Chapter 17

41.4K 2K 2.3K
                                    

𖡎

Chapter 17

#wrewp

"Ampon si Grant?" 

Mula sa pagkakatingin sa phone ay nanlalaki ang mata ni Gabe nang lingunin si Lorie. Pancho and Jessie stopped talking. Samantala, nagpanggap akong parang walang narinig. Binaon ko ang sariling mukha sa librong binabasa dahil sumasagi na naman sa utak ko iyon. It became a fuss in just few days within the campus. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang nalaman ng mga kaibigan ko. 

"Ano?! Ampon siya?!" 

"Hindi ko nga alam, kaya nga tinatanong ko 'di ba?" pabalang na sagot ni Lorie kay Gabe. The latter put down his phone. 

"Sino nagsabi? Saan 'yan galing? Bakit hindi natin alam? Kaklase natin siya ah!" 

Malamang, hindi lantaran ang usapan dahil naroon si Grant. 

"Si Grant pala ang tinutukoy ng mga kaklase ko. Usap-usapan din 'yan sa STEM," ani Pancho na umakbay kay Jessie. Tss. Kahit sa kanila ay nakaabot na rin? Pambihira.

"Tss. Ano naman ngayon kung ampon? Paano naging issue 'yon?" si Gabe. "Ampon o hindi, mabait naman si Grant. Alam mong pinalaki nang tama. Kaya anong problema nila?"

"Parang hindi mo naman kilala ang mga tao, Gabe. Maliit man 'yan, basta may mapaguusapan, mapapalaki 'yan," sambit ni Lorie. Tinapik niya ako pero hindi ko siya nilingon. 

Pumikit ako nang mariin dahil hindi ko na maintindihan ang binabasa ko. Tang ina. Naalala ko na naman kasi ang . . . itsura niya noong lapitan ko siya matapos ng debate. At ang mga katagang binitawan niya . . . hindi man diretsong sinabi pero kuhang kuha ko kung ano ang ibig sabihin no'n. Inisip niya siguro na ako ang nagpakalat. Dahil siguro ako lang ang may alam no'n o kaya nasabihan niya tungkol sa mga magulang niya. 

It wasn't me. I didn't tell anyone about it. Why would I? Kahit na maari kong gamitin 'yon sa kaniya para ako ang manguna, kahit na puwedeng ako mismo ang nagpakalat para ma-distract  siya, hindi ko ginawa. It was an easy route to the top actually. But I didn't do it. It was a sensitive topic to touch. Desperado ako, oo. Pero hindi ko iyon gagawin. 

Pero hindi ko maunawaan ang sarili ko kung bakit hindi ko magawang magalit. 

I should be mad. I should be furious because he accused me of such thing. Pero tang ina, hindi ko magawa. Mas lamang na gusto kong patunayan na hindi ako 'yon. 

Within those days when the rumor was prevalent, he never talked to me or came near me. Ilang araw na ring absent si Emily sa dance troupe. Si Grant ay pumapasok man pero parang bumalik sa dati dahil lagi itong tulog. Mas dumalas pa nga. I shouldn't care, alright? But I couldn't stop being bothered knowing that in the four corners of the room, someone was mad at me for something that I didn't do in the first place.

Did he think I could do it? Gano'n ba kababa ang tingin niya sa akin? Tss. Ibig sabihin ako lang ang taong sinabihan niya tungkol doon. Kaya noong kumalat, akala niya ako ang gumawa? 

Gusto ko siyang lapitan at kausapin para linawin kaya lang ay bumabahag ang buntot ko. Pinipigilan ako ng ego ko. I wanted to prove him wrong but part of me wanted him to realize it on his own. At siya mismo ang lalapit at manghingi ng sorry. Baka kapag kinausap ko pa, maging guilty naman ang labas ko nito. 

"Hindi ako ang nagpakalat no'n," sabi ko kay Eloris nang magkaroon kami ng break sa SPA. Nagpupunas siya ng pawis habang ako ay umiinom ng tubig. "I am desperate to be at the top but I wouldn't do it, Eloris. Hindi sa gano'ng paraan." 

She nodded her head. "Edi kausapin mo siya. Linawin mo sa kaniya." 

"I . . . can't." 

Umangat ang kilay niya. "Bakit? Gusto mo linawin 'di ba? Na mali siya ng nabalingan ng galit niya?" 

Where Rainbow Ends (Butterfly Club #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon