PROLOGUE

7 1 0
                                    

PROLOGUE

“Hey, kumusta ka? It’s been a while.”

“I’m fine.”

“Sa tingin ko nga ay masaya ka kahit wala ako.”

“I’m doing well, I hope you are too.”

“Bakit bigla mo na lang akong iniwasan? Dahil ba-”

“Please never mention it if you still want me to talk to you.”

“So ganun na lang ba iyon? Itatapon mo lahat ng pinagsamahan natin dahil lang sa nagkagusto ako sayo?”

“Please stop… I don’t want to talk about it.”

“Okay, sige. Kung ‘yan ang gusto mo. Don’t worry dahil hinding-hindi na kita guguluhin pa.”

Tila nagbalik ang lahat ng sakit sa araw na iyon. Parang sariwa pa ang mga sugat na idinulot nito sa aking puso na labis na nawasak dahil sa katotohanan.

But enough is enough, nagising na rin tayo sa ating kahibangan sa wakas. Tapos na ang mga pantasya na sa totoo ay hindi naman kailanman mangyayari sa reyalidad.

Tanging ako lamang ang bumuo ng mga ilusyon na nagsasabing mahalaga ako para sa taong gusto ko; pero ang totoo ay wala lang pala ang lahat ng iyon para sa kanya.

Nakakatawa dahil nagmukha lang akong tanga. Pero salamat pa rin dahil iyon ang naging dahilan kung paano ako natutong magsikap at maging successful sa aking buhay.

Sinong mag-aakala na ang katangahan ko pala ang magdadala sa akin sa tagumpay?

“Okay, cut! Good take…” saad ng direktor.

Agad na lumapit ang kanya-kanyang assistant ng mga artista para iretouch ang kanilang make-up. Medyo mabigat ang last scene na iyon at maging ako ay dalang-dala sa eksena.

Paano naman ako hindi maaapektuhan sa eksenang iyon na ako mismo ang nagsulat?

“Congratulations again on the film adaptation of your hit novel, Ms. Ignacio. Ang ganda talaga ng story at tagos sa bone marrow ang bawat eksena. I commend you for writing and completing a novel like this,” nakangiting pagbati sa akin ng aking boss si Sir. Adam.

Yes, finally natupad na rin ang pangarap ko na maging isang pelikula ang aking akda. I think lahat naman ng kapwa ko writer ay may ganitong pangarap para sa kanilang mga sinulat na nobela.

Hindi ko nga akalain na ang nobelang sinulat ko noong mga panahon na lugmok na lugmok ako sa kalungkutan ay siya pa ang magiging hit at heto na nga ay magkakaroon na ng film adaptation.

“Thank you, boss. Hindi rin naman mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil sa tulong at tiwala ninyo sa akin,” simpleng tugon ko at ngumiti rin.

“No, you deserve all the recognition you received because of your hard work and efforts. Finally, they were all paying off after the sleepless nights at iba pang mga challenges that you encountered while writing,” tugon ng aking boss.

Napangiti na lang ulit ako because I am so humbled with all of these praises. Sino lang naman ako? Isang creative writer na nangangarap na maibahagi sa mundo ang kanyang mga akda.

Meanwhile, napansin ko na parang biglang nag-iba ang mood ng aming lead actor na si Zyron Hernandez. Actually, kung ako ang papipiliin ay hindi siya ang gusto kong gumanap na bida sa film adaptation ng aking nobela.

Ngunit wala na akong nagawa dahil ang original choice ko ay hindi raw available at siya ang iminungkahi ng director dahil tiyak raw na mas tatangkilin ang pelikula kung siya ang gaganap na bidang lalaki.

Isang sikat na aktor kasi si Zyron at halos lahat ng kanyang mga palabas at pelikula ay nagiging hit at patok sa takilya. Marami na kasi siyang loyal fans at talaga nga namang pinapangarap ng halos lahat ng kababaihan dito sa bansa.

“Excuse me, but I have an emergency at home. My wife is about to give birth. I really need to go, pwede bang bukas ko na lang kunan ang mga eksena ko?” narinig kong paalam niya sa direktor.

Napabuntong-hininga na lang ito at tumango. “Okay, sige. You can go, ingat ka, Zyron,” tugon ng direktor.

Dali-daling umalis ang lalaki at sumakay sa van nito kasama ang kanyang assistant. Tingnan mo nga naman ang panahon, kasal na pala ang dream boy ng lahat. Higit sa lahat, manganganak na raw ang kanyang asawa.

Time flies really fast… Parang kailan lang…

I think trip talaga ng tadhana na paglaruan kaming dalawa. Alam kaya niya na ang nobelang ito ay isinulat ko para sa kanya?

I didn’t expect na iyong lalaki na tinutukoy sa kwentong ito ay siya pa pala mismo ang gaganap sa film adaptation ng nobela. Isn’t that really ironic?

My AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon