..
Daniel
[Where are you?] Bungad ni Caile sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag nito.
Makalipas ang ilang araw nung pumunta sa Chick-Chicken nila Mang Karo si Caile para kausapin ako at hingiin ang number ko. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa niyang pumunta kila Mang Karo para lang hingiin yung number ko.
Takang taka pa ako sa mga ikinikilos niya noon dahil para siyang regular na customer sa Chick-Chicken, um-order pa nga siya noon para lang makausap ako kahit sinabi naman ni Mang Karo na pwede na rin naman ako makausap dahil tapos naman na ang peak hour non.
"Nandito sa bahay, bakit?" Takang tanong ko naman sa tanong niya.
Ni-loud speak ko pa yung call dahil kasalukuyan akong nagluluto ng almusal ko. Naninibago nga ako at bigla ba namang tumawag si Caile nang ganito kaaga.
Papasok kasi ako ngayon sa Chick-Chicken, linggo ngayon at wala naman akong magawa kaya nagsabi na lang ako kay Mang Karo na papasok na lang ako ngayon. Noong una nga ay hindi pa pumapayag ito dahil sabi niya kailangan ko rin ang day off.
[I'm here at your place but you're not here.] Saad nito kaya napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
Napasilip naman ako sa labas ng bintana para sana tingnan siya kung nandon pero napasampal na lang ako sa noo ko dahil naalala kong hindi nga pala alam noon na lumipat na ako ng tinitirhan.
"Ayy hindi na kasi ako nakatira riyan, lumipat na ako nitong nakaraang araw lang." Sagot ko rito at hinango na ang egg sandwich na ginawa ko saka inilagay sa pinggan na nasa maliit na lamesa ko.
[What? Why didn't you tell me?] Tanong nito at nababahid ko ang pagkairita sa boses nito.
Napakunot ang noo ko, "Bakit parang galit ka? Paano ko masasabi sayo eh sobrang busy mo." Sabi ko habang naglalagay ng mainit na tubig sa kape ko.
[Ohh... Right! Okay, what you doing? Send me your address, I'll go there.] Saad niya habang ako naman ay kinuha ang phone ko para itabi sa lamesa habang nakain ako.
"Ano pa ba edi nakain, papasok ako sa Chick-Chicken." Sagot ko sa tanong niya at kumagat sa egg sandwich.
[Don't work for now, we're going somewhere.] Anito kaya napataas ang kilay ko.
"Ano? At saan naman tayo pupunta? Saka kailangan ko rin ng pera para sa renta ko rito sa apartment." Saad ko at itinigil muna ang pagkain ko habang tinetext sa kaniya ang location ko.
[Just don't work, okay? I received your message, expect me there in a couple of minutes.] Aniya at walang paa-paalam na pinatay ang tawag kaya natulala ako sa screen ng phone ko.
Saan na naman kaya kami pupunta nito? Last time na may pinuntahan kami muntik pang ma-meet and greet si Lord eh. Napabuntong hininga na lang ako at nag-send ng message kay Mang Karo na hindi na ako makakapasok dahil may kailangan akong puntahan ngayon.
Syempre hindi ko na sinabi na kasama si Caile dahil baka kung ano pa isipin non ni Mang Karo.
Itinuloy ko na lang ang pagkain ko habang nags-scroll sa social media. Libang na libang ako sa ginagawa ako at sa pagkain ko na hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Caile sa apartment ko.
"Paano ka nakapasok?" Nakakunot ang noo at gulat kong tanong sa kaniya.
Tumaas naman ang kilay niya, "You didn't lock the door." Anito at naupo sa katapat ko, "Next time, learn how to lock your door lalo na't nandito ka sa lugar na to." Pangangaral pa niya kaya napangiwi ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/362120412-288-k519381.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mafia's Psychopathy [BxB]
AksiMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy Caile × Daniel ⚠️Credits to the real owner of the photo⚠️