The guy needs money.Iyon ang pumasok sa isipan ko noong nag-uusap kami. The way he reacts to the mention of money meant that he badly needs it. I'm not just sure about the reason though. Pero sigurado akong kailangang-kailangan niya.
Nang makabalik ako sa building, lumapit ako sa isang staff doon. Inayos ko muna ang aking bunok. Binati ko muna siya and asked where Lyon is.
"Nasa loob po, sir. Ano pong kailangan niyo sa kanya?" He asked.
"Sabay kase kaming babalik sa Casa," sagot ko.
"Ganun po ba? Saglit, sir, at hanapin ko po," ani niya at iniwan ako.
I looked around the area. I was thinking of how I would lure the guy to tell the truth himself. Kaso ang daming kaseng mga possibilities. And I'm scared they'll backfire.
Huminga ako ng malalim. For now, I must take a break. But if given a chance, I would want to know more about Jeo. Kase iba ang pakiramdam ko talaga sa kanya lalo na sa naging pag-uusap nila ng lalaki kanina.
Nang makabalik na iyong staff, kasama na niya si Lyon na bitbit ang mansanas na binili ko kanina. Lumapit siya sa akin na may ngiti sa kanyang labi.
"Tara?" Ani niya. Tumango ako bilang sagot.
"Tara."
Habang naglalakad kami ay pasulyap-sulyap ako sa paligid. Naiisip ko kaseng the white guy is somewhere around here. I need to know his whereabouts. Saan siya nakatira? If he's a guest, anong casa o kuwarto siya namamalagi?
Nasa gitna ako ng pag-iisip nang biglang magsalita si Lyon. "Okay ka lang? Sinong hinahanap mo?" Tanong niya. Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo.
"Oo, okay lang," mabilis kong sagot. "Tinitingnan ko lang itong area." Hindi ko puwedeng sabihin sa kanya ang nalaman ko. Hindi pa, hindi ngayon.
Tumango siya sa sagot ko. "Madalas na maraming guests dito. Mostly kase ay maraming mga kainan at mga halls na pinagdadausan ng mga events. Gusto mo ba bisitahin natin?"
Umiling ako. "Huwag muna siguro ngayon. Napagod ako sa lakbay natin e."
"Oh okay," sabi niya. "Sabihan mo lang ako kung gusto mo. Nag-enjoy ka naman, di ba?" He asked, turning to look at me with a smile on his face.
"Oo naman," sagot ko, pilit na ngumiti pabalik. "Nag-enjoy ako. Nabusog pa nga, e."
"Mabuti naman kung ganun!" While saying that, he suddenly ruffled my hair, which made me close my eyes from the friction.
Hindi agad ako nakapag-react dahil doon. Kahit may inis dahil kakaayos ko lang kanina ang buhok, mayroon ding ginhawa sa ginawa niya. Para kasing ang mga iniisip kong pagpaplano sana tungkol kay Jeo ay nawala dahil sa kiliting naramdaman ko sa ginawa niya.
"Ayusin mo, ayusin mo!" I groaned. "Kakaayos ko lang kanina e!" I pouted while saying it.
Natawa siya sa narinig. "Sorry, sorry! Heto na, aayusin na."
Pagdilat ko ng mata, nakita kong nakatingin si Lyon sa akin. Sobrang lapit niya na tila naamoy ko na naman ang kanyang bango. Ramdam ko ang init ng kamay niya sa buhok ko habang patuloy niyang inaayos ito, tila ba hindi niya namamalayan ang ginagawa niya. Ang mga mata niya, malalim na nakatuon sa akin, at ang ngiti sa kanyang labi ay unti-unting nagiging mas banayad.
"Bagay sa'yo ang ganitong ayos," sabi niya, bahagyang nakangisi.
Para akong nawalan ng hangin. Hindi ako makapagsalita. My heart went nuts. His hand lingered for a second longer, bago niya dahan-dahang binaba, dumaan sa pisngi ko ang likod ng mga daliri niya.
