Four

0 0 0
                                    

EXCLUSIVE SCOOP: Alexander, Mika, rumored to have broken up!

The gossip column and student fan page of Mondstville just published yet another chronicle of The Great Casanova. Juris was chewing on her apple while reading the comments under the post.

| @XanderMyLoves IT'S MY TIME TO SHINEEEEEEE

| @notangeluh here comes the fangirls again 🤦‍♀️

| @user3738572892 who's going to be the flavor of the month? HAHAHA

Nagsimula siyang mag-tipa sa reply box, kagat-kagat pa rin ang piraso ng mansanas.

| @jurisceleste Maybe you should all stop posting nonsense just for engagement /

Isinubo na niyang buo ang piraso ng mansanas at nginuya 'yon habang binubura ang t-in-ype niya.

| @jurisceleste What will you all do if the "flavor of the month" turns out to be me? /

Natulala siya sa blinking cursor ng ilang segundo. Nang malunok ang kinakain ay mabilis niyang binura ang lahat ng t-in-ype saka in-exit na ang app. Nag-angat siya ng tingin sa mga nakain ngayon sa cafeteria. Halos lahat ay tutok sa phone ng mga ito, sandaang porsyentong sigurado siyang nasa Mondstville student page din ang mga ito.

Tumusok uli siya ng piraso ng apple gamit ang tinidor at sinubo 'yon habang nakatanaw pa rin sa mga tao. Juris got her phone out of her pocket and took a snap. Binuksan niya ang email at nagsend ng mensahe kay Alexander.

These people have no idea I'm your "flavor of the month" :P

In-attach niya ang litrato ng mga schoolmate nila sa canteen na tutok na tutok sa mga phone ng mga ito. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Hinagilap si Alexander sa cafeteria pero wala ito doon. Some of their classmates were happily chatting on a table across hers. Naka-eye to eye niya si Nadine, isa mga kaklase nila. Mabilis lang itong nag-iwas ng tingin. Kung pwede niya lang itong irapan ay ginawa na niya pero pinigil na lang niya ang sarili.

Nagcheck siya ng phone, inubos na ang ilang piraso ng apple na kinakain niya. Alexander emailed back.

Have you read it? tanong nito.

She replied fast. Hindi pa. Later pag-uwi ko.

He replied again. You can still change your mind, you know.

Hmm. 'Yon lang ang ni-reply niya rito. Nag-type uli siya ng bagong message. Where are you?

Missed me already? :P ang reply nito.

Nangasim ang mukha niya. Nag-reply siyang muli. Hindi. Gusto ko lang makita kung paano ka kukuyugin ng mga tao. You're already posted on Mondstville page.

Bumagal ang pagrereply nito sa kanya kaya niligpit na niya muna ang mga pinagkainan. Nakasabay niya si Nadine sa pagbabalik ng food tray. Nagka-eye to eye contact uli sila, she didn't look away. Bahala itong ma-awkward.

"Juris," tawag nito na hindi niya lang pinansin. "Galit ka pa rin ba?"

Hah! Wala akong naririnig. Pinagpatuloy niya ang pagliligpit ng pinagkainan habang nakasunod lang ito sa kanya. Tinapon niya sa food waste ang mga natira niyang pagkain na ginaya nito. Binabad niya sa nakahandang tray ng mainit na tubig ang utensils na ginamit niya na ginaya nito. Sinalansan niya ang tray na ginamit niya na ginaya nito. It was a protocol in the campus to clean as you go, she knew that. Pero naiinis siya sa isiping ginagaya ni Nadine lahat ng galaw niya. Ginagaya pa rin siya nito.

"Juris, can we talk?" habol nito sa kanya nang matapos siyang magligpit.

Hindi pa rin niya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa table kung saan siya kumain. Sa gulat niya ay sumunod ang babae doon. Their classmates from across the table all glanced back at them. Ramdam niya ang mga nakakatusok na tingin. Nakakainis.

"Juris—"

"Ano ba?!" Napalakas ang tanong niyang 'yon. Nagtaas-baba ang dibdib niya, hindi gusto ang atensyong nakuha sa ginawa.

"Juris..."

Kinagat niya ang dila kahit marami siyang gustong sabihin. Nagpapaawa na naman si Nadine na parang ito ang biktima. Naikuyom niya ang mga palad na nakapirming maigi sa gilid ng katawan niya. She could feel stupid tears welling up her eyes. Hindi siya makakilos, lalong dumadami ang nanonood sa kanila. Nagkaroon bigla ng maliit na komosyon na nakasentro sa kanya. Hindi niya gusto ang pakiramdam no'n. Naninikip ang dibdib niya. Nanlalambot ang tuhod niya.

"Miss Valedictorian!"

A soft and light fabric nestled on the top of her head. Biglang nawala si Nadine o ang kahit na sino sa paningin niya dahil sa nakatakip na tela na sumakop sa ulo at mukha niya. Napapiksi siya nang makaramdam ng mahinang tapik sa tuktok ng buhok niya.

"Hanap daw tayo ni Dean," mahinang bulong ng pamilyar na panlalaking boses. Nakahinga siya nang maluwag. Hindi na niya napansin na kanina pa pala niya pigil ang hininga.

"A-Alexander..."

Naramdaman niya ang magaan na pag-alalay nito sa magkabilang balikat niya. "Hey, Nadz, hiramin ko lang si Juris. Hanap kami ni Dean."

"A-ah, okay. Sige, Xander," rinig niyang sagot ng babae.

Yo'n lang at marahan na siyang itinalikod nito at sinimulang alalayan maglakad palayo sa lugar habang nakatakip pa rin ang damit yata nito sa ulo niya. Para siyang bata na tinuturuan maglakad, nanghihina ang mga binti niya. Nag-iinit rin ang mga mata niya, nagbabadya ang pagbagsak ng mga luha.

Naramdaman niya ang pag-akbay nito sa kanya habang ang isang kamay nito ay nakaalalay sa damit para hindi matanggal sa pagkakatakip sa mukha niya.

"You can cry all you want, Juris. No one can see you now."

Mukhang ang hudyat lang na 'yon ang hinihintay niya dahil matapos nitong sabihin 'yon ay tahimik na nagsitulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

Boyfriend Premium (October Write With M: WIP #2 Alexander)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon