"Hindi man kita nakikita, naiisip naman kita palagi. Lalo sa mga sandaling katulad nito
Sana wag ka mag-ooverthink sa akin ha. Kahit wala na tayong paguusap. Huwag kang magiisip ng negative na magdudulot sayo ng stress. Hindi ako maaagaw ng iba. Isipin mo nalang na may pinapagawa pa ang Ama :)
Ako man ay ganiyan. Kahit mga kaklase't kaibigan ko ang kaharap ko, bigla-bigla nalang na sasagi ka sa isip ko.
Opo Ka Zyril. Ang pagiging tapat ko sa Ama at bahagi rin ng pagiging tapat ko sayo, sa salita ko, at sa pangakong iniwan ko sandali. Alam na alam ko yun at palagi kong bubulayin araw-araw :)
Nais kong maghintay ka ng masaya, tahimik at mataimtim. Alam mo ang bukambibig ko sa bawat problema na dumadating sakin.. "May awa ang Diyos... May awa ang Diyos. Ituloy mo lang ang paggawa"."