Chapter 1 - Meet Sofia

80 1 0
                                    

Author's Note: Hello! Eto yung first chapter ng The Seatmate. Parang horror naman yung title, enebe. =))

Please vote, comment, add to your reading list, and recommend it to your friends! :)

_______________________________________________________________________

The Seatmate – Chapter 1

Sofia's POV

“Ha? Bakit hindi ko makakapunta?” sabi ko sa kausap ko sa phone, ang isa sa mga bestfriends kong si Jenny.

“Eh kasi, may sakit ako,” sabi ni Jenny sa kabilang linya.

Dapat kasi ay magkasama kaming pupunta dun sa isang conference sa Baguio, kasama ko kasi sa work si Jenny, at kasama sa pagpunta sa iba’t-ibang lugar ang nakalagay sa job description namin.

“Ay. Sige, magpagaling ka na lang ha?” sabi ko kay Jenny, tapos binaba ko na ang phone.

Paano na ‘ko ngayon?

Tumawag ako sa driver ko tapos nagpahatid na lang ako sa bus terminal sa Cubao. Hindi naman talaga ako usually nagpapahatid kasi may sarili naman akong kotse, at marunong naman ako mag-drive, at isa pa, ayokong inaabuso ang mga trabahador namin, kaya lang wala talaga akong choice. Papagalitan pa ako ni Daddy ‘pag nalaman niyang nag-taxi ako, at siguradong lagot ako.

Bumili na ako ng ticket tapos nag-antay na matawag yung oras ng byahe. Aalis ako ng 9am, para makakrating ako dun ng mga past 3pm, kasi hindi naman saktong 6 hours ang byahe papuntang Baguio, minsan nga umaabot yata ng 8 hours.

I checked my stuff. Baka may naiwan ako sa bahay.

Nandito na yung bag ko na may lamang mga damit, toiletries, at underwear. Tapos dala ko rin yung MacBook Pro ko, dahil hindi pwedeng hindi. Tapos yung DSLR ko na sobrang bigat. Dala ko rin yung earphones ko na sobrang essential sa byahe (lalo na ngayon at isang stranger ang katabi ko). Tapos may mga pagkain din akong dala, dahil mahal ang pagkain sa mga stopover, at medyo hindi masarap.

Hulaan niyo na lang kung gaano kalaki yung bag ko at gano kabigat yung mga plastic at mga iba ko pang bitbit.

“9:00 papuntang Baguio, bus number 2409. Pwede na pong sumakay yung mga may ticket!” sabi nung lalaki na mukhang conductor sa bus.

Tumayo ako, bitbit yung dala ko, tapos pumunta na ‘ko sa bus na may number na 2409.

Nagulat na lang ako nung may kumalabi sakin nung naka-isang step na ‘ko sa loob ng bus.

Lumingon ako sa likod ko, kung saan nanggaling yung nangalabit.

“Hi miss, naiwan mo yata ‘to dun sa upuan kanina,” sabi ng isang lalaki.

Bitbit niya yung case DSLR ko. Nandun yung DSLR ko sa loob.

“Hala! Thank you po! Buti na lang po at napansin niyo, naku kung hindi baka mawalan ako ng trabaho. Hehehe,” sabi ko. Kinuha ko yung DSLR at sinabit sa shoulder ko.

Jusko! May mabait pa pala na tao sa mundo. Buti na lang at binalik niya, kasi talagang mawawalan ako ng trabaho. Kahit pa daddy ko yung may-ari nung company.

“You’re welcome. I think you need some help,” some nung good Samaritan. Tapos kinuha niy yung isang bag ko at yung isang plastic na may lamang food.

“Wag kang mag-alala, dito rin ako sasakay. Ano bang seat number mo?” tanong niya.

“26,” sabi ko.

“Great! 25 ako. What a coincidence,” sabi nung lalaki, tapos ngumiti siya

Nilagay niya yung bag ko sa compartment sa taas. Tapos lumingon siya sakin, parang nagtatanong.

“Hmm?” sabi ko.

“Ilalagay ko ba ‘to sa taas or kakainin mo ‘to during the ride?” sabi niya.

Ahh…yung food pala yung tinutukoy niya.

“Ahh, dyan na lang sa baba, thank you,” ngiti ko sa kanya.

Tapos nakatingin nanaman siya sakin.

“Bakit?” sabi ko.

“Do you want the window seat or the aisle seat?” tanong niya.

“Uhhm I like to see the view. So is it okay of I take your seat instead?” sabi ko.

Gusto ko talagang nakikita yung view, ang ganda kasi. Sana pumayag siya na magpalit kami ng upuan.

“That’s why I asked, because I don’t mind,” he smiled. “After you, miss.”

Umupo ako dun sa window seat tapos umupo siya after ko umupo. I made myself comfortable, despite the baggage beneath my leg, and the stranger beside me looking at me the whole time.

Now that I looked at him properly, he looked kinda cute. He has chinky eyes, tapos may dimple siya sa may left na sobrang visible from my point of view kasi nasa driver’s side kami, tapos medyo maputi siya. Matangkad siya, base sa nakita ko kanina, parang hanggang shoulders lang niya ako. He is wearing a gray v-neck shirt, and jeans. Napaka-simple niya pumorma. He looked like the boy-next-door. (At may picture siya sa gilid.)

Hindi naman siya mukhang masamang tao. Hindi rin naman siya mukhang manyak, kasi feeling ko mga pangit lang ang manyak, kasi kung gwapo ka diba hindi mo na kailangang maging manyak para makakuha ng girls? Diba parang it makes sense naman?

I texted my Mom and my Dad, saying that I have arrived at the bus terminal safely, and that nandito na ko sa bus, at sinama ko na rin yung bus number. Kasi for sure magagalit yung mga yun kapag hindi ako nagtext.

Pero bago umandar ang bus, magpapakilala muna ako. Ako pala si Sofia Venice Ramos, at anak ako ng may-ari ng isang magazine publisher. Merong akong dalawang kuya at isang ate. Ako yung bunso kaya ako ang pinakamalapit kina mommy at daddy, kahit hindi sila palaging nasa bahay. Kahit na medyo mayaman kami, hindi ako masyadong lumalabas sa media and other stuff kasi ayaw nila mommy. Kaya nagtatrabaho ako para sa publishing house namin.

Sa publishing house, ako yung chief ng design department. Mahilig kasi ako magtravel, mag-take ng pictures, kumain sa mga restaurant na hindi masyadong kilala. So basically, isa akong foodie traveler at medyo weird. Yung trabaho ko kasi parang hindi siya trabaho kasi puro travel ang ginagawa ko, tsaka puro kain, ganun. Hindi ko alam kung ganun ba talaga yung trabaho ko, or ganun lang talaga yung pinapagawa sakin kasi anak ako nung may-ari.

Anyway, 23 years old na ako at may sariling condo, pero sa bahay pa rin ng family ako nakatira, lalo na ‘pag nasa Philippines sina mommy at daddy.

At oo nga pala, wala pa akong nagiging boyfriend. Hindi ko rin alam kung bakit. May mga nanligaw at nanliligaw rin pero hindi ko pinapansin. Hindi ko kasi alam ang gagawin kung nagka-boyfriend man ako. At medyo socially-awkward ako, and all, so yun. Tsaka siguro baka may inaantay akong someone. Hindi ko rin alam kung sino si someone. Marami talagang bagay ang hindi ko alam, kagay ng bakit wala pa akong boyfriend, bakit sinasabi nilang perfect ang buhay ko eh hindi naman talaga, bakit daw hindi ako magastos eh marami naman daw akong pwedeng gastusin. Hindi ko talaga alam. Hindi ko rin alam kung bakit andaming tanong ng mga tao sa paligid ko minsan.

Tapos medyo gumalaw yung bus. Nagulat ako kaya medyo napamulat ako. Masyado yata akong spaced out. Narinig kong medyo tumawa yung katabi ko.

Umandar na pala ang bus. “Eto na, simula nanaman ng bagong adventure,” sabi ko sa isip ko.

At sa pag-andar ng bus, hindi ko alam na katabi ko na pala yung lalaking inaantay ko.

The Seatmate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon