B & T B XX

3 2 1
                                    

Melissa Pov

" Kanina ka pa walang kibo diyan " - Kelvin 

Naalala ko na  naman kanina baka tama si Amber kinakalaban ko na sarili ko biruin mo sarili kong damdamin tinatraydor ako . Nakita ko lang naman siya tumawa para akong tanga naiyak . Kasi nga miss ko na din ang kakulitan ni Amber ngayon lang kasi nagseryoso yun sa babae kaya naninibago ako sa kanya . Ganun pala siya magseryoso ng babae nagiging bipolar siya seryoso tapos magiging kengkoy.

" May sasabihin sana ako sayo Melissa" - Kelvin

" Ano yun " napa seryoso ako sa kanya ng tingin at humarap sa kanya 

" Ahmm " Mukhang kinakabahan pa si Kelvin parang nagdadalawang isip pa siya if sasabihin niya ba sakin o hindi 

" Importante ba yan ? Mashado ka naman kinakabahan huyy ako lang to " - sabi ko sa kanya sabay tapik sa balikat niya 

After class pala pumunta kami sa isang resto masarap din mga food dito madalas namin kainan ito ni Kelvin malapit din kasi sa school kaya dito na lang din kami kumain mas pinili namin maglakad kesa sumakay sa big bike niya total walking distance naman siya sa school .

" Never mind next time ko na lang sasabihin hindi naman siya importante but anyways sa friday ba free ka ?"- Kelvin

So ito na nga din yung sasabihin ko sa kanya baka isipin niya naman nag fefeeling girl friend ako sa kanya incase lang naman na bet niya sumama . 

" Hindi e  niyaya kasi ako nila Kate manood ng laban ng basketball nila Amber sa friday and sabi nila yayain daw kita pero if ever ayaw mo ahh okay lang walang sa pilitan to " sabi ko sa kanya 

Napaisip pa siya sa sinabi ko nakakahiya naman . Ako pa nag aya sa kanya chaka isipin niya ako may gusto na isama ko siya dun .

"Actually hindi ako pwede sa friday yayain sana kita manoood ng game namin  sa basketball sa coliseum pero mukhang naunahan nila akong yayain ka so next time na lang and enjoy ka okay " - Kelvin 

" Ano ka ba pwede ako nandun naman mga girl friends nila so hindi nila ako need dun for sure may mag checheer naman sa kanila dun . " sabi ko sabay subo ng food 

Sorry Kate explain na lang ako later sa kanya at tsaka tama naman ako hindi nila ako need dun kasi nandun naman mga sumusuporta sa kanila kaya hindi nila ako need dun . Next time na lang siguro ako sasama sa kanila .

" Seryosa ka ba ? " - Kelvin 

" Oo naman ilang beses na din ako naka nood ng game nila for sure panalo sila para maiba naman sayo naman yung susuportahan ko . " sabi ko at sumubo ako ulet 

" Yes Yes thank you Melissa gagalingan ko para hindi ako mapahiya sayo " - Kelvin

" Ito naman no pressure noh ! Tsaka ito lang pamabawe ko sayo sa mga treats mo sakin halos ikaw palagi taya e , so mag laro ka lang okay enjoy mo yung game " - pakasabi ko nun hindi ko namalayan na ubos ko na pala ang dessert ko 

" Ayy ang takaw ko grabe !" 

Mahinang tawa ang naririnig ko kay Kelvin . At sinamaan ko siya ng tingin na parang napipikon ako sa kanya 

" At anong nakakatawa aber " tanong ko sa kanya 

Umiling siya " Gusto mo din nito gusto mo sayo na itong dessert ko hindi ako mahilig sa mga sweets kaya sayo na lang " - Kelvin 

Bait naman ng person na ito hindi ko siya tatanggihan kasi favorite ko ang sweets .

" Hindi nga hindi ko to tatanggihan favorite ko ang sweets buti naman hindi mo hilig yun  wala akong kaagaw " at natawa ako sa sinabi ko sa kanya "  

Buong maghapon na naman kami magkasama ni Kelvin hindi kami nauubusan ng kwento at hindi din kami nagkakasawaang dalawa puro kami tawanan mas nakikilala namin ang isat isa mas nakikilala ko siya ng mas malalim pa sa inaakala ko . 

" Paano Melissa mauna na ako see sa friday na lang pasesnya hindi kita masusundo bukas at sa friday kasi may practice kami so magkita na lang tayo mismong game na lang basta lagi kang mag update ahh good night and thank you ulet kasi manood ka ng game namin . " - Kelvin

Di ko napigaln ihug siya wala parang feeling ko need ko siyang ihug para mag thank you at goodluck na din siguro . 

" Good night Kelvin salamat sa foods at gala see sa friday good luck " 

At tumalikod na ako para makapasok sa gate . At kumaway na lang ako sa kanya gang sa makaalis na siya at tuluyan na mawala sa paningin ko . 

" Grabe naman ang Melissa namin na yan " bigla na lang ako nagulat ng bigla may nagsalita 

Ano ginagawa ng mga to dito ? Si Amber lang ang wala as usual what do i expect from Amber bigla ako nakaramdam ng lungkot . 

" Anong meron bakit kayo nandito bigla bigla naman kayo nasulpot " - Tanong ko sa kanila 

" Sorry pero kanina pa talaga kami dito sabi namin kay manang hindi kami aalis dito gang hindi ka namin nakikita " - Trix 

" True actually nagugutom na kami e nag dinner ka na ba ?" - Kate 

" For sure oo busog na busog yan si Melissa nakangiti pa yan matutulog charoot " - Sab 

" huyyyy hindi ahh " sabay ko kurot ko kay Sab 

Pag pasok namin sa loob nandun si Amber kasama si Princess nag iinom na sila agad ? Dito pa talaga sa bahay i mean welcome naman sila pero nevermind 

" Sorry Melissa hindi na kami nakahingi ng permission sayo pero kay manang naman nag paalam kami sabi pwede daw habang nag hihintay ami sayo " - Princess 

" Okay lang dinner muna tayo bago yan " sabi ko sa kanila  kinuha ni Trix ang alak ni Princess si Amber tuloy tuloy pa din ang pag inom nito akala mo naman ginutuman sa alak e 

" Sabi ko dinner muna tayo " kinuha ko din ang alak niya siya naman gulat niya 

Pero this time walang emosyon na Amber ang kaharap ko at himala wala ang girlfriend niya baka kaya mainit ulo nito may away na naganap sa kanila . 

" Huyy kung ano man yang pinagdadaanan mo kaya mo yan Amberlyn normal yan sa relasyon okay jowa pa " pabiro ko sakanya 

Kaso parang mali ata ginawa ko kasi mas lalo siyang nainis sakin e parang kakainin na niya ako ng buo 

" Help me " takbo ako kay Sab 

Yung akmang kakaltukan niya ako bigla siya inawat ni Sab at napa yakap ako kay Sab . 

" Sabbbb.. " 

" Parang mga bata ano ba yun ?" - Sab 

" Si Amber bakit ba ganyan yan nag away ba sila ni Alexis ? " tanong ko 

" Hindi kanina pa kasi nag aalala yan sayo e hindi ka pa matawagan kaya naiinis siya baka daw naka lagay ka na sa maleta " sabay sabay sila nagtawanan 


" Grabe yan kay Kelvin e " - Kate 

" Wala daw siyang tiwala sa lalaki na yun kasi daw kaibigan nun yung nambastos sayo " - Trix 

" At hindi daw nagkakalayo na baka ganun din daw si Kelvin " - George 

Nag aalala siya sakin sa mukha na yan ? Parang hindi naman 

' Okay lang ako noh wag kayo mag alala sakin mabait si Kelvin safe na safe ako sa kanya " pagkasabi ko nun umupo na ako at sumunod na sila . Nagkwentuhan kami sa ilang weeks na hindi kami nagkikita halos lahat samin may kanya kanyang dahilan . 

Hindi ko maiwasan tumingin kay Amber dahil tahimik lang ito habang nakikinig samin minsan nakikitawa madalas seryoso nag kikinig . 

Nakakamiss sila ..

Bigla ko sila namiss 



TO BE CONTINUED

BEAUTY AND THE BITCH (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon