𝐂𝐀𝐌𝐈𝐒𝐇𝐀
✦✦
"HINDI ba sabi ko hindi mo na kailangan mag trabaho 'nak? Kaya ko naman mag trabaho para sa pamilya natin. " Ani ni mama.
"Ma, bakasyon naman ngayon. Kahit papaano gusto ko rin makaipon at matulungan ka na rin sa gastusin dito sa bahay." Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.
"Ay bahala ka! Basta't mag-iingat ka ha. . . Sabihan mo ako kaagad kung sino ang tumanggap sa'yo." Sabi ni mama habang nag hahati ng petchay.
"Ayiee kaya mahal na mahal kita ma eh!" Niyakap ko siya. Napalingon ako nang makarinig nang may tumikhim sa may gilid.
"Aba! Bakit kayo nag gu-group hug ng wala ako?!" Mabilis na lumapit saamin si Kim at niyakap kami dalawa. Nagsitawanan kami sa reaksyon niya.
Ako si Camisha Soleil Andrada, sixteen years old. Simple lang ang buhay ko kasama ang mama Carmen ko at nakababata kong babaeng kapatid na si Kimberly.
Pumanaw na ang aking pinaka mamahal na papa dahil nadisgrasya dahil sa panic noong ipapanganak na si Kim. Kahit hindi niya na siya nakita, ay ramdam kong mahal na mahal niya si Kim at mahal na mahal rin siya nito.
Bakasyon ngayon at sa darating na pasukan ay grade eleven na ako. ABM ang kukunin ko dahil gusto kong maging accountant. Pangarap ko na iyon simula pa bata ako, kaya ngayon ay naghahanap ako nang mapapasukan dito sa bayan ng San Francisco bilang isang katulong.
"Misha! Misha!" May babaeng tumatakbo papunta saakin mula sa kabilang bahagi ng kalsada. Pinutputan siya ng dadaang traysikel pero wala siyang pakialam.
"Dios ko, bata! Tumingin ka sa dinadaanan mo!"
Sigaw ng drayber."Pasensya na manong!" Sigaw niya pabalik.
"Francine Faith Fernandez! Nasisiraan ka na ba ng bait? Magpapa disgrasya ka ba?" Hinampas ko siya sa braso.
"Aray ko naman Camisha! Emergency to eh!" Hinihingal niyang sabi.
"So ano? Ano ba ang sasabihin mo?" Pinameywangan ko siya.
"Di ba nag hahanap ka ng trabaho?"
Tumango ako.
"Di ba gusto mo dito lang sa lugar natin para malapit?"
Tumango ulit ako.
"Gusto mo mataas na sweldo?"
Tumango ulit ako.
"Yung simple lang ang gagawi—"
"Teka sabihin mo nalang, straight to the point na!" Tinaas ko ang palad ko at itinaas baba iyon.
"So ayun na nga, sabi ni mama ay may nagsabi sakanya na nagpapahanap raw nang mga gustong mag part time job na katulong ngayong bakasyon. Yung iba kasi nilang katulong ay nagbakasyon rin, kaya kailangan nila ng pamalit. Mag aapply rin ako, sama ka?" Tuwang tuwang sabi niya at hinampas ang balikat ko.
"Saan ba yan?" Curious na tanong ko.
"Sa mga Alvarez!" Tumili siya.
"Neng may batang natutulog, pakibabaan ng boses mo." Sita sakanya ng babaeng may hineheleng natutulog na sanggol.
"Sorry po." Yumuko siya.
Pumayag kaagad ako nang sabihin niyang sa mga Alvarez kami mag tatrabaho. Paanong hindi eh kilalang kilala ang mga Alvarez dito sa San Francisco.
Nagmamay-ari sila ng isang hacienda rito at marami silang natutulungan na mga manggagawa at tao. Sila rin ang may pinaka malaking bahay at maraming pag-aaring lupa.
Kilala silang mababait na tao at hindi maliit ang tingin sa mga naghihirap. Mahilig silang tumulong sa kapwa nila tao. Hindi rin mataas ang tingin nila sakanilang mga sarili.
"Ma nakahanap na ako nang pagtatrabahuhan." Balita ko kay mama. Ang kapatid ko naman ay naliligo sa banyo, rinig ko ang pagtama ng tubig sa loob.
"Saan ate? Huwag mong sabihin na sa mga Alvarez ka mag tatrabaho!" Sigaw niya.
"Gago paano mo nalaman?!" Kunot kong tanong sakanya nang buksan niya kaunti ang pinto para sumilip. Tahimik niyanh isinara nya muli ang pinto
"Sa mga Alvarez ka mag tatrabaho, Misha?" Paninigurado ni mama.
Tinanguan ko siya bilang sagot.
"Para kang nanalo sa loto anak! Mataas magpa suweldo ang mga Alvarez, magpakabait ka roon ha."
Payo niya. Nagluluto siya ngayon ng ulam."Ambango-bango naman niyan ma." Langhap ko ang amoy ng ginisang Papaya na may pritong isda. Isa sa paborito kong ulam.
"So sa mga Alvarez ka nga magtatrabaho?" Nakakunot ang noong tanong ni Kim habang pinupunasan ang buhok niya ng tuwalya.
"Oo nga bakit?"
"Wala, hindi ko lang ma imagine na makakasama mo ang asungot na iyon pag nagtrabaho kana roon." Sabi niya.
"Sino? May gusto ka bang anak ni señorita Zarina?"
Pinaningkitan ko siya ng tingin. Nakaupo ako ngayon sa may lamesa, nakataas ang isang paa, habang nakatingin sakanya. Mediyo namula ang pisngi niya at napailing-iling."Ako?" She scoffed.
"Magkakagusto sa mukhang itlog na iyon? No way! Malabong mangyari ang bagay na iyan ate, hinding hindi ko magugustuhan ang isang tulad niya!" Padabog na kinuha ni Kim ang suklay mula sa ibabaw ng aparador at pumunta sa kwarto namin.
"Sobrang defensive nya ma, feeling ko talaga may crush na ang isang yun." Pagsumbong ko kay mama. Nilagay ko ang ilalim ng mukha ko sa palad ko habang ang siko ay naka tukod sa ibabaw ng lamesa.
"Normal lang naman ang magka crush 'nak. Magha-high school na ang kapatid mo, marami pa siyang makikilala at maiexplore. Hayaan mo na." Sabi niya habang naghuhugas ng kamay.
"Eh ma, ako nga noong junior high walang naging crush. Wala akong iisipin na magpapaganda ako kesyo dahil wala rin naman nagkaka gusto saakin. Aral lang, dahil sagabal lang ang crush-crush na iyan. Sobrang corny!" Sabi ko kunware nasusuka.
"Bitter ka lang 'nak eh. Pag ikaw nagka crush, magpapagupit kana!" Hamon niya saakin.
"At ako pa talaga ang hinamon mo mama ah! Kung andito si papa, magsusumbong talaga ako na may gusto ka roon kay manong Dexter! Pansin ko. . . siya nalang palagi nag hahatid sayo papunta dito sa bahay mula palengke. Kala nyo di ko kayo nahahalata. " Inirapan ko siya.
"Drayber siya ng traysikel, Camisha. Malamang sakanya ako palagi sasakay dahil dito ang byahe niya." Rason niya.
"Hmph! Marami namang traysikel diyan ah, bakit sakanya? Sabagay, mayka pogian nga rin naman si manong Dexter!" Pang-aasar ko. Napatawa ako sa naging reaksyon niya.
"Sumusobra kana, Camisha ah. Ikaw ang mag hugas ng plato mamaya!"
Palagi kaming ganito ni mama. Kung mag-usap ay akala mo magkasing edad lang. Si papa talaga ang mediyo strict noon pero sobrang mag-aalala pag lagpas na sa curfew na ala-siyete wala pa kaming dalawa ni Kim.
Nang makaluto si mama ay kumain na kami. Inasar ko si Kim ulit tungkol sa crush niyang isang Alvarez. Maraming Alvarez sa mundo pero ang Alvarez na narito sa San Francisco ay kilalang kilala.
Natulog ako nang mahimbing hanggang sa dumating ang kinabukasan.
YOU ARE READING
Fallen in the Clouds [On-Going]
Romance"Between you and my cats, I would choose the latter." said by Zachary Oliver Alvarez bago ako tinalikuran. Isang lalaking mahal na mahal ang mga pusa nya kaysa sa mga tao sa paligid nya. What a weirdo. . . *** Falling in the Clouds is a Filipino-Eng...