Chapter 1

42.9K 1.3K 874
                                    

𖡎

Chapter 1

#wrewp

Hindi kami mayaman. Si Mama ay dating guro sa isang pampublikong paaralan samantalang si Papa ay nag-retiro na sa pagiging sundalo. Hindi kami mayaman pero nakakatulong ang nakakatanda kong kapatid sa pang araw-araw namin. Kuya Matthew were six years older than me. He graduated as Magna Cum Laude in college and hopped on working right there and then. However, despite how helpful he was in our family, my parents weren't fond of him.

Simply because he wouldn't dare to marry the opposite gender.

He was attracted to men. Sa akin, ayos lang. Wala naman siyang ginagawang mali. Sobrang buti niyang tao. Pero sa mga magulang ko, isa 'yong malaking kasalanan. They were disgusted. All of his achievements weren't enough for my family to accept him fully. Kaya naman hindi ko siya masisisi kung bumukod na siya nang tuluyan. Pero hindi naputol ang koneksyon niya sa amin. Even though my parents didn't like his sexual preference, he was still kind enough to provide food on our table.

Kapag bumibista siya sa bahay, hindi siya iniimik ng mga magulang namin. Ako lang ang tanging kumakausap sa kaniya. Growing up with him, I knew he was different from the boys I often played with. Kuya was feminine and soft-spoken. He was very soft-hearted. While most of our childhood friends bullied him, I was always there to stand up for him even though I was thin and small. I was never uncomfortable with him; I see my brother as an equal.

Hindi ko maintindihan kung bakit sila binabato ng masasamang salita, bakit paulit-ulit silang tinatapakan at kinukutya, at ni-la-label ng lipunan bilang salot. When in fact, most of queer people are smart and successful in their chosen paths — like my brother.

And in my case, my parents see me as their trophy. Someone they could confidently brag around their friends. The pressure they had put on me was one of the factors why I wanted to be on top. They also expect me to marry and give them their grandchildren. Gagawin ko naman 'yon kahit hindi nila sabihin sa akin. Pero para ipamukha sa akin na ako lang ang pag-asa nila, na kulang na lang ay sabihin sa 'kin na gawin ko ang bagay na hindi kayang gawin ni Kuya, ay gumuguhit palagi sa isipan ko. Natatakot ako. Natatakot akong mabigo ko sila.

"Matienne, sino nga ulit 'yung nililigawan mo sa STEM?" tanong ni Lorie. Papunta kami sa cafeteria para kumain.

"Huh, may nililigawan ka ro'n pre?" gulat na tanong ni Gabe.

Ngumuso ako. "Saan galing 'yan?"

"Oo nga, Rie, imbento ka, e no."

"Anong imbento?! Narinig ko lang kanina nung dumaan ako sa building nila! Usap-usapan na may nililigawan ka raw sa isa sa kaklase nila!"

Ngumuso ako at nag-isip. May nililigawan ba ako? Bakit hindi ko alam? Aba, kung manliligaw ako dapat 'yung aware naman ako. E, bakit parang hindi naman ako aware na meron?

"Wala akong nililigawan," sabi ko.

"Oo nga, paano makakalandi 'yan e kalaplapan niyan mga libro niyan!" bulalas ni Gabe.

Sumimangot ako kasi totoo.

"Okay! Masama bang magtanong!"

Umupo kami sa isang table malapit sa entrance ng cafeteria. Dalawa sila sa haparan ko samantalang ako ay nakaharap sa bukana. Makikita ko kung sino ang papasok at lalabas ng cafeteria. Buti nga may aircon dito. Kasi paglabas namin kanina ng classroom, sobrang init. Akala mo tahanan ni Satanas, e.

Hindi ko rin maunawaan kung bakit sobrang init sa Pilipinas. Pero hindi ko rin magawang magalit kasi natutulungan no'n ang mga magsasaka. Parang nakaka-guilty naman kung hihilingin ko na sana palagi na lang gloomy ang panahon at hindi maaraw. Sana lang talaga ay mas bigyang halaga ng gobyerno ang agrikultura natin lalo na ang mga magsasaka.

Where Rainbow Ends (Butterfly Club #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon