It's so embarrassing.Ramdam ko ang baga sa aking pisngi habang sinusubukang huwag lumingon kung nasaan siya. Hindi ko nga alam kung nasa likod ko siya. My focus is just on his white comforter. Nandito ako ngayon sa pangalawang palapag ng barn. Nakaupo sa kanyang kama while waiting for him to wear some clothes.
Goddamn it! Ano bang nag-udyok pa sakin na pumunta rito? Kung sana hindi ko naisip na pumunta rito, I won't be in this situation. My gosh, may nakita tuloy akong hindi dapat nakita.
I sheepishly closed my eyes. It's so embarassing talaga! Bakit di na lang bumukas ang lupa at lamunin ako nito?! Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko o kung paano ko siya pakikisamahan.
Should I act normal? I mean we're both guys naman. I also have what he has. Hindi ba ito normal for both guys?
Gabrielle naman, you're stranger to each other. And only close friends would let each other show their penises without being embarrass or something.
Isa pa, ikaw ang trespasser dito. Kaya bakit ka mag-a-act normal when technically, it's normal for him to be naked and you just accidentally saw it. Kaya mahihiya ka talaga dapat sa ginawa mo.
I don't know anymore! Right now, I am just embarrassed to be seen by him or even na makasalamuha siya.
Can I just apologize na lang tomorrow?
Umayos ako ng upo nang marinig ko ang kanyang pag-akyat sa hagdan. Bumaba pala siya. Kaya pala hindi ko siya naririnig sa aking likod when he brought me here.
Tumaas ang balahibo sa aking leeg. His footsteps are almost behind me. Napalunok ako at itinuon ko ang tingin sa balcony ng kuwarto, scared and embarrass to look at him.
"May suot na ako. Pwede ka nang tumingin sa akin, ser," seryosong wika niya. I bit my lips. Kahit ayaw ko, wala akong choice. I turned around and saw na oo, hindi na siya hubo't hubad.
He's wearing a white round-neck T-shirt, blue jeans, and a blue-strap white flipflop. Basa pa rin ang buhok niya pero maayos na itong nakaparte, his wavy hair dangling down behind his ears.
But damn it, kahit may suot na siya, the image of his glory suddenly flashed. Parang nagkaroon ako ng photographic memory. My eyes became like an x-ray na instead yung may damit siya ang dapat na napagmamasdan ko. Iyong kanina ang nakikita ko.
Iyong maumbok niyang dibdib na tila may iilang mga droplet ng water. His firm flat stomach na walang abs at wala ring belly fat. And then, the short hair below his belly button. Tapos iyong kanyang...
Nag-iwas ako ng tingin. Suminghap ako. Ang lakas ng tahip ng dibdib ko.
Get a grip, Gabrielle!
"Bakit ka naparito? Paano mo nalaman na nandito ako?" I heard him ask. Kinalma ko muna ang sarili ko. Act normal. Act normal, please!
Tumikhim ako. Tumingin ako sa kanya. I fucking did my best to just stare at his face at hindi sa kung ano-ano.
Kunot ang kanyang noo at seryosong-seryoso siyang pinagmamasdan ko. From his reaction, para akong nahimasmasan sa kahihiyan ako. I unconsciously pinch my middle fingernail.
"Sorry," panimula ko. "Uhm... I asked Badet kase kanina to know your whereabouts. Nais ko sanang makausap ka."
Hindi siya gumalaw. Mas lalong nadepina ang kanyang kaseryosohan dahil sa kanyang maitim at makapal niyang kilay.
"Sorry kagabi," ayan, very good, Gabrielle! "I didn't mean to be rude sayo. I was just tired and stressed kahapon kaya sa iyo ko nabunton iyong inis ko."
