~~Past scenes~~
Choy is only 5 years old when she came in the Philippines, because she is very young, she does not understand anything yet. Naging tahimik ang byahe ng mag-iina hanggang sa makarating sa kanilang-tahanan sa General Trias,Cavite at pag-kababa, si Choy ay mahigpit yumakap sa binti ng kanilang ina na itinuturing na rin niyang ina. At doon binasag ng Ginang ang katahimikan habang pinagmamasdan ang kaniyang mga anak na lalaki.
"Cho-yi-hyun ang pangalan niya mga anak at ituring nyo siya na parang tunay nyong kapatid at kadugo... Kung paano ko kayo inalagaan at minahal ganon rin ang ipakita nyo sa kanya..."
"Ma..bakit pa kayo nag-dala ng isa pang pabigat?? ano ba at iniuwi nyo pa yan? baka kasuhan pa kayo ng mga magulang o kamag-anak ng batang yan!?" sabi ni Gel na may pagmamaktol at siya ang panganay sa mag-kakapatid.
"Oo nga naman ma! alam ko naman gustong-gusto nyo magkaroon ng anak na babae pero di sa pamamaraan na mali ma... kidnapping yan!" ang ani naman ni Ger na pangalawa naman sa magkakapatid. Samantalang ang nakakabatang kapatid naman nila na si Koy ay tahimik lang na nakatitig kay Choy.
Maya-maya ay binatukan ng Ginang si Gel at Ger. "Aray naman Ma!!" ang sigaw ng parehong binata habang hawak nila ang kanilang ulo.
"Papaano kasi napaka-OA nyo! gagawin nyo pang masamang tao ang nanay nyo!!" ang inis na tugon ng Ginang.
"Eh sino ba kasi yan ma?" ang tanong ni Kuya Gel at dito nagsimula ang pagkwekwento ng Ginang patungkol sa batang babae.
"Siya si Cho-Yi-Hyun, ang nanay niya ay isang pinay na nag-ngangalang Ma. Chiana Cruz na nakasabayan ko sa pagpunta ng Korea para makipagsapalaran rin para sa pamilya sa edad na disi-nuwebe anyos at sa tatlong buwan na pag-tratrabaho sa parlor shop na pinagtratrabahuan ko rin ay nabuntis siya ng isang kaedaran niyang Koreano na regular client namin. Halos nasayang yung pangaral namin sa kanya dahil napakabata pa niya para magkaroon ng sariling pamilya kaso wala kami magagawa at nariyan na.
Nung una naman naging maayos ang pagsasama nila bilang mag-asawa at ikinasal pa sila hanggang sa ipinanganak na si Cho-Yi-Hyun, pero nung nasa edad apat na si Cho-Yi-Hyun ay doon nagsimula na malulong sa masamang bisyo at sugal ang asawa ni Chiana dahil sa impluwensya ng tropa.
Binubugbog siya maigi kapag sobrang lasing o natatalo sa sugal pero hindi man lang niya maisumbong sa mga pulis dahil sa labis na pagmamahal niya sa kanyang asawa hanggang sa dumating sa punto na wala na sila makain mag-ina - dahil kulang rin ang kinikita ni Chiana sa shop at kung minsan absent pa dahil sa mga pasa at sugat na natamo niya mula sa kanyang asawa. Kaya ang ginawa namin sa kaniya ay nag-tulong-tulong kami na kahit papaano ay makakain silang mag-ina. Wala rin makuwang suporta sa partido ng lalaki dahil di nila matanggap na nakapanga-sawa ang anak nila sa murang edad at nagpakasal pa ito."
"Ano ka ba naman Chiana! Hiwalayan mo na yang asawa mo!? Napaka-Martyr mo! kawawa kayo ng anak mo!" ang galit na ani ko habang pinagmamasdan siya na karga-karga ang anak na umiiyak.
"Ate Chenie, di ko kayang iwanan siya.." ang maluha-luhang tugon nito sa akin. Parang gusto ko na siyang batukan pero nangingibabaw ang awa ko sa kanya lalo na sa kanyang anak dahil pati ang bata may pasa na rin sa braso dahil naitulak ng ama hanggang sa umabot nang isang taon na ganon ang sistema nila.
"Ate Chenie, makikisuyo sana ako na sayo muna si Choy balak ko kasi mag-apply muna ng bagong trabaho kasi lumalaki si Choy at pambayad sa upa namin sa bahay.." ang nagmamadaling pagsabi ni Chiana sakin sabay abot ang isang malaking bag.
"Babalikan ko po siya mamayang ate!" ang dagdag pa nito ni-hindi na ako nakapagsalita hanggang siya ay nakaalis na. Napatingin na lang ako sa batang karga ko na mahimbing na natutulog at sa bag na ibinigay sa akin ng kanyang ina na di ko ginawang buksan.
~~
Halos hating gabi na wala parin ang ina ng bata at nag-iiyak na ito, mukang nagugutom na siya at ang hawak niyang feeding bottle ay wala na ring laman kaya wala akong magawa kundi buksan ang bag ng bata para kumuwa ng gatas- Sumambulat dito ay mga iilang-damit ng bata, kaunting gatas na nakalagay sa isang garapon, passport at isang nakatuping papel na nakasulat dito ang aking pangalan.
"To: Ate Chenie de Santos" bigla nanlamig ang buo kong katawan at nanginginig akong binuksan ang nakatuping papel.
"Ate Chenie, pinagkakatiwala ko po sa inyo ang aking anak dahil alam ko po na maaalagaan nyo po siya at mabibigyan ng magandang kinabukasan- Paki sabi na lang po na mahal na mahal ko po siya... Paalam..."
At para akong matutumba sa aking nabasa at napatingin sa batang mas lalong lumakas ang pag-iyak kasabay nito ay ang pagtunog ng aking cellphone na agad kong sinagot.
"He...llo.." ang nanginginig kong pagkakasagot ..
"Ateee! Si Chiana.. nagpakamatay..." ang ani nito sa akin at tumulo ang aking luha.
~~End of past scenes~~
Choy's POV
Nang maihatid ako ni Koy sa classroom ay agad na rin siyang umalis para pumasok sa first subject niya kumuwa siya ng kursong Civil-Engineering dahil mula pag-kabata ay hilig na niyang mag-drawing ng mga buildings at maging pagbubuo nito gamit ang lego, ang bilis ng panahon kasi isang taon na lang ay gragraduate na rin si Koy samantalang ako ay nasa 1st year college palang sa kursong Biology- Gaya ni Koy, pinagbubutihan ko rin ang pag-aaral ko para makatulong sa pamilya at sa lahat ng naging sakripisyo nila para sa akin.
Dahil mula pagkabata naririyan lagi sila para sa akin- Sila ang nagpuno ng lahat na dapat ang sariling kadugo at magulang ko ang gumawa. Si Mama Chenie- kahit na pagod galing sa pagtitinda ay patuloy parin kami pinag-sisilbihan, Si Kuya Gel and Kuya Ger- nakipagsapalaran sa Korea para may pang-tustos kami sa pang-araw-araw na gastusin at si Koy- na kasabayan ko sa paglaki ang naging knight in shining armour ko dahil sa mahihirapan na sitwasyon ay lagi siyang nariyan to encourage me. I am super blessed to have them, and I love them very much.
I will do my best to be a successful woman yan ang pangako ko para sa kanila. At di ko napapansin na teary eyes na pala ako because of dramatic moments at biglang nag-vibrate ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng palda ko and I received a message from Koy kaya agad ko itong binasa.
" Be a good girl :) see you later my baby girl" - and I just smiled with his message.
Koy's POV
"Eyyy!!" sigaw ng mga tropa pagdating ko sa classroom at bilang tugon ay niyakap ko sila isa-isa dahil namiss ko rin ang mga kolokoy na ito.
"Naihatid na ba ang prinsesa ng pamilya Koy?" ang asar ni Jelai na bestfriend ni Buboy habang naka-upo sa ibabaw ng teacher's table.
"Sana all!!" ang dugtong naman ni Buboy sabay akbay kay Jelai, wala na ginawa itong mag-bestfriend na ito kundi mamburaot ng tropa mabuti na lang nasanay na kami sa galawan nila at bardagulan kung minsan.
"Paano ka mag-kakagirlfriend nyan Koy kung lagi mo karga kapatid mo! Baka gumising ka na lang single senior citizen ka na.." ang dagdag pang-aasar naman ni Ruru sa akin at lahat sila ay nag-tawanan. At mukang mag-dadagdag pa si Buboy kaya inunahan ko na siya..
"Alam nyo mga pre! mas mabuti pang tumahimik na lang ang isang batang nabusted kahapon at magiging kasama ko pa ata siya na babangon rin na single senior citizen !! " ang tatawa-tawa kong pang-aasar at tugon sabay tingin kay Buboy na biglang natawa habang umiiling.
"Hoy, wag mo ibaling sa akin ang topic Koy!!! ang sigaw ni Buboy na naging dahilan kung bakit kami humagalpak ng tawa.
Honestly, marami naman akong ginustong babae at natetempt rin ako to court kaso in God's perfect timing na lang at dapat kong unahin ang Family ko bago yan lalong-lalo na sa akin hinabilin ni Mama at nina Kuya si Choy- I want her to be secured muna at maramdaman niya na pwede kang mabuhay ng masaya at payapa kahit na nakaranas ka ng bad experiences from your past.
TO BE CONTINUED>>>
BINABASA MO ANG
Si OA at si Nonchalant
Teen FictionDisclaimer: The following story is a purely fictional and all the characters seen in this story are purely fan-made. Please support this story! Thank you and God bless!