Chapter 5

29.3K 1.4K 1.2K
                                    

𖡎

Chapter 5

#wrewp

Trigger Warning: Homophobic slurs

I wasn't that stupid not to feel that there was favoritism within our household. Kapag natatapos ang semester, pinapakita namin ni Kuya ang cards namin. Kahit pa ang mga quizzes na t-in-ake namin, pinapakita rin namin ang result. Maybe, it was validating on my part. There was a satisfaction whenever our parents felt happy because of my scores. Lahat ng paghihirap ko sa academics, na-va-validate dahil sa nakukuha kong reaksyon sa mataas kong grado.

Mama and Papa would always smile and be happy for me.

"Galing, Yen! Nakaka-proud!"

"Hindi na ako nabibigla, Yen. Ang husay mo."

But it was never the same with Kuya.

He always had high grades. Kung hindi palaging flat, hindi naman ito bumababa sa uno. He was always been on top his whole life. Kung hindi una, pumapangalawa naman. Pero kahit anong gawin ni Kuya, kahit ilang beses na pagbabasa, o ilang medals ang isabit sa leeg niya, hinding hindi nakuntento ang mga magulang namin.

"Ayan na 'yon? Galingan mo pa, Matthew." Si Mama.

"Opo, Ma. Pasensya na po." Kuya gave an apologetic smile.

Nakatayo kaming dalawa sa harapan nila Mama. Hawak ko ang certificate ng rank standing ko at ang report card ko. Si Kuya naman, pinapakita ang resulta ng semester grades niya. Matataas.

"Pang-ilan ka?" tanong ni Papa.

"Pangalawa po," sagot ni Kuya.

"Pangalawa lang? Mag-aral ka pa." Umiling si Papa. "Puro kabaklaan inaatupag mo."

Kuya just smiled. A smile that didn't reach his eyes. Nilingon ako ni Papa at may inabot na regalo. "Para sa 'yo, Yen. Alam ko namang mataas makukuha mong grades kaya bumili na kami agad ni Mama mo ng regalo."

Because I was too happy that I had a gift, and it was another validation on my end, the stretch on my lips couldn't be wider as I took it. Nakangiti sila Mama habang tuwang tuwa ako sa regalong natanggap. Binuksan ko iyon sa harapan nila at nagulat ako dahil isa 'yong relo! Hindi siya mamahalin pero na-appreciate ko. Hindi naman kami mayaman, kung tutuusin. Hindi magara pero ayos lang.

I glanced at Kuya Matthew. He wasn't looking at me. Instead, he was staring at the gift I received with lamented eyes. Nakangiti siya para sa akin. Pero kitang kita ko sa mga mata ni Kuya na gusto niya rin. Gusto niya maranasan.

"A-Akyat na po ako . . ." Kuya uttered before going upstairs.

Later that night, I knocked in his room.

"Bukas 'yan . . ."

Bitbit ang regalo sa akin nila Mama, pumasok ako sa kuwarto ni Kuya. I saw him studying. Kanina pa siya nag-aaral, sa tingin ko. Kasi nang dumaan ako sa kuwarto niya kaninang hapon, nakita kong nag-aaral siya at ngayon, hindi pa rin siya tapos. Maybe what our parents said got into his head.

Nilapag ko ang relo sa lamesa. "Regalo ko, Kuya."

Sumulyap siya sa relo, tapos sa 'kin. "Bigay 'yan nila Mama sa 'yo, ah."

Umiling ako. "Oo. Ibig sabihin, akin na 'to. Ako may-ari," sabi ko. "Kaya ibibigay ko na sa 'yo."

Ngumiti siya. "Sa 'yo 'yan, Yen."

"It's now yours, Kuya."

Ngumuso siya. Inabot niya ang relo at matagal iyong tinitigan. He glanced at me again and I could see how tears pooled in his eyes. "Ikaw talaga . . ."

Where Rainbow Ends (Butterfly Club #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon