Chapter 21

41.2K 2.4K 3.2K
                                    

𖡎

Chapter 21

#wrewp

The least that I could do was not to bother Kuya. At kahit pa magpresinta ito para kunin ako, tatanggihan ko pa rin. I'd rather not to because I didn't want to burden him more. Kaya mas pipiliin ko na lang lumagari sa bahay kahit na nahihirapan na ako. Na kahit masakit ay titiisin ko. Ayoko nang dumagdag pa sa mga pinagdadaanan ng kapatid ko kaya kung maari, hanggang sa abot ng makakaya ko, mas pipiliin kong huwag na siyang abalahin pa. Kaya kung kaya ko pang tiisin, iyon ang gagawin ko.

I found myself walking out of our house. Kahit na iniinda ko ang sakit ng katawan ay mas pinili ko na lang umalis. I felt unwanted and the only choice I had was to leave at the moment.

Hindi ko alam kung saan ako papunta, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, basta ang gusto ko lang ay makalayo ro'n. And as I leave a mark on every step I make, I carry the pain of my heart.

Tang ina. Inasahan kong kahit iyon manlang ay kampihan ako ng mga magulang ko. Dahil wala naman akong sinabing mali, wala akong ginawang mali. Maybe hurting my cousin was a bad thing to do, but I was provoked. And it was my brother that I was fighting for. Anak nila. Hindi kung sinong tao lang. Kapatid ko . . . anak nila. Kaya nanalaytay sa utak ko ang malaking tanong. Bakit? Bakit hindi ako ang . . . nilapitan gayong ako ang mas nasaktan?

Because my cousin had a title on his name? And I didn't?

Iyon ba ang basehan laban sa sariling anak?

Tang ina. Hindi ko na alam. Kahit anong pilit kong pag-intindi o pag-unawa, hindi pa rin iyon masagot-sagot sa utak ko. Na kahit harap-harapan kaming minaliit ng kadugo namin, mas pipiliin pa rin nila Mama na huwag tumawid sa tulay ng sariling anak.

Andaming pagdududa para sa sarili. Dahil ba mali ako? Na mali ang pagkakaintindi ko ng sitwasyon? Na dapat nanahimik na lang ako dahil iyon ang mas tama? That I shouldn't have said nor done that because I have nothing to brag about? That I wasn't raised right? And I should blame myself to all of this?

Sobrang daming tumatakbo sa utak ko na pinipilit kong hanapan ng sagot. Na baka may mali talaga sa akin. Na kung mabuti akong tao, mabait na anak, at perpektong estudyante, hindi ko dapat ginawa iyon; hindi dapat ako tumayo sa harapan nila at nagsalita.

But respect is not earned by causing harm, but by showing kindness and understanding to others. And in my view, our relatives weren't respectful. At iyon ang gusto kong ipamukha sa kanila. They didn't respect my family's financial state. They even disrespected my brother in front of me and my family. Paulit-ulit sinampal sa mukha namin na hindi kami mayaman. At iyon ang mas masaklap. Kasi totoo. Hindi naman talaga kami mayaman. Pero kailangan bang ipamukha iyon? Kailangan bang mas idiin sa utak namin na kung ikukumpara kami sa kanila, kami ang nasa ibaba?

I always thought the family was supposed to be the closest and safest place. But why did it feel so different? Why did it seem more like a place that caused pain and made life feel like a constant struggle?

I sat on one of the see-saws in the playground near our home. Dinuyan ko ang sarili habang paulit-ulit na nagdududa. I carry these alone and I had no one to talk to. And maybe I was experiencing these because I wasn't a good person. I wasn't nice. And this might be my karma for all the bad things I did.

Pero . . . hindi ba't sobra na?

Parang sobra-sobra na ito. Ginagawa ko naman ang lahat. Ginagawa ko naman lahat ng gusto ng mga magulang ko. Pero bakit hindi pa rin iyon sapat para mahalin?

I heaved a deep sigh as I felt my body being torn apart. Kinapa ko ang bulsa ko. Ang tanging laman lang no'n ay ang cellphone ko. Hindi ko dala ang wallet ko o kahit ano. I opened my phone so I could message my friends. But as soon as I clicked our group chat, my finger halted in the air. I didn't want my friends to see me like this. I didn't want my friends to see how vulnerable I was at the moment. Hindi ko kayang . . . manghingi ng tulong sa kanila. Napapangunahan ako ng sariling takot. Takot na baka mag-iba ang tingin nila sa akin. Baka hindi na nila ako tignan bilang ako dahil sa kahinaan ko.

Where Rainbow Ends (Butterfly Club #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon