𝐂𝐀𝐌𝐈𝐒𝐇𝐀
✦✦
"RISE AND SHINE!"
Nahulog ako sa higaan nang marinig ang sigaw ni Francine sa tainga ko.
Parang nabulabog lahat ng body cells ko sa lakas ng sigaw niya.
"Buwisit ka!" Hahabulin ko sana siya nang maka tama ang noo ko sa likod ng pintuan. Sinara nya kasi kaagad iyon bago pa ako makalabas, napaupo ako sa sahig.
"Tang ina. . . agang aga sobrang malas ko." Mahinang bulong ko at hinimas ang noo at pwet ko na nakatama.
Bumukas ang pinto at niluwa non si Kim. "Oh ate, anong ginagawa mo diyan sa sahig?"
"Nasaan na si Francine?" Tanong ko sakanya.
"Andoon sa sala, nanonood ng unang hirit. Tara na ate, kakain na. Pupunta raw kayo sa mansion ng mga Alvarez ngayong umaga."
"Ha? Ngayon na?" Tumango nalang siya bago umalis, hindi na sinara ang pinto.
Sinuklay ko ang buhok kong lagpas na sa bewang ko. Inipit ko iyon bago pumunta sa kusina para mag hilamos at mag mumog ng tubig.
"Goodmorning ma!" Niyakap ko siya, inaantok pa ako.
"Goodmorning, may mainit na tubig diyan. Mag timpla ka na nang maiinom mo."
"Six-twenty palang, Frans. Bakit ang aga mo? Nambubulabog ka." Umupo ako sa tabi niya.
"Nanaginip ka pa, andito na ako. Kailangan natin pumunta sa mansion ngayong umaga para makapag apply na. Aalis kasi mamaya si señorita Zarina. Baka hindi na natin maabutan." Aniya at ibinalik ang tingin sa maliit naming TV.
Itlog at corn beef ang agahan namin. Nakikain na rin si Francine dahil inaya siya ni mama. Hindi man lang nag dalawang isip.
Sabi nya ang grasya daw ay hindi dapat tinatanggihan.
Nag-suot lamang ako ng puting palda na lagpas sa tuhod ko at kulay berdeng longsleeve na pang itaas. Nag sandals na lang ako at dinala ang maliit na brown sling bag na nilagyan ko ng pera ko. Ang kalahati ng buhok ko ay tinali ko ang kalahti ay hindi at nilagyan ng maliit na ipit.
Mag aapply lang ako pero kailangan mukha akong tao don. Dahil hindi lang isang pangkaraniwang bahay ang pupuntahan ko, isang mansion! Ayokong mag mukhang pulubi. Si Francine ay nakasuot lang ng itim na polkda dots na blouse at mom jeans. Naka puti at itim na sneakers din siya.
"Wow ate, mag aapply ka ba o makikipag date?" Bungad ng kapatid ko nang pumasok sa kwarto.
"Nakakahiya naman kung mukha akong tanga, Kim Cherine. Oh sya, sundin mo ang mga utos ni mama ha." Pagpapaalala ko.
"Oo naman, palagi naman ako eh. " Bulong niya. Hindi ko na iyon masiyadong narinig kaya hindi ko na pinansin.
"Ma! Alis na po kami." Pagpaalam ko.
"Salamat po sa agahan, tita Carmen. Babawi nalang po ako sa anak nyo. " Ani ni Francine.
"Mag iingat kayo sa daan! Hanapan mo ng crush iyang si Camisha. Sobrang bitter." Pag bibiro ni mama, napairap nalang ako.
"Bye na, aalis na po kami." Sabi ko.
Nag traysikel kami ni Francine papunta sa gate papasok sa mansion ng mga Alvarez. Pinapasok naman kaagad kami ng gwardiya nang sabihin namin na aplikante kami. Nilakad namin ang papunta sa loob.
Maraming mga puno at mga bulaklak ang makikita. May hardin at fountain sa magkabilang banda ng path walk. May mga gardeners din na makikita. Inaayos nila ang hardin, at napakagandang tignan ang mga bulaklak.
YOU ARE READING
Fallen in the Clouds [On-Going]
Romance"Between you and my cats, I would choose the latter." said by Zachary Oliver Alvarez bago ako tinalikuran. Isang lalaking mahal na mahal ang mga pusa nya kaysa sa mga tao sa paligid nya. What a weirdo. . . *** Falling in the Clouds is a Filipino-Eng...