Kabanata 3

3 0 0
                                    

Elegante, simple at intimate ang kasal nina Jeremy at Scent.

Lahat kami nakaputi. This is a garden wedding, dito sa old Alejandro mansion courtyard ang venue. Idagdag pa na vintage ang theme nitong wedding, para tuloy kaming nag time travel at bumalik sa Spanish era!

Sa lahat ng napuntahan kong kasal, theirs is my favorite so far. Ito rin ang first time na wala akong #walangforever thoughts during the ceremony. It felt like a normal mass for me.

Is this the Eros effect? Or am I finally healing from him?

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at paglapit sa buffet table. Medyo mahaba pa rin ang pila. Scent always talks about their mga pinsang hilaw pero ilan lang sa kanila ang nakilala ko, yung mga alumni din ng SLU. Wala rin silang bisitang orgmate namin. Talagang family, closest relatives and friends lang nila ang invited at nandito ngayon.

"Ang ganda mo naman, Ate Iana! How are you? Balita ko ay single ka raw ngayon ha?"

Bati sa akin ni Rocky, isa sa mga pinsang hilaw ng mga bagong kasal. Younger alumna siya sa SLU kaya kilala ko. People here call her Isay, Isabela Raquel kasi ang name niya.

I smiled and glanced at her baby bump. Akala ko talaga ay tomboy ang batang ito! She was even hailed as one of the SLU Kings noong panahon nila!

"Naku, oo eh! Naunahan ninyo na nga akong mga bagets! Kumusta naman kayo ni Ales?"

Aleister Zamora, her co-SLU king back then, is her husband. Last year pa kinasal ang dalawa at buntis na nga ngayon si Rocky. What an unexpected match!

"Okay naman kami! Hayaan mo at ihahanap kita ng boylet pero no pressure, Ate! Minsan nga ay nakaka-miss pa ring maging single eh!"

Nagtawanan kami.

Sumulpot sa tabi niya si Ales. Gwapong gwapo ito sa suot na semi formal attire. In fairness, they look so good together!

"I'm sorry Isabela, my queen but there's no turning back! You're mine alone now and forever!"

Iyon lang at basta na lang niyang hinalikan ang kanyang asawa sa harapan ko. Ay bastos! Nang inggit pa talaga ang mga batang ito!

Napapailing na lang akong tumalikod sa kanila nang banggain ako ng kung sino. And damn, may dala siyang pagkain! Natapon yung lechon sauce sa white dress ko!

"Fuck! Sorry, Miss! Hindi kita napansin!"

Tiningala ko siya at shit! Ang gwapo naman nito!

The man looked at me apologetically. He's also wearing semi formal attire na dirty white ang kulay, it complimented his white complexion! Mukhang mas alaga pa ng skincare ang kutis niya kaysa sa akin!

"Okay lang, magpapalit na lang ako ng damit. No worries!"

I smiled at him. He just continued staring at me at bago pa ako mailang ay umalis na ako sa harapan niya. I collected my stuff and proceeded to restroom to change clothes.

"Ano ba ang criteria mo for the contestants?"

I remember Scent asking me when we finally decided to give the contest a shot. Wala akong matinong sagot nung time na iyon but I think I have an idea now.

Sparks, Scent. Dapat may sparks!

And I had that feeling with the man earlier. Sino kaya iyon? Single pa kaya siya?

I grinned.

Oo nga noh! Pwede pala akong mag prospecting ng potential contestants dito!

Matapos magbihis ay lumabas na agad ako dahil mukhang magsisimula na ang program. At nandito iyong lalaki kanina, mukhang hinihintay niya ako! He followed me here?

I bit my lower lip to stop myself from smiling.

Kalma, Iana! Act normal! Saka na ang landi!

"Uy sorry ulit ha! Mabuti na lang at may extra kang damit!"

He sighed na para bang ang bigat talaga ng kasalanan niya. Ang cute niya naman!

Luh?! Sige, push ko pa ito!

"Ano ka ba, it's okay! By the way, I'm Iana Laranez pala, you are?"

I offered my hand.

"Monreal Jan Medel, Scent's cousin. Mon na lang, Iana..."

He shook my hand and oh boy! Ang ganda ng smile niya, bagay sa maganda rin niyang pangalan! I tried to laugh to cover my uneasiness. Umayos ka nga, Iana!

"Ohhh, one of her pinsang hilaw?"

Tumawa si Mon. Gosh, ang manly naman nito!

"No, pinsang buo. Pero si Jeremy, pinsang hilaw ko"

Ohhh! So mukhang siya yung middle child at only boy na anak nina Tito MM at Tita Nara! Sa abroad daw ito nag aral ng college ayon kay Scent. Nag iisang kapatid ni Tita Cris, Scent's mother si Tito MM kaya tatlo lang ang legit na mga pinsang buo ni Scent sa mother side.

"I see! So ikaw pala yung Kuya ni Natalie? Alumna siya sa SLU at pinakilala siya sa akin minsan ni Scent!"

Mon smiled again. Oh boy, tama na muna please! Ang gwapo eh!

Shuta, push ko talaga ito! 

"Yep! Tara samahan kita sa buffet para makabawi naman ako sayo! I'll help you with your food. Mukhang magsisimula na rin ang program so let's go?"

Tumango ako at nauna nang bumalik sa may buffet area, concentrating so hard na huwag matapilok or what dahil kinakabahan ako! Putek, seryoso ba ito?! Ramdam kong nakasunod sa akin si Mon, not too far but also not too near from me.

Gwapo? Check!

Gentleman? Check!

Good person? Assume na rin natin yan so check!

At higit sa lahat, may sparks kaya check!

Sana naman ay single pa siya at walang nililigawan! Pero siya kaya yung tipo na papatol sa mga bagay na katulad nung contest?

Napangiwi ako.

Bahala na!  

EXTRAORDINARY CONTEST 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon