Chapter 03 - First Day

4 1 0
                                    


𝐂𝐀𝐌𝐈𝐒𝐇𝐀

✦✦

UNANG araw namin ngayon ni Francine sa trabaho. Six ng umaga hanggang six ng gabi ang trabaho namin. Ang gagawin lang namin ay maghuhugas ng plato, mag pupunas ng mga dumi sa paligid, mag wawalis ng sahig, at sundin ang utos ng tatlong anak nina señorita Zarina at señorito Antonio.

Hindi ko pa alam ang mga pangalan ng kanilang anak. Alam ko lang ay ang bunso ay babae, isa itong child actor kaya palagi wala rito sa bahay. Ang ikalawa ay lalaki at mahilig ito sa mga robots kaya palagi itong wala dahil nag aaral ito.

Ang panganay naman, isa raw na content creator sa Youtube. Pero hindi ko alam kung ano ang content na ginagawa niya.

"Camisha, tawagin mo nga si sir. Nasa taas ang kwarto niya pagka akyat mo ay may makikita kang pinto na may nakalagay na karatula. Handa na ang agahan sabihin mo." Utos ni ate Grace.

Tumango ako bilang sagot at umakyat na sa taas. Hinanap ko ang pinto na may karatula daw. Nahanap ko naman ito.

"Do not open the door without permission.

Allowed:

Yuki & Moo Alvarez"

Kumatok ako ng limang beses sa pinto ngunit walang sumasagot. Kumatok muli ako pero wala talaga.

"Sir, ayos lang po ba kayo? Gusto nyo po ba ako pumasok?" Hinawakan ko ang door knob at hindi iyon naka lock. Sumilip ako sa pinto pero walang tao.

"Can't you see the sign, or are you blind miss?" I was startled when I heard a guy's voice behind me. I turned around and it was the same guy from last time.

He grinned when he suddenly realized something. "Oh you were the cat from last time."

CAT?

Anong akala niya saakin, pusa?

"Hoy, alam kong hindi ako ganoon ka tangkad pero hindi po ako pusa. Allergic ako oo." Binigyan ko siya ng pekeng ngiti bago isinara ang pinto.

"Mag-aagahan na po sir, kaya bumaba na po kayo." Sabi ko bago yumuko sakanya at umalis.

Nang makababa ay natawa si Francine sa mukha ko.

"Oh bakit lukot na lukot ang mukha mo?" Tanong niya.

"Wala, may nakita lang akong cat food sa taas pero sayang hindi ko puwedeng sunggaban. " May nakita akong buwisit sa taas pero hindi ko puwedeng awayin.

"Kailan ka pa nagkaroon ng interes sa cat food, Camisha?" Nalilitong tanong niya.

Hindi ko na siya sinagot at pumunta sa kitchen para kumuha ng tubig para sa Don.

"Alam ninyo ba na may parang addiction ang Don sa mga pusa?"

"Ha? Bakit naman magiging addict ang Don Zachary eh kayang kaya nila ito maipagamot kaagad?"

"Sure ka ba sa sinasabi mong iyan, Nerma?"

"Umayos nga kayo, hindi ba kayo nakokonsensya? Kung ano ano ang sinasabi niyo tungkol sa anak ng señorita. Habang siya ay ito ay binibigyan tayo ng trabaho at mataas pa ang sweldo!" Pagsaway sakanila ng isang katulong. Si Madam Eleanor. Ang kanang kamay ni Madam Sita.

"Pasensya na po Madam."

"Huwag nyo nang uulitin iyon ha. Ayokong makarinig ng mga kwentong walang katotohanan mula sainyo. Masusunod?"

"Masusunod po madam." Nakisabay nalang rin ako kahit hindi ako kasali sa chismisan nila.

"Camisha, dalhin mo na ang tubig sa lamesa. Kumakain na ang Don." Utos niya at tumango naman ako.

Fallen in the Clouds [On-Going]Where stories live. Discover now