Chapter 1: Overprotective

9 1 0
                                    


Kokoy's POV

"Akin na yung bag mo.." ani ko kay Choy, umiiling-iling pa ito at bigla niya niyakap ang backpack niya.

"Mabigat yang bag mo, wag na makulit...!" ang muli kong pagsasalita na may pag-suyo at inialok ko ang kamay ko. 

"Kaya ko naman buhatin.." ang tugon nito sa akin at tinapik-tapik pa ang kamay ko papalayo.

"Sige, isusumbong na lang kita kay Mama..." ang panakot ko dito at agad nito ibinigay ang kanyang bag at may pagtatampo na expression ng mukha. Takot kasi siya kay Mama dahil may paka-strict siya pagdating sa kanya siguro dahil only girl. 

"Very good!Wag na kasi makulit next time.." ang ani ko at sabay ngiti sa kanya. At isinuot ko na yung shoulderbag ko at pagkatapos ay ang backpack naman ni Choy na grabe sa bigat dinala na ata buong bahay. 

"Halika na at baka malate pa tayo" ang muli kong pag-sasalita pero nakatingin lang siya sa akin na may pagtatampo na itsura. 

"Ang cute- cute naman  talaga ng baby girl ko!" ang pang-aasar ko at sabay pisil ng kanang pisngi niya at di parin nag-babago ang itsura ng kanyang mukha. 

Mula kasi pagkabata ganito lagi ang setup namin, ginigiit ang gusto niya na hindi naman pwede. 

"Geunyang hangsang" ang ani nito na baby talk pa. 

"Hala!! korean moves ka na naman ah!  Ms. Cho yi-Hyun!..ano ibig sabihin nyan ahh!" ang asar ko dito habang nakangiti akong nakatingin sa kanya at sinusundot sundot ang tagiliran niya para  kilitiin at tumakbo siya para lumayo sakin. 

Actually, Yes, half-korean at half- pinay siya at di talaga namin sya tunay na kadugo pero itinuring namin siyang hindi iba. Overprotective kami sa kanya dahil nga sa past experience nya na na-ikwento ni Mama mula nang nakauwi siya galing Korea at gusto rin namin na ipakita sa kanya na she is not alone.. We love her and I love her.

May pagka-nonchalant sya kadalasanan o abnormal ba tong si Choy? Hahaha joke lang! And she is pretty as well napakadaming gustong pumorma sa kanya kahit nung elementary days kaya laging pinababantayan nina Kuya si Choy sa akin. Kailangan ko rin mag-panggap na she is my girl para di siya lapitan ng mga lalaki, kaya ito di ako makapanligaw ng mga babae napupusuan ko because I choose her over those girls and mas pinahahalagahaan ko kasi yung malapit sa akin. 

At wag nyo ako pag-isipan ng masama guys! I just treated her lang as my little sister at wala sa isip ko na maging more than pa dyan, I put limitations din. 

"Hoy! Kayong dalawa kanina pa kayo harutan ng harutan pumasok na kayo!!" ang sigaw ni Mama habang  nakapamewang kaya natigil kami sa paghahabulan kaya agad-agad kaming lumapit ni Choy kay Mama para humalik sa pisngi. 

"Ingatan mo kapatid mo Koy! At umuwi kayo ng maaga.." ang habilin ni Mama sa akin  at tumango-tango naman ako.

~~~ 

Napakainit!! at para kaming sardinas sa loob ng jeep grabe! Yung puno na sa loob, yung driver ay nagtatawag pa ng isa pa o dalawa pa.. Are you kidding me manong??

"Koy" ang tawag ni Choy sakin sabay alok nya ng panyo. Agad ko kinuwa at ipinunas sa mukha, "Thanks.." Ang ani ko sabay ngiti sa kanya. MapapaWOW ka na lang si Choy papasok parin ng fresh samantalang ako papasok palang ay parang pauwi na dahil sa pawis. 

~~

Pagkababa namin sa harap ng waiting shed ay nag-ayos na muna ako parang amoy mandirigma na ako. Nagpapunas naman ako ng pawis kay Choy sa likod mabuti nalang may extra towel din siya laging dala.

"TIAGONG KULOT!!!" Malakas na sigaw na pagbati ng tropa kong si Buboy.

"Bok!! Long time no see" ang ani ko habang inaayos ko ang uniform ko at  nag-apiran sabay hagikgik.

"Hiiii Choy!" Ang bati naman nito kay Choy, na may pagtaas-taas pa ng kilay at malaking ngiti. pero  maliit na ngiti lang ang tinugon ni Choy sa kanya.

"Grabe naman Choy! Salita din kapag may time puro ngiti lang lagi sinasagot mo sakin, pero okay lang kasi napakaganda mong binibini naman eh.." ang ani ni Biboy kaya nilamukos ko muka nya sabay sabi ng "style mo bulok" ."Pumasok na nga tayo Bok!" dagdag ko. 

"Halika na Choy" ang banggit ko at kinuwa ko kanang kamay nya dahil papasok na kami ng gate ng school- kailangan kong alalayan siya kasi madalas nahihilo siya kapag madaming tao and at the same time ay yung nababangga siya. 

TO BE CONTINUED...



Si OA at si NonchalantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon