VOTE. COMMENT. ADD TO YOUR READING LIST. RECOMMEND TO YOUR FRIENDS.
Thank you! :)
The Seatmate - Chapter 2
Andrei’s POV
“Pare pupunta ka ba?” text sakin ni Bryan.
“Sige na nga bro. Kawawa ka naman, baka walang pumunta sa party mo,” sabi ko.
Hindi ko rin alam kung bakit ako napapayag pumunta sa Baguio.
Meron kasi akong kaibigan dun, at birthday niya, tapos pinapapunta niya ako. Marami daw chicks, madami daw magagandang babae, madami daw single. Madami rin daw akong pagkain pwedeng kainin. Madami din daw mga restaurant na pwedeng puntahan. Sagot niya na daw ang hotel accommodations ko for 5 days. Madami siyang rason na binigay para mapapunta ako.
Pero wala dun sa mga binigay niya yung dahilan kung bakit ako pumunta.
Ako pala si Andrei Abesamis, anak ako ng may-ari ng isang catering service. Baka narinig niyo na yun, yung VS&F. Basta sabi ng tatay ko major catering company daw yun sa Pilipinas. Ewan ko kung maniniwala kayo sa tatay ko, pero ako hindi. Mayabang lang yun, kasi siya may-ari.
Isa akong chef. Mahilig ako magtravel. Mahilig akong kumain at magluto, at tumikim ng mga exotic na pagkain.
Pagdating sa lovelife, wala akong girlfriend. Pero madaming babaeng nanliligaw sakin. Yung tipong parang sila na yung lalake, kasi lagi akong binibigyan ng chocolates, tapos mga love letter, nililibre ako, mga ganun. Pero hindi ko tinotolerate kasi parang hindi naman dapat ganun itrato ang mga babae. Porket alam mong gusto ka nila, aabusuhin mo na, hindi dapat ganun.
Kaya hangga’t maaari, hindi ako nagkakagusto dun sa babaeng unang nagkagusto sakin. Kasi parang ang dating eh, siya yung naligaw, which is a wrong impression.
Nag-taxi ako papuntang bus terminal.
Habang bumibili ako ng ticket, may babae sa harap ko. Andami niyang dala. May isang malaking handcarry na black, tapos may isang plastic na puro pagkain, isang shoulder bag, isang case ng DSLR (alam ko kasi may ganun ako), at hawak niya lahat yun gamit ang isang kamay. Sa isang kamay, hawak niya yung cellphone niya, which is a Samsung Galaxy S4, I think. Techie din kasi akong tao kaya medyo maalam ako sa ganyan.
Tapos nagbabayad na siya.
Nung ako na yung bibili ng ticket, napansin kong umupon muna yung babae dun sa isang upuan. Lumingon lang ako saglit, tapos bumalik na yung atensyon ko sa cashier.
Sabi nung cashier, ‘Ay mali yung numbering, dapat pala 25 muna. Shunga lang.’ Hindi ko alam kung anong ibig-sabihin nun, baka sa seat number or something.
Tapos nakita niyang may cutomer na pala.
“Hi Sir, saan po?” sabi niya.
“Sa Baguio,” sabi ko. Bakit niya pa kailangang itanong eh nakalagay sa taas na Baguio?
“Ilan po?” sabi nung cashier.
“Isa lang,” sabi ko.
Tapos medyo bumulong yung cashier, ‘eto na lang 25 yung ibibigay ko.’
Binayaran ko tapos inabangan ko na yung bus na dumating.
Medyo matagal pa yata kasi 8:30 pa lang, e 9:00 yung kinuha kong ticket, kaya umupo muna ‘ko.
Napansin ko nanaman yung babaeg nasa harap ko kanina sa pila.
Hindi ko masyadong nakita yung mukha niya, kasi nakatalikod siya sakin sa pila, tapos ngayon sideview lang yung nakikita ko.

BINABASA MO ANG
The Seatmate.
RomanceAko si Sofia Venice, at ito ang kwento namin ng estrangherong nakatabi ko sa bus.