𝐂𝐀𝐌𝐈𝐒𝐇𝐀
✦✦"MAGANDANG umaga po, señorita Zarina. Pumapayag na po ako sa alok niyo na maging tutor ng anak nyo. Magtatrabaho din po ako bilang katulong kung. . . tataasan nyo po ang suweldo ko hehe. Kailangang-kailangan ko na po kasi. . ." Hirit ko kay señorita.
Mabait si señorita Zarina Melendez-Alvarez. Isa siyang head doctor sa isang renowned hospital na "Philippine Specialists Hospital". Ang ospital na ito ay inimbitahan lamang ang mga magagaling na iba't ibang mga espesiyalista mula sa iba't ibang parte ng Pilipinas, kung saan binibigyan sila ng pondo para gawin ang mga research na kailangan nila.
"I've heard about your mother's case. Nasagasaan daw? Tama ba, abuela?" Tanong ni señorita kay madam Sita.
"Yes, ma'am. And also, her mother got a bone fracture. . . which caused HER to be unable to walk. " Maarte at madiin na pagkakasabi ni madam Sita. Naiinis ako sa tono nya ngunit pinanatili kong nakasarado ang bibig ko.
"Dios mio! Totoo ba iyon?" Nanatiling kalmado ang gulat na señorita habang nagtatanong saakin.
"Opo, ngunit nagka surgery na po siya. At malaki po ang naging expenses. Ngayon ay kailangan ko bayaran ng malaki ang pinagkakautangan namin." Nagsinungaling ako sa part na mga Austero ang nakadisgrasya sa nanay ko dahil baka mag away pa ang dalawang angkan, kahit hindi ko naman balak iyon.
"Mabuti naman. . . " Nakahinga ng maluwag ang señorita.
Hindi ko alam kung bakit nakahinga sya ng maluwag kahit hindi nya pa naman nakikilala ang nanay ko. Gustong gusto ko talaga ang pag uugaling ganito ni señorita.
"So regarding about the tutoring, when do you want to start?" Tanong niya bago kinuha ang tsaa mula sa coffee table. Nasa sala kasi kami ngayon, nag uusap.
"Bukas po ay puwedeng puwede na. Kayo na po ang bahala kung ilan ang ipapasuweldo ninyo." Nginitian ko siya.
"Hmm. . . okay. Ako na ang bahala. "
Matapos kaming mag-usap ni señorita ay bumalik na ako sa pagtatrabaho. Nakasuot ng pang katulong na damit at nakatali ang buhok ko. May laso pa sa gitna nito.
"Mish, ikaw daw maglinis sa second floor sabi ni madame." Ani bigla ni ate Jona. May bitbit siyang laundry.
"Bakit daw po?" Nakunot ang noo ko.
"Ewan ko din eh. Pinapasabi lang ni madame. Oh sya mauna na ako, lalabhan ko pa ang mga ito. " sabi nya bago nag tungo sa laundry washing area.
Dahil si madame daw ang nag utos. . . pumayag na ako. Baka kaltasan pa ang suweldo ko pag hindi ako sumunod. Umakyat na ako papunta sa second floor. May room sa taas kung saan naka imbak ang ibang mga pang linis. Ivaccum ko nalang ang sahig.
Nang makarating ay nakarinig ako ng mga tunog mula sa kwarto ng alaga ko. Biglang nag activate ang curiosity ko, kaya naman ay tinapat ko ang tainga ko sa pintuan ng kwarto niya.
"Hi guys! I'll be bringing my babies to the vet for their weekly check up. No one is home today so I'll be making this live. Welcome to the live everyone, say hi to Yuki and Moo. "
YOU ARE READING
Fallen in the Clouds [On-Going]
Romance"Between you and my cats, I would choose the latter." said by Zachary Oliver Alvarez bago ako tinalikuran. Isang lalaking mahal na mahal ang mga pusa nya kaysa sa mga tao sa paligid nya. What a weirdo. . . *** Falling in the Clouds is a Filipino-Eng...