CHAPTER 2

1 0 0
                                    

Chapter 2

"You guys know each other already, right?" sabi pa ni kuya, tinutukoy si Valerie at ako.

I was about to say that we are classmates but "Why are you here? With... the boys?" hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa sinabi nya, iniisip nya bang malandi ako kasi kasama ko ang mga lalaking ito?!

Or maybe it's just me who's thinking about it...

"I don't think it's your business to know" napa awang ang bibig ng CCS sa sinabi ko, ganun din si Reisha pero may tinatagong ngisi dahil proud sa sinabi ko.

Matagal ko ng gustong prangkahin si Valerie pero hindi ko magawa dahil nasa school kami at baka sa guidance pa ang abutan namin.

Nung grade 1 palang kasi kami ay inagawan na nya ako ng baon kaya nang nagmula non ay hindi na kami nagkasundo hanggang ngayon.

Mukhang napahiya nga si Valerie sa sinabi ko dahil wala syang naisagot.

Masaya ang araw ko pero biglang sumama nang nakita ko ang pagmumukha nya, gaya namin ay naka uniform din sya. Tila inakala na may pasok din.

"Nika be nice, she's Zeus girlfriend" pag awat pa saakin ni kuya na akala mo naman anong minuto ay susugurin ko ang Val nya.

"That's what I thought... Reisha and I should probably leave, we'll just see you guys later" sabi ko at hinila si Reisha paalis sa Karaoke room.

"Thank you naman, kanina ko pa gustong umalis dun eh" napa buntong hininga si Reisha.

"Pero wait... Girlfriend ni Valerie si Zeus?!" gaya ko ay hindi din sya makapaniwala, ako naman ay tahimik lang na nag-iisip. Inaalala ang kaunting paglandi ko sa lalaki at unti unting nahiya sa sarili.

Hindi pa naman gaano kalala ang mga ginawa ko pero nakakahiya pa din dahil hindi ko lang man alam na may jowa pala sya.

"Paano sila nagkakilala? Atsaka bakit pumatol ang grade 10 sa grade 7?" naka-kunot noo kong tanong.

"Wala naman akong nakikitang bawal dun, te" sabat pa ni Reisha kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Hayaan mo na, crush lang naman yan eh. Lilipas din yan for sure, atsaka wala na dapat tayong pake sa buhay nila" aniya at hinila ako papunta sa bilihan ng ice cream.

Alam na nya ang paborito kong flavor kaya hindi ko na sya sinamahan mag-order, naghintay nalang ako sa upuan na nakatulala na parang tanga.

Hindi parin talaga ako makapaniwala na jowa ni Zeus si Valerie. Pero napa-isip din ako, kung nakaya nyang jowain si Valerie eh di pwede din ako?

"Kainin mo na bago matunaw" nagising ako sa sinabi ni Reisha, ngayon ko lang nakita na naka-upo na pala sya sa harap ko kanina pa.

Medyo sus yung sinabi nya ah...

Umirap naman ako bago sumubo, napatingin ako sa labas ng pinagkakainan namin at biglang nakita si HURVUY?

"Mare! Si Hurvuy! 3:00! 3:00!" agad naman sya napatingin sa 3:00 nya at nagulat din, napatayo kaming parehas at dali daling umalis dun.

Mabilis na mabagal ang takbo namin para hindi kami makita ni Hurvuy kaso paborito ata sya ni lord today kaya nang lumiko kami ay sya ang nakabunggo namin.

Hindi naman sa umiiwas ako sakanya, sadyang ayoko lang sya makita today.

"Nika" masayang tugon nya, muli akong umirap sa sarili dahil ayoko ng may tumatawag saakin ng ganun pangalan ko na hindi ko naman ka-close.

"Itinadhana talaga tayong magkita ngayon kaya bakit hindi tayo mag date?" napa ubo si Reisha sa likod ko, hindi ko alam kung anong klaseng reaksyon yun kung natuwa o nainis ba.

Avoiding the Temptations  (JHS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon