2

73 4 0
                                    

Sheena POV.

"Hoy Aling Beta mag bayad ka naman nang utang mo! Ilang araw ka ng hindi nag babayad mahiya ka naman!" Sigaw ko sa gate ng bahay nila aling Beta, ang kilalang chismosa at manunugal dito sa islang Pantropiko, ilang araw na kasi siyang 'di nag babayad  ng utang. Kaylangan ko na siyang singilin dahil kaylangang kaylangan ko ngayon ng pera lalo na't mas lalong lumalala ang sakit ni mama.

Agad agad namang lumabas ni aling Beta mula sa bahay nila. Halatang halata na kakagising lang may tulo pa nga ng laway sa bibig HAHAH

"Ano ba Sheena! Dinaig mo pa ang mga manok sa pag sigaw sigaw d'yan ke aga aga!" Oo nga naman 5 palang ng umaga nung umalis ng bahay dala ang flashlight namin.

"Sinadya ko talaga bago paman ubusin ng sugal yang pera mo! "

Aalis pa kasi ako at pupunta sa sa kabilang bayan para mamili ng gamot ayaw ko namang tanghaliin dahil baka masunog pa ang balat ko no

"Mag kano ba?" Tanong nito.

"5k! " sagot ko at ngumiti. Nagulat naman si aling beta

"5K? 4.5K lang utang ko sa inyo ha! Ang laki naman ata! " Sabi niya.

"Ilang araw ka na bang di nag babayad?"

"Walang pang isang linggo!"

"Eh wag ka nang mag reklamo! Dali na kaylangan ko ng pera!" Sabi ko sabay lahad ng palad, napakamot naman siya ng ulo.

" Nako ikaw talagang bata ka. Teka lang, kukunin ko lang ang wallet ko" 

"Dalian mo ah!"

"Oo na!"  Agad agad naman siyang bumalik at binigay sakin ang pera. Binilang ko naman ito ulit, baka kasi kulang mahirap na noh!

"Ano ba't ke aga aga mo naniningil?" Tanong niya habang tinititigan akong nag bibiling 

"Pupunta akong karatig bayan, bibili ng gamot, wla naman rito ang sinasabing pansamantalang ipa take kay mama"

"Lumalala nanaman ba sakit ng mama mo?" Tanong niya

"Chismosa ka talaga kahit kaylan aling Beta!"

"Haynako Sheena, bakit hindi mo nalang Kasi  ipatingin ang mama mo sa Manila. Maraming magagaling na doctor roon tyak gagaling ang mama mo!"

Napa buntong hininga ako.

ayun na nga, plano ko naman talaga eh pero ayaw ni mama...  Kulang nalang mag dance break ako sa harapan niya para mapapayag siya pero ang inay ayaw talaga.. ang tigas ng bagang

"Matigas ulo ni mama, ayaw sa manila" saad ko nalang.

"Eh kung mag trabaho ka kaya sa manila? Graduated ka naman with latin honor pa"

"Haynako aling beta kung pwede lang matagal ko nang iniwan ang islang pantropiko!" Sagot ko.

"Bakit hindi pwede? Sayang naman ang pinag aralan mo" tinaasan ko siya ng kilay.

"Gamit na gamit ko kaya lalo na pag naningil ng mga utang!"

"Baka ayaw ng mama mo sa manila dahil sa takot na mag kita ka-" hindi ko na pinatapos si aling Beta sa pag sasalita ng takpan ko ang bunga niya.  Napaka daldal

"Hep hep, don't say bad words!"

"Oo na!" Sabi nito ng tanggalin ko ang kamay ko.

"Oh siya alis nako aling Beta! Wala ng susunod tagal tagal mo mag bayad!"sabi ko at mag lalakad na sana paalis ng may pahabol pa siya

"Hoy teka! Hintayin mo ako dito dadagdagan ko yan nang limang daan, dagdag pambili ng gamot" napaka bait din talaga nitong si aling beta, sugalera at chismosa nga lang.

GOLDEN HOURWhere stories live. Discover now