Kokoy de Santos' POV
"Yehey!!" sigaw ko pagkababa ko nang sasakyan dahil sa wakas nandito na kami sa NAIA para sunduin si Mama.
Kuya Gel: Hoy! Wag ka takbo ng takbo bunso baka madapa ka! sigaw ng panganay kong kapatid.
I'm very excited kasi Kuya! Ang tugon ko kay Kuya Gel habang paikot-ikot ako sa pagtakbo. Sobrang saya ko kasi ngayong araw na ito dahil makikita at mayayakap ko na rin si Mama ng personal.
Paano ba naman, tatlong buwan mula na ako ay iluwal ay umalis na si Mama patungong Korea para mag-trabaho kasi si Papa nangapitbahay at iniwan kami na parang pusa.
Well, sa edad kong 8 years old nauunawaan ko na naman agad ang sitwasyon ng pamilya namin kaya mas pinili ko maging masaya para sa natitira kong pamilya at ganon talaga ang buhay parang life.
Nang nasa waiting area na kami, para doon sa arrival ng mga pasahero, at proud na proud ko itinaas yung banner na ginawa ko, "Welcome back Mama Chenie" ang nakasulat dito. Naks pang-Engineering lettering ang peg!
"Kuya bakit wala pa si mama?ang tagal!! O baka di nya nakikita itong sulat ko? Pasan mo ako pasan mo ako!! " Ang pagrereklamo ko kayna Kuya Gel
Kuya Gel: "Sulat manok ba naman yang ginawa mo bunso eh! Dinaig mo pa ang Doctor mag-sulat , kaya wag ka mag-dodoctor paglaki mo huh? Hahahaha!" Ang pang-aasar na tugon ng kapatid ko.
Inirapan ko na lang sya at nag-focus ako sa mga bumababa sa escalator- naduduling na ako kaka-tingin sa bawat bumababa sa escalator.
Maya-maya may babaeng kumakaway at biglang kumaway din si Kuya Gel na natatawa.
Kuya Ger: Sira!! Hindi si Mama yan! Napakaganda at batang-bata yan tol ang ani ng pangalawa kong kapatid na tatawa-tawa.
Kuya Gel: Yan na lang kaya iuwi natin, iwan na natin si mama hahaha joke lang!
Kuya Ger: Pwede ba? Hahahaha.. Teka marinig ni Bunso rated SPG to, tol! at nag-apiran silang dalawa na tatawa-tawa.
Puro kalokohan 'tong dalawa kong kapatid kaya binaling ko na lang ulit yung tingin ko sa escalator. Maya-maya may kumakaway at sinisigaw ang pangalan namin.
"Gel!!"
"Ger!!"
"Koy!!"
"Mga anak kooo!!"
Si mama! Si mama!! Sya na talaga mga tol!! Ang ani ni Kuya Gel na tila naluluha sa saya habang hinihila-hila yung sleeve ng damit ko.
At agad-agad kaming lumapit ng mga Kuya ko at habang palapit kami ng palapit napansin ko na may pasan-pasan sa likod si Mama?
"Ano yun Barbie doll na human size??"
"Bag na hugis Bata??" ang tanong ko sa aking sarili..
Habang nag-sisisigaw sina kuya na parang bata, biglang gumalaw yung nakapasan kay Mama na tila nagising sa pagkakatulog. At ako naman ay kinusot-kusot ko yung mga mata ko baka may nakikita ako na di nakikita ng iba.
O kaya nasobrahan ako sa kanunuod ng horror movie.. The Shutter??
At nang nakalapit na kaming tatlong magkakapatid-bigla kaming natulala sa pasan-pasan ni Mama sa likuran nya kasi nakatingin sa amin.
"Ah eh.. mga anak" ang ani ni Mama
"Mama.. ba...kit?" Ang ani ni Kuya Ger habang nangingilid ang luha...
"Ma..? Sinong Koreano ang gumawa sa inyo nito Ma!!!?" Ang ani naman ni kuya Gel.
At ako naman ay nakatingin sa pasan ni Mama na batang babae na tila-kasing edad ko.
Niloko ba kami ni Mama?? Ang tanong ko sa aking isipan...
BINABASA MO ANG
Si OA at si Nonchalant
Teen FictionDisclaimer: The following story is a purely fictional and all the characters seen in this story are purely fan-made. Please support this story! Thank you and God bless!