mashado ka ng seryoso sa buhay "- Amber
Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita siya prang tama siya nabubuhay na lang ako sa paulit ulit na cycle .
" Amber wag mong sasaktan yung puso ko ah " nagkakatitigan kami
" hindi ako mahilig mag promise pero gusto ko malaman mo na hindi ko yun gagawin sayo iba ka sa kanila pinaghirapan kaya kita alam mo ba yun ?" - Amber
" at saka graduate na ako dun noh !" dugtong niya pa
Sa ilalim ng buwan saksi ang dagat at bituin sa mga nagyayari samin ni Amber sinulit namin itong gabi na mas makilala pa ang bawat isa at sa mga araw na lilipas handa akong mas makilala pa si Amber .
Dahil ibang Amber ang una kong nakilala siguro medyo bad side niya yun pero dahil sa side na niya yun nahulog ako sa kanya . Pero kahit napaka mapang asar niya ilang beses ko na din nakita ang good side niya lalo sa pag care niya sa mga friends niya at sakin
Pati din kay Melissa
IHindi ko alam kung bakit medyo nakokonsensya ako dahil kahit hindi pa kami ni Amber nakikita ko na din sila madalas asot pusa .
I dunno pero medyo nagseselos ako kasi nabibigyan siya ng atensyon ni Amber . Kahit na yung treatment ni Amber sa kanya is tough i find it cute and i feel like hindi lang gang dun yung pwede i offer ni Amber sa kanya .
Kaya siguro may time na im afraid to lose Amber because of Melissa . i hate this feeling . I like Melissa but sometis the way na over protective sa kanya si Amber minsan nabibigyan ko ng meaning .
" so official na bang tayo ?" tanong niya sakin
" yes Amber " sagot ko
At niyakap niya ako at pinugpog ng maliliit na halik sa pisngi .
" I love you Amber " pagkasabi ko at hinalikan niya ako ulet sa labi at niyakap
" thank you for trusting me i love you too " bulong niya sa tenga ko kaya medyo nakaramdam ako ng kiliti .
Ganito pala yung pakiramdam mahalin ni Amber hindi ko mapaliwanag yung sayang nararamdaman ko .
sana sana ikaw na yung para sakin Amber please lang sigaw ng puso ko
TO BE CONTINUED
BINABASA MO ANG
BEAUTY AND THE BITCH (GXG)
Romance" Lahat ng bagay makukuha ko at walang sino man ang makakadikta ng dapat at hindi dapat kong gawin naiintindihan mo" paalala ko sa kanya Tango na lang ang tangi niyang nasagot Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko sa leeg paangat sa kanyang panga...