CHAPTER 1

8 2 0
                                    

CHAPTER 1: BLUE EYES

ALORA POV

Nang makarating ako sa aking apartment ay agad akong nagtungo sa aking kwarto at humilata sa kama. Pagod na pagod na naman kasi ako sa trabaho ngayong araw. Idagdag mo pa ang stress sa paulit-ulit na revisions ng pinasa kong manuscript.

Hindi ko makuha kung ano talaga ang gusto ng aming editor pero hindi ko muna iisipin ang trabaho para makapagpahinga naman ako dito sa bahay.

Habang nakahiga ako ay nag log-in muna ako sa aking spare account. Dito ako mostly nagpopost ng rants na hindi ko pwedeng ipost sa aking real account. Masasabi kong mas nailalabas ko ang totoong ako kapag ginagamit ko ang account na ito.

Nagbasa lang muna ako ng messages at napa-kunot ang aking noo ng makita ko na inadd ako ng aking online friend na si Angelo sa isang GC.

Angelo: Hello, guys! Let’s welcome our new member, my cute friend, Ara!

At talagang minention pa ako ni Angelo sa GC. Napailing na lang ako lalo na nung nabasa ko kung anong pangalan ng GC.

‘DATE AT YOUR OWN RISK’ Ito ang pangalan ng GC at hindi ko maintindihan kung bakit ako inadd ng loko loko kong kaibigan dito. Wala naman akong natatandaan na nagsabi ako sa kanya na naghahanap ako ng jowa.

Masyado akong busy sa trabaho at stress na ako dito kaya hindi ko gugustuhin na dagdagan pa ang aking sakit sa ulo.

Agad akong nagpm kay Angelo dahil hindi ako natutuwa sa ginawa niya.

Ara: Bakit mo naman ako inadd sa GC na yun?

Angelo: Alam ko kasi na stress ka sa trabaho kaya kailangan mo rin maghanap ng ibang pagkakaabalahan. Huwag kang mag-alala dahil mostly members doon ay matitino at professionals rin kaya tiyak akong hindi ka mababastos.

Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan na lang na manatili ako sa GC. Sa bagay, mas okay rin na may pagkaabalahan ako bukod sa trabaho para naman hindi ako tumanda agad sa sobrang stress.

Makalipas ang ilang minuto ay tumunog ulit ang aking notification. Baka minention na naman ako ni Angelo. Ang kulit rin talaga ng mokong na iyon.

Z: Hi, Ara cute!

Tumaas naman ang aking kilay nang makita ko na hindi pala si Angelo ang nagmention sa akin.

Z? Sino naman kaya ito. Member din siya sa GC at pareho kaming anime ang profile picture. Sa dami ng members sa GC na iyon ay siya pa lang ang pumapansin sa akin so far. Mukhang tama nga si Angelo, busy ang mga members ng GC na ito dahil lahat sila ay professionals at nagtatrabaho na.

Hindi ko naman pinansin ang chat ng Z na ito dahil malay ko ba kung anong klaseng tao siya at bakit kailangan niya pa akong pansinin.

Kukuha na sana ako ng tubig saglit dahil nauuhaw na ako nang makatanggap ako ng bagong message request.

Z: Snub naman.

Aba, at talagang nagpm pa sa akin ang lalaking ito ha. Ano ba ang gusto niyang mangyari? Masyadong papansin eh.

Nagreply na lang ako para matahimik na siya.

Ara: Excuse me pero hindi ako snub.

Z: Ayun! Marunong naman palang magreply. Hi, cute! Can we be friends?”

Tsk, ano naman kaya ang binabalak niya? Ganito na ba ang mga lalaki ngayon sa online world?

Ara: Wala ka bang magawa sa buhay mo?

Z: Sungit naman. I just want to be friends with you.

Ara: Siguro bored ka lang noh? Bakit ka naman makikipag-kaibigan sa taong hindi mo naman kilala.

Z: I’m Z, and you’re Ara. We are in the same group chat. So basically, we already know each other.

Ara: Okay, fine. Online friends lang naman so walang masama.

Pagkatapos nun ay hindi na nagreply si Z. Kaya naman ay nagbrowse na lang ako sa aking FB newsfeed. Baka may bagong update ang mga favorite kong anime groups.

Kaya lang ay biglang nawala ulit ako sa mood ng nakatanggap ako ng bagong friend request. Zy Hell? Hindi ba’t ito ang profile picture ni Z? Iyon kasi ang nickname niya sa GC namin. Pero teka lang, bakit ba ayaw akong tantanan ng lalaking ito?

Z: Hey, please accept my friend request.

At talagang nag message ka pa ha. Inaccept ko na lang ang friend request niya pero wala akong balak na istalk siya dahil hindi naman ako interesado sa buhay ng iba.

___

Kinabukasan ay muntik na akong malate sa aking trabaho. Napuyat kasi ako kagabi dahil nanood ako ng anime.

“Good morning, boss!” Nakangiting bati ko sa aking boss ngunit hindi man lang niya ako sinuklihan ng ngiti.

Mukhang wala ata sa mood today si boss ah. “Mabuti naman at narito ka na, Ms. Ignacio. I think this is the perfect time na iassign kita sa field work.”

Napanganga naman ako sa biglaang anunsyo ni boss. Mas gusto ko kasi na dito lang ako sa opisina dahil hindi ako sanay na makipag-halubilo sa maraming tao.

“Bakit naman, boss? May nagawa ba akong masama kaya gusto mo akong parusahan?” Tinaasan niya lang ako ng kilay at may binigay siya sa akin na folder.

“Kilala mo naman siguro si Anthony Gutierrez, hindi ba? Puntahan mo siya sa location nila at ibigay mo iyang script na nasa kamay mo. Siguraduhin mong babasahin niya ang script natin, okay?” Agad naman akong napailing dahil hindi naman ito kasali sa trabaho ko bilang isang creative writer.

Kaya nga mas gusto ko lang magsulat para pwede akong humarap sa PC buong araw at hindi ko kailangang makihalubilo sa ibang tao.

“Naku, hindi ko kilala ang tinutukoy mo, boss. Baka pwedeng iba na lang ang utusan mo para gawin ito?”

Gusto ko sanang makiusap kay boss ngunit tila wala siyang balak makinig sa akin dahil mas tumalim lang ang kanyang mga tingin.

“Akala mo ba ay hindi ko natatanggap ang sunod-sunod na reports ng editor mo? Panay reklamo na lang ang naririnig ko tungkol sa mga pinapasa mong manuscript.”

“I think makakatulong sayo ang paglabas sa opisina paminsan-minsan para hindi ka parating nakaharap sa iyong PC. Mainam na rin na makipag-halubilo ka sa ibang tao at pumunta sa ibang lugar nang sa gayon ay makahanap ka naman ng inspirasyon.”

Kapag minamalas ka nga naman. Hindi na ako makatanggi kay boss kasi baka mawalan pa ako ng trabaho kaya naman ay narito ako ngayon sa location ng shooting ni Anthony. Isa pala siyang sikat na artista at siya ang napili ng company namin na gumanap sa bago naming pelikula.

Hindi ko siya kilala at never ko pa siyang nakita sa personal kaya naman ay sigurado akong mahihirapan akong kumbinsihin siya sa gusto ni boss.

“Excuse me, nakita mo ba si Anthony?” tanong ko sa lalaking nakaupo sa isang bench.

Sa tingin ko ay break time nila dahil wala pang kinukuhanan na eksena sa mga oras na ito kaya tamang-tama ang aking pagdating.

“Why are you looking for my friend?” Biglang humarap ang lalaki sa akin at nakakunot ang kanyang noo.

Para naman akong na estatwa sa aking kinatatayuan ng magtagpo ang aming mga mata. Natulala na lang ako dahil sa kakaibang kulay ng kanyang mga mata. Kulay asul ito at kapag nakatitig sa iyo ay para kang nalulunod sa dagat.

“Hey, can you hear me? Ang weird naman ng babaeng ito o baka naman snub lang.”

Bigla naman akong may naalala sa word na ‘snub’ at agad akong nabalik sa ulirat.

My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon