"Narito ako sa tahanan ng mga bayani at ikaw nama'y nasa dulo ng mga pulo ng dagat. Hindi pa kita nakita ng mukhaan subalit ano itong naghahari sa puso ko? Lagi kang nasa aking gunita. Ang hakbang ng aking mga paa ay malayo sa landas na tinatahak mo. Mga karagatan at kabundukan ang namamagitan sa ating dalawa subalit bakit parang ang lapit lapit mo lang? Napakadali mong matagpuan at hanapin. Bakit ganito ako katibay sa pagtitiwala? Dahil ito na ang una't huling iibig ako. Bakit hindi mabaklas ng kahit anong bagay ang nararamdaman ko sayo? sapagkat dati'y pangarap lang ito. Bakit kahit anong tagal ng panahon ang lumipas ay nandito parin ako? Sapagkat singlinaw ng langit na bughaw na magiging akin ka rin. Hihintayin kita anuman ang mangyari, Seral. Ikaw lamang ang mamahalin ko ng gan'to. Habang buhay"