Chapter 2

65 2 11
                                        


Hindi ko na napansin kung anong oras kami nakarating sa tinutukoy niyang hacienda. Natulog ako buong biyahe. Ni hindi ko alam kung bumili sila ng gamot at yung SIM na hinihingi ko. Nagising lang ako sa kanyang tapik, kaya inayos ko ang sarili ko para bumaba.

My head still hurts even though I slept through the ride. Mabigat ang talukap ng mga mata kong tumingin sa paligid. May isang malaking mansion sa harap ko, at kitang-kita ko kung gaano ito karangya at kamahal.

It's like an old-money rich house, tipong mala-castle ang dating niya.

Maliwanag ngayon ang paligid, at kapansin-pansin ang ilang mga taong naglalakad palabas at paloob sa building.

The guy na kasama ko kanina went in with my luggage. Para akong nanlulupoy na sumusunod sa kanya. As I stepped through the massive, intricately carved wooden doors, kinumusta ako ng napakataas na ceiling na may iba't ibang moldings. The grand chandelier made of crystal cast a soft, ambient glow. Ang sahig naman ay polished marble na natatakpan ng luxurious, antique rug.

Rinig ko ang mga pag-uusap ng ilang mga tao, which I assumed were guests, in their normal pambahay but fashionista clothing. May mga staff behind the counter na nakikipag-usap sa mga guests. I also saw two guys carrying luggage for one guest na lumagpas sa amin.

The walls were lined with rich, dark wood paneling with subtle patterns. Classic paintings in gilded frames and a few sculptures of people and animals were displayed in some corners. Napansin ko rin ang grand staircase with a polished wooden banister curving elegantly upwards. The railing was adorned with intricate polished wood, reflecting the craftsmanship of an old era.

Sobrang refined ng paligid. Opulence. Talagang old-money rich ang dating niya.

Pero saan ba kami pupunta? Dumaan kami sa isang hallway. I noticed that he's greeting some of the guests. Mayroon din siyang mga kinausap na staff kaya natitigil kami.

Matagal pa ba? Gusto ko na ulit magpahinga.

Maya-maya ay lumiko kami sa isang hallway at napansin ko na may malaking glass door sa dulo. Ilang minuto pa at tumambad sa akin ang isa pang malawak na kuwarto, appealing to me in a much more modern way. Quite different kaysa kanina.

May binabati siya. May bumabati rin sa kanya. Akala ko titigil kami ulit dito ngunit dire-diretso siyang naglakad palabas sa glass door.

Is my kuwarto that far pa ba? Parang nawawala na ang antok ko sa sobrang layo ng nilalakad namin. I saw a pool area in my peripheral vision. Kaunti lang ang naliligo at nagtatambay doon. When we left that place, hindi pa rin siya tumitigil.

I want to get his attention, pero I don't know his name. Bukod sa nanghihina ako at masakit ang ulo, hindi ko talaga siya kayang sabayan sa bilis ng lakad niya.

Pero hindi ko na talaga kaya. Hindi ko na napansin ang paligid ko dahil madilim na masyado ang nilalakaran namin. I was about to say something when I noticed a white house in front of us.

Is this the house where I will be living?

May dalawang hagdan na kinailangan kong akyatin. I am so in awe of the metal door and large glass panels of the house. Kulay puti ang dingding nito. There are also potted low shrubs scattered around the patio.

When we entered the house, the layout of the living room gave me an airy, spacious feel. Umiilaw ang mga exposed beams sa ceilings. Sa bawat dingding ay mga painting at iba pang decorations na nakalagay. The floor is polished concrete.

Some furniture is arranged neatly and spaciously in some corners. I also saw some books on dividers. A lamp on a cabinet is also open, giving light to the surrounding. Mayroon ding mga siwang na walang pintuan as if to show an open kitchen, dining room, and the backyard.

Favorite CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon