Kabanata 6

2 0 0
                                    

Napahinto ako sa pag-aayos ng gamit dahil parang may nagkakagulo sa labas. Lumabas ako sa balcony para sumilip sa baba, sa may kalsada.

May okasyon ba sa kapitbahay? Parang ang dami yatang nakaparadang sasakyan?

Kumunot ang noo ko.

Parang pamilyar ang plaka nung asul na SUV. Hindi ako pwedeng magkamali, kay Eros iyon! Sinipat ko yung dalawa pang sasakyang nakaparada.

Yung puting pick-up, parang kamukha nung kay Mon?

Yung silver na AUV naman ay parang kamukha nung kay Terrence?

Bumalik ako sa loob ng bahay para tawagan si Scent.

"Hello, Iana! Papunta ka na ba? Take your time at wala pa naman sila dito! Baka traffic lang!"

The contest will officially start today at ang designated meet-up place ay sa bahay ng parents nina Scent. Doon na lang for safety purposes na rin daw. Pero hindi tulad noong contest nina Tito Mikhail, I asked for a one time date with the contestants as a prerequisite.

Kumbaga ay initial getting-to-know stage and sparks test. Para na rin makapag nilay nilay pa silang tatlo kung desidido na ba talaga sila sa pagsali. This is a serious competition after all.

Kapag pumunta sila ngayong araw, wala nang atrasan!

"Paano sila makakarating dyan kung nandito silang lahat ngayon sa baba ng bahay?!"

"What?! Sinundo ka nilang tatlo dyan?! "

Nasapo ko na lang ang noo ko. Huminga ako ng malalim.

"Wala naman silang pasabi sa aking pupunta sila dito! Wait lang, Scent. I'll update you kapag nasa byahe na ako. See you!"

Binaba ko na ang tawag.

Agad akong gumawa ng group chat sa messenger. Ako, si Scent at yung tatlong contestants ang members!

"Hello, guys! Alam kong nasa baba kayo ngayon ng bahay. Let's meet at Scent's house please as agreed. If you want, convoy na lang tayo. See you there!"

Iyon lang at nagpatuloy na ako sa pagliligpit. I don't want to cause a commotion outside kung haharapin ko pa sila sa baba kaya okay na siguro ito! Bumaba na ako at kinuha ang susi ng Fortuner.

This is it!

Nilabas ko ang sasakyan at sunod sunod ang courtesy beep nila.

Talaga bang naisipan nilang lahat na sunduin ako ngayon?! We restricted them from communicating to each other. Scent and I find that weird but firm sina Lolo Dan at Tito Mikhail sa suggestion na iyon kaya sinunod na lang namin.

Mangha ang mag-asawang Jeremy at Scent habang pinapanood sina Tito Mikhail at Vimiko sa pagmamando ng parking naming apat dito sa malawak nilang garden. Hindi ito kasing laki ng sa mansyon ni Lolo Dan at dahil may mga sasakyan din silang nakagarahe, hindi kami kasyang lahat. Sa labas na nakapag park sina Eros at Terrence.

"Grabe! Naka bike lang ako dati tuwing pupunta sa mansyon tapos hinahatid lang sina Jem at Nara! Pero ngayon..."

Umiiling na komento ni Tita Cris, sinasalubong kami. Nagmano kaming lahat sa kanya.

"Kinabahan pa akong walang susulpot na contestant for today's video! Ayun pala ay mukhang nag-uunahan na silang makapuntos agad! Kaloka! Ang haba ng buhok mo, Iana!"

Tabingi lang akong ngumiti kay Scent at sabay sabay na kaming pumasok sa loob.

Shocks, this is it!

Kinakabahan ako!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EXTRAORDINARY CONTEST 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon