4th quarter means bagong seating arrangement. Sabi ni Ma'am Gregory noon na kami pipili ng seat namin sa 4th quarter. Scam. She arranged us sa seating arrangement namin sa Mapeh. Kilala na kami ni Ma'am Antolin noong inarrange niya kami, siguro ay binase niya ito sa ugali. Nasa 2nd row ako, pinapagitnaan nila Xannder at Cholo. Sa harap ko naman ay si Adrianne ata, nakalimutan ko na pero katabi niya si Arkin. Well, lilipat ulit ako. Akala niyo ha, pakielam ko sainyo. Nakaclose ko na din si Cholo. Katabi ko siya noong 3rd quarter sa Mapeh seating arrangement din. Jowa niya si Krista noong time na yun, nasusuntok ko madalas sa balikat. Mahilig ako manuntok noon. Nagdidiscuss si Ma'am Antolin about sa play something? Ano tawag doon? Nakalimutan ko na basta play siya. Nagquiz kami pero wala akong nagets. MALAY KO BA EH HINDI NAMAN AKO NAKIKINIG..... Nagkopyahan nalang kaming tatlo nila Xannder. Mostly si Xannder nagsagot pero nagbigay din naman ako sa ibang numbers. Si Cholo wala talagang ambag, ampota.
————————————————————
Arkin, dito ka! Sabi ni Xannder, naglilipatan sila ng upuan. Nakalimutan ko kung sino sino lumipat sa row namin pero magkakatabi sila Arkin, Xannder, Cholo at Rhasel. Sila Arkin, Xannder at Rhasel ay trio talaga. Lumipat na din ako. Katabi ko sila Alex at Jayden. Ayoko don sa upuan ko, nandon yung mga magtrotropa. Nawawala cellphone ko. Fuck, nasaan cellphone ko? Pagkakita ko nalang ay nandoon na ulit sa armchair ko, may bagong picture na nakalagay sa gallery. Nandoon yung apat, sila Arkin, Rhasel, Xannder at Cholo. Pakyu pala kayong apat.
————————————————————
Lei:
Cholo
Pano ka nakapasok na mukang bao?Asar ko kay Cholo, nagpagupit kasi siya dati. Mukang bao. Ngayon naman ay tinatanong ko kasi nagpagupit ako ng wolfcut. Sabi ko wolfcut at curtain bangs, putangina binigay sakin askal cut😭. Mali yung bangs, inaasar ako ng pinsan ko na si Kier hanggang sa pag uwi. Nagpasama kasi ako sakanya magpagupit. Naiinis ako sa bangs ko kaya naman ito'y aking ginupit...... TANGINA, HINILA KO MASYADO, SOBRANG IKSI TULOY. MICROBANGS AMPOTA. Ginaslight ko tuloy sarili ko na okay naman gupit ko. Sineen lang ako ni Cholo, pakyu siya. Pagpasok ko sa school ay nakaclip bangs ko. Hindi bagay. Sino ba naman kasing nakawolfcut pero nakaclip. Hindi pogi ampota.
Bakit ka nakaclip? Hindi bagay sayo. Sabi ni Isabel na nakatingin sa akin at parang gustong tanggalin ang clip na nasa bangs ko.
Hindi ba bagay? Paki ko. Binalewala ko nalang ang sinabi niya. Layered kasi dati buhok ko. Nagpagupit ako ng wolfcut kasi medjo magkaparehas nadin naman itong dalawang 'to. Umupo na ako sa upuan ko. Inasar naman ako ng mga katabi ko.
Oh, bakit ka nakaganyan? Tanong ni Cholo na agad ko namang pinakyuhan.
Leila! Nagpagupit ka?! Tanong sa akin ni Krista. Parang hindi naman eh! Dagdag niya pa. Hindi naman talaga halata kasi nga magkapareho naman talaga ang layered sa wolfcut.
Tanggalin mo nga yan! Hindi bagay. Sabi ni Isabel. Mayamaya ay tinanggal ko na kasi ayoko naman nakadisplay noo ko. Mukang maglalanding na yung airplane sa airport.
HAHAHAHAHAH ANONG NANGYARI DAN? BAT KA MUKANG BAO?! Tawa ni Xannder at pinakyuhan ko din ito. Ano ba, leave me alone. Napatungo nalang ako sa first subject.
Good morning Ma'am Pernia! Pagbati namin kay Ma'am Pernia na 2nd subject namin which is Math. Nagdiscuss si ma'am. Nagsagot din kami ng seatwork pagkatapos. Habang nagsasagot, napansin ni ma'am gupit ko......😭
Lanting, ikaw ba yan? Gulat na sabi ni ma'am na tinawanan naman ng mga katabi ko. Nahiya ako at napakamot nalang sa ulo habang tumatango. Lord, kuhain mo nalang ako pls.......Tle, wala namang special. Nagkwekwentuhan lang kami nila Jai at Kassandra dahil wala namang pakielam sa amin si Sir Justine. Recess ay pumunta kaming canteen. Pagkabalik namin sa room ay bigla akong hinigitan ng facemask. Ayun pala, naghihigitan sila ng facemask at damay damay na. Hinigitan na din sila Kassandra at Jai. Yung iba kong kaklase ay may back up na facemask, humingi ako sa isa kaso hinigit din naman nila. Nakakalat na ang mga facemask sa sahig. Dumating na ang Science teacher namin at lahat sila ay nagmadaling bumalik sa upuan. Terror teacher kasi Science teacher namin pero mataas ito magbigay ng grade. Halos lahat kami ay walang facemask. Patago akong nagcecellphone sa klase at pinicturan sila Kassandra na walang facemask.
Lei:
Guys pahingi facemask, naghigitan kami ng mga facemask ditoJay-Ann:
NyareSinabi ko lahat sa gc naming taga ibang section. Ako lang ang Hawk doon at silang lahat ay Hummingbird. Inadd lang ako ni Jay-Ann doon pero nakaclose ko naman silang lahat agad. Masaya silang kausap, puro kalokohan. Wala namang bumaba para magbigay sa akin ng facemask dahil may teacher din sakanila. Nasa taas lang naman kasi ng room namin ang room nila. 3rd floor sila habang ako naman ay 2nd floor. Hanggang uwian tuloy ay hindi ako nakafacemask. Memorable sa akin ang araw nayun. Stuck na ata sa utak ko yung naghigitan kami ng facemasks

YOU ARE READING
JHS lovelife
Ficção AdolescenteLei, an academic achiever aromantic student na iisa lang ang gusto sa buhay-maging isang rich single tita. Ngunit magbabago ang lahat pagkatungtong niya sa highschool.