Habang naglalakad dito sa campus halos lahat ng mga mata nasa saken .
Anyways sanay na ako sa ganyan sistema.
Pero may nakaagaw Lang ng pansin saken Ang grupo ng mga women basketball parang yung awra nila Hindi ako nageexist sa Mundo .
Pero may nag aksaya Naman na tignan ako yung babaeng dilaw Ang hair na naka messybun at mapupula Ang manipis na labi . Chaka napaka puti niya lumalabas paba siya Ng bahay .
Pagtingin saken parang Wala Lang Wala man Lang impact sa kanya .
" Alexis sila yung mga women basketball players so mga group of bisexual sila and 2 na lang single sa kanila "- Amanda
Bakit parang kinikilig siya wag niyang sabihin bi din siya tulad Ng mga Yun .
" ganun ba " diko Alam sasabihin ko first of all hindi ako interesado sa kanila .
" Yup swerte ng magiging girlfriend nila mayaman matatalino peymus chaka feeling ko Nasa kanila na lahat" - Amanda
Ganun nasa Kanila na lahat ? napapaisip ako ganun ba kaswerte magiging karelasyon Nila .
Hindi ako bisexual kaya never pa ako maglaba Ng oras para kumilala Ng mga babae .
Ayy wait nagpakilala na ba ako ?
sorry bigla Kasi ako nacurious sa babaeng yun .by the way
Ako pala si Alexis Lopez transfer lang sa school na to . Ng maisipan ni mama makipaghiwalay kay Daddy minabuti na lang niyang sa pinas manirahan malapit kela Lolo at lola . Solong anak ako pero for sure ngayon hindi na dahil magkakaroon na si Daddy anak sa bago niyang asawa .
Pag nagmahal ako sisiguraduhin kong hindi ako mapupunta sa manloloko .
Grabe pa din yung galit na nararamdaman ko ngayon Kay Daddy .
Sa tagal Ng taon na walang iba ginawa Ang mama mahalin siya at alagaan yun pa Ang igaganti niya Hindi deserve ni mama yun .
Bigla na naman ako naluluha pag naiisip ko Yun .
Pag Alam mong nasa tamang tao kana alagaan mo yun Hindi yung nagiging kampante kang lokohin yung tao Kasi alam mo sa Sarili mong papatawarin ka Niya .
Unfair . Love binigay Niya isusukli sa kanya pain .
Nandito ako sa library habang nag nagbabasa ng libro bigla sumagi sa isip ko si Daddy . Kaya mag aaral ako para Kay mama umalis kami sa poder ni daddy na walang Wala Kung Hindi ako nagipon sa pag momodel Wala kaming pera ni mama .
Hindi man lang naisip ni daddy hanapin si mama . Kasi alam niyang walang Wala kami . Nagsimula na naman si mama sa Wala .
" Ouch " bigla ako napalingon sa gawing Kanan ko .
Siya na naman .
Napataas yung kilay ko sa kanya ?
" What? " iritang Tanong Niya sabay tingkayad para ibalik yung libro na nahulog sa kanya .
umismid lang ako at nagfocus ng magbasa .
Nag eemote ako may pa epal na dumating .
ewan
"Amber pssst amber !" my boses na naman akong narinig
Hindi ako si Amber pero ako yung lumingon Kita ko yung Amber naka upo sa gilid at may libro na nakapatong sa mukha Niya .
Sinenyasan akong gisingin yung Amber pero Hindi ko siya pinansin .
che balakajan kaibigan mo yan kaya ikaw gumising diyan .
BINABASA MO ANG
BEAUTY AND THE BITCH (GXG)
Romance" Lahat ng bagay makukuha ko at walang sino man ang makakadikta ng dapat at hindi dapat kong gawin naiintindihan mo" paalala ko sa kanya Tango na lang ang tangi niyang nasagot Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko sa leeg paangat sa kanyang panga...