Chapter 3: Meet someone accidentally

1 1 0
                                    

~Past Scenes

Kokoy's POV 

*Ring.....*

Bigla ako napabalikwas sa pagtulog ng marinig ko na tumutunog ang cellphone ko. Kinapa-kapa ko sa ulunan ko yung cellphone ko..

*Bok is calling*

"Aga-aga mang-istorbo natutulog pa ako.." ang ani ko sabay sagot sa tawag.

"Hello?" ang mahinang usal ko hanggang sa ako ay umupo sa kama at humikab.

"Koy! punta ako dyan sa inyo.." ang sagot nito

"Ghe.." ang maikli kong sagot at sabay baba ng tawag at humiga ulit, wala pang limang segundo sa pagkahiga ko ay may nag-sisigaw sa labas.

"KOY!!!!! Dito na ako!!!yuhhhuuuuu!!!"  

Napakamot ako ng ulo dahil andyan na pala si Buboy at naptime ko pa naman ngayong alas dos ng hapon eh..

~~~

Naniningkit ang mata kong nakatingin kay Buboy mula nang pinapasok ko siya sa bahay at pinaupo sa wooden sofa namin sa living room. 

"Pre, pasensya ka na sa abala huh?" ang malungkot na pagkakasabi ni Buboy at ipinatong ang isang malaking eco-bag sa lamesa na nasa harapan namin pareho. Isa-isa niyang inilabas ang laman nito at inilagay niya sa kanyang harapan ay San Miguel Light Beer na naka-can. At ini-abot naman sa akin ay isang A&W root beer.

"Alam ko kasi pre, hindi ka nainom na nakakalasing kaya yan na lang ang ibinili ko para sayo atlis may word na beer.." ang malungkot parin na pagkakasabi nito ngunit di ako umimik at naniningkit parin ang mata ko nakatingin sa kanya.  "Pre, damayan mo naman ako sa problema ko please...."  ang ani nito at nag-teteary eyes na rin siya. Alam ko naman kung ano problema nitong tropa ko, kundi babae na naman yan panigurado- pustahan! papa-straight ko pa buhok ko kung mali ako. 

Kinuwa ko yung A&W root beer na inalok sa akin ni Buboy para magsimula na siya mag-open na isang madramang kwento-. "Yown! Salamat talaga pare koy!"  ang ani ni Buboy at ngumiti sabay akbay.

"Ano problema? Spill the tea" ang ani ko sabay inom ng root beer na iniabot niya sa akin. At Kumalas sa pagkaka-akbay si Buboy at binuksan niya ang isang can ng San Miguel Light beer at ininom. Biglang tumahimik ng ilang minuto na tila parang may dumaan na anghel.  At may dinukot muli si Buboy sa eco-bag na dala niya at itinaas ang isang balot ng fishballs, squidballs, kikiam at french fries. - Hay nako! ang dami pang commercial break itong tropa na ito bago sabihin.

"Bago ko sana sabihin Koy, pwede ipaluto kay bebe girl mo? then sasabihin ko sayo problema ko" ang ani nito sabay malaking ngiti nito kaya siningkitan ko siya ulit ng mata. "Sige na naman Koy! para may pulutan tayo pleaseeee" ang pa-cute nitong pag-kakasabi. 

~~~ 

"Choy, pwede ba magpaluto sayo? pasensya kana si Buboy kasi eh!".. ang pagkakasabi ko kay Choy sabay kamot sa ulo kasi medyo nahihiya ako maki-usap kay Choy dahil may ginagawa siya, nag-aayos  ng mga SANRIO stationery collections niya sa kwarto, sobrang hilig kasi ni Choy sa ganyan kaya kapag nakakakita ako sa stores binibilihan ko siya.at tumango-tango naman siya. 

At agad-agad akong bumalik sa living room, naabutan ko si Buboy na nakatayo at may hawak na picture frame at bigla siyang tumingin sa akin. "Kuya Koy..." ang mahinang ani ni Buboy kaya inambaan ko kunwari ng suntok at mabilis na lumapit sa kanya para kuwanin ang hawak niyang picture frame- Siningkitan ko siya ng mata dahil litrato ni Choy yung tinitignan niya.

"Ui, grabeng tingin ah? wala akong inisip na masama kay Choy, sobrang cute lang kasi niya.." ang tatawa-tawang ani nito at umupo na ulit ito sa wooden sofa namin. "Pasensya ka na pre.." ang dugtong nito habang inaayos ko yung litrato ni Choy sa pinagkuwanan ni Buboy. 

At nagpatuloy si Buboy sa pagsasalita nito, "Alam mo Koy, parang mauuna ko pa ata maabot ang langit kaysa sa maabot ko ang pangarap kong babae"  sabay inom ulit nito ng beer.

"Maling babae lang ang pinangarap mo Bok!"  ang ani ko.

"Hindi naman mapipigilan ang pagtibok ng puso eh.." ang sagot naman nito sa akin at napatingin ako sa litrato ni Choy bigla ako napangiti- She is wearing her school uniform with serious face, sobrang bagay talaga sa kanya ang may bangs.

"Hindi ako tulad mo Koy na tinatago at pinipigilan ang nararamdaman but later on masisiwalat din yan..." ang dugtong na pagkakasabi ni Buboy at ngumiti lang ako habang nakatalikod ako sa kanya. 

"Koy.. ito na yung pinaluluto nyo.." ang mahinang pagkakasabi ni Choy kaya bigla ako napaharap sa pinagmulan ng kanyang tinig. 

"Wow!! Salamat ng marami Choy!! Sobrang sarap nito lalo na may halong pagmamahal" ang tugon ni Buboy. 

At agad akong lumapit kay Choy para kuwanin ang kanyang bitbit na niluto. "Salamat Choy" ang ani ko at ngumiti ako sa kanya at tumugon naman siya ng ngiti sa akin. 

"Mas mabuti pa kumain muna tayong tatlo!! May root beer pa naman dito Choy .." ang alok ni Buboy kaya tatlo kaming nag-food trip bago magsimula ang klase na naman bukas.

-End of past scenes- 

~~

Choy's POV

Medyo nakakaramdam ako ng pagod this first day of school bukod sa medyo mainit ang panahon ay marami rin ibinigay ang bawat professor na assignments agad-agad. Patuloy lang ako sa pag-paypay gamit ang panyo ko dito sa lobby area.

It is already 2:25pm, hinihintay si Koy for his last subject na will end by 3pm then we will go home. While waiting for him, nagkaroon ng flash mob sa gitna ng lobby area kaya ang ibang mga students natuon ang tingin maging ako. 

Bigla na lang rin ako napatayo nang medyo narindi na ako sa sigawan ng mga babae- parang may artista ata dumating but I don't care kung sino man siya as long as na makaalis na lang ako sa lobby area para hindi ako mahilo sa ingay at pagdami ng tao. I will just wait na lang kay Koy outside the campus maybe sa 7-11 na lang atlis may aircon.

Nagmadali ako tumayo at mabilis na naglakad because of that I bumped into someone at mabuti nasalo niya ako. At nagkatinginan kaming dalawa- His hairstyle is two block side part haircut, with charming eyes and nice skin.

At agad akong tumayo ng ayos at lumayo sa kanya para maialis niya ang pagkakahawak niya sa likuran ko. " Are you alright?" ang tanong nito sa akin ngunit nanatili lang ako nakayuko "Sorry po.. sorry po" ang ani ko habang patango-tango na humingi ng sorry.

"It's okay" ang tugon naman nito kaya tumango -tango muli ako at agad umalis. 


- To be Continued-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si OA at si NonchalantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon