𖡎
Chapter 26
#wrewp
I heard the long silence from Kuya Matthew's line. I could feel my hands shaking and my whole body was turning cold. Kasabay ng mahabang katahimikan ay siya namang nagpabingi ng tibok ng puso ko sa aking tenga. I was nervous to ask . . . I was nervous to admit it to myself. I was scared. Para akong nawawala sa katinuan.
"Kuya . . . " I called him.
"Yen, gusto mo ba magkita tayo?" ani Kuya. "Luluwas ako riyan bukas agad. Para mas mapagusapan natin."
Umawang ang labi ko sa gulat. Baka makaabala ako sa kaniya. I was already aware how demanding his work was. Pero ngayong naguguluhan ako, baka kakailanganin ko ang kapatid ko ngayon. Wala akong ibang masasabihan nito at sa tingin ko, si Kuya ang makakatulong sa akin para mas maintindihan ko.
"Ayos lang ba sa 'yo, Kuya?" I asked nervously.
"Oo naman, bunso. Bakit naman hindi?" he said softly. "Nandito lang ako. Kung ano man 'yang gumugulo sa utak mo ngayon, lagi mong iisipin na kahit ano ka pa, tanggap na tanggap kita."
Tumingala ako para pigilan ang namuong luha sa mga mata. That night, I couldn't sleep. My mind wandered about Grant, the flowers, and every feeling that lingered whenever he was around. Hindi ko tinanggap ang bulaklak. I rejected him again. But I hesitated from doing so. Part of me wanted to accept it. Part of me wanted to let him court me.
Kaya naguguluhan ako sa sarili ko.
I almost . . . accepted it.
But I didn't.
Because I knew I was straight, but why? Why did part of me feel happy that he wanted to court me? Why did I feel glad that his feelings remained?
Kinabukasan, nagkita kami ni Kuya sa Ahon Cofee. It took him an hour or two more than our agreed time, but I understood. He was busy and I was thankful that he still made time for me. Kaya nang makita ko pa lang siya sa malayo ay napatayo na ako agad para salubungin siya ng yakap. I missed my brother so fucking much.
Humalakhak si Kuya at niyakap ako pabalik, marahan ang paghaplos sa aking likod. Parang gusto kong umiyak ngunit pinigilan ko.
Tang ina, sa loob ng ilang buwan na hindi ko siya nakita, andaming nangyari. Kaya ngayong nasa harapan ko siya, pakiramdam ko ay nakahanap ako ng kakampi.
"Miss naman ako masyado ni bunso." He gave a faint chuckle.
Lumayo ako para silipin ang mukha ni Kuya. "Nagpa-miss ka kasi masyado, Kuya."
He laughed as he gently patted my head. Doon kami umupo sa labas kung saan kita ang magandang tanawin. Wala masyadong tao ro'n kaya libre kaming makakapag-usap. Tatanggi sana ako nang magpresinta si Kuya na manlibre pero wala na akong nagawa nang tumayo siya para lumapit sa counter.
He went back to me with a familiar warmth smile on his face.
"Kumusta, bunso?" tanong niya, malambot at malambing ang boses.
Ngumisi ako. "Okay lang ako, Kuya. Mataas pa rin ang grades ko."
"Sila . . . Mama? Si Papa?" tanong niya, ramdam ko ang pagdadalawang isip sa tono niya ngunit isinawalang bahala ko 'yon.
"Ayos naman sila. Malalakas pa 'rin!" masigla kong sagot, tinatago ang nangyari noong birthday ni Mama para hindi siya mag-alala. "Na-mi-miss ka na nga rin nila, Kuya. Kailan ka bibisita sa bahay?"
Natigilan siya sa sinabi ko, bahagyang umawang ang labi. "Matienne . . ."
Tumango ako, tinatawid pa rin ang pagsisinungaling. I knew how lonely Kuya might feel in the city. And if telling these white lies could ease his mind and not cause a burden. But jokes on me, because my heart broke when he genuinely smiled like he knew it was a lie. Nag-iwas ako ng tingin at inabala ang sarili sa tanawin.