7

69 3 0
                                    

Sheena POV

Napapa iling nalang ako sa mga nangyayari sa'kin ngayon. Bukod kasi sa may lagnat ako, nadulas pa. Putik putik tuloy ako ngayon. Hayss, lord I'm not your strongest soldiers.  Pagod na disney princess mo eme

"Sheena, okay kalang ? putik putik ka oh" Tanong ni ate Aiah. tulad ko, nag titinda rin siya ng prutas at gulay dito sa palengke  ng isla.

"Oo ate" sagot ko naman at linagay ang prutas sa lalagyan.

Sa totoo lang kanina pa ako nanghihina.

"Umuwi kana kaya para mag palit sheena? Tyka Namumutla kana, Tama na muna yan. Umuwi kana sa inyo at mag pahinga, Ako nang bahala dito." saad niya"

"Kaya ko pa naman ate, tyka nakakahiya naman sayo!"

"Ngayon ka pa nahiya? Sge na, umuwi kana at mag pahinga. I got your back!" I smiled at her. Bukod sa maganda, ang babait bait pa talaga. 

"Thankyou ate ganda!" Saad ko at yinakap siya

"Welcome shee! Sabihin mo kay tita mag pagaling na ha! Papanoorin ko pa siyang mag dance break!" At dun ako nalungkot.

sadly.  Hindi na malulunasan ang sakit ni mama. Medicine can help to slow down her time but eventually dadating ang araw na iiwan na ako ni mama.

Hayss Maka uwi na nga. Miss ko na si Mama. 

" naka uwi na ang disney princess ni sheila~" Kanta ko habang papalapit sa bahay namin. bakit naka sarado nanamn ang pintuan? Sinabi ko kay mama na laging ibukas 'to e. Kinakabahan nanamn tuloy ako.

Agad agad kong binuksan ang pintuan na kinagulat ni Mama.

"Ay bilat! Bebe!! papatayin mo ba ako sa gulat?!" Saad nito.

napa ngiti ako ng matiwasay, mabuti naman at humihinga pa ang inay.

agad agad akong lumapit sakanya upang yakapin. Once again, I felt peace. Kahit papaano, gumaan lahat sa dibdib ko.  Namiss ko ang inay.

"Miss you~" saad ko, yinakap niya namn ako kaagad pabalik.

" i miss you more bebe...Ang aga mo ata ngayon?... bakit ang init-init mo? May lagnat kaba? Ikaw talagang bata ka. sinabi ko ng wag ka ng tumuloy sa bayan eh, ang tigas ng ulo mo. "

Ayan nanamn siya.

"Lagnat lang naman 'to ma, I can manage!" Saad ko at kumalas sa pag kakayakap.

"Anong lagnat lang, umupo ka riyan. Ikukuha kita ng gamot!" Sabi niya at parang si flash na nawala. Grabe, ang oa naman ng inay ko, no doubt na sa kanya ako nagmana.  Hindi naman ako mamatay sa lagnat e.

"Inom..dahan dahan" saad niya at inalalayan akong uminom ng gamot.

"Thankyou Mama ko" Puno ng lambing kong sabi, she smiled at me pero hindi ito umabot sa tenga niya, she always smile widely at me pero ngayon, hindi.  And I know why...

"Naiiyak nanamn ba ang mama ko? Wag na iyak please? Iiyak din ako" Sinusubukan niyang ikubli ang iyak niya pero kaylan man, hinding hindi niya ito mamaitatago sakin. 

Dahan dahan niyang hinaplos ang pisnge ko.

" Alagaan mo ang sarili mo palagi hmm?  Wag kang papaulan, masasakitin kapa naman. Wag mo ring kakalimutan kumain. W-" pinigilan ko na siya kung ano man ang sasabihin niya. She's saying things na parang nag papaalam na, I hate it.

"Stop Ma, don't say bad words! Sabi mo hindi mo ako iiwan. Don't say bad words muna fless?" saad ko. Napabuntong hininga si Mama.

"Alam nating pareho na  dadating rin ang panahon na sasama na ako sa liwanag anak, "

"Edi sasama rin ako ma!" 

"Hindi pwede bebe, may mga pangarap kapang dapat abutin, Tyka yung pangako mong kambal sa'kin, tuparin mo yun! Kung hindi mumultuhin kita!" Banta nito sa akin.  Nanakot pa talaga

"Wag na yun! Sasama nalang ako sayo ma!" Saad ko.

"Sge, mag sapatos kana"

"Ma?" Tumawa siya.

"Joke lang! Mag palit kana roon at mag pahinga. Ang bantot mo!" Saad nito. Wow ha

"Oo na" saad ko at hinalikan siya sa pisnge

"Wag mong ilock ang pinto mo, pupunasan kita ng maligam gam na tubig Para bumababa ang lagnat mo!" Saad nito

"Oo ma!"

"Oh siya mag luluto na'ko " saad niya at dumeretso sa kusina..

What would I do without you ma...




"Eyable!!!!"

"Stakuuu!!!" Agad kaming nagyakapan, mabuti naman at napadpad siya rito sa isla and she didn't lie nung sinabi niyang pupunta siya rito sa isla para lang rumampa. Kulang nalang ng pink carpet rarampa na 'to na parang model e. She's wearing a Hawaiian hat with backless pink dress, matching her pink eyeglasses and also pink heels.   Very demure ang kikay 

"Ganda! Hindi ka nga nag bibiro ng sinabi mong rarampa ka rito!" Saad ko.

"Naman! Pinaghandaan ko talaga 'to, inindian mo ako last time e" saad nito at umirap. Hindi ko pa pala nasasabing pumunta kaming maynila para kay mama. Mamaya ko na sasabihin.

"Akala ko ba isasama mo si ate maloi? Asan siya?" Tanong ko ng mapansin wala ang mas maliit na kaybigan

"Ayon, hindi mahanapan ang bayota niya....susunod yon!" Saad niya. 

"Ah ganun ba, tara na sa bahay. Mainit init pa ang bibingka mo"

"Pink ba yon?" Tanong niya na ikina tuwa ko, very pink gurly

"Oo naman, tara na" saad ko at kumapit sa arms niya

"Wait teka lang, yung payong ko" saad niya at kinuha ang payong sa banga at binuksan.

"Lets go" Hindi ko mapigilang matuwa. Very pink talaga  

"ANO? GALING KAYONG MANILA TITA?!" Saad ni staku at binaling ang tingin saakin,  tumingin ako sa bubungan namin. Ano yung butiki? Cute naman.

"Hindi ba sinabi ni bebe?" Takang tanong ni mama. Hala dalawa na yung butiki. Mukang lovers panga, sana all

"Hindi, ... edi sana sumama ako tita" malungkot na saad ni staku. Alam kong pipilitin niyang sumama kaya hindi ko na pinaalam sa kanya...

" wag ka ng malungkot nak... hindi natin siya bati" luh mama ko ba 'yan? Tumingin ako sa kanila.

"Wag ka na ngang sad gurl d'yan staku, hindi bagay sayo... alam kong concern ka pero Sapat na yung mga gamot na libre mo nung nakaraan. At  ayaw kitang abalahin e. kaya hindi na kita  sabihan, alam kong pipilitin mong sumama" saad ko. Napabuntong hininga siya, nag tatampo na ata

"Kaybigan kita eyable, hindi ka kaylan man abala sakin. Kayo ni tita. Lungkot na' ko. Tampo ako" saad niya kaya agad ko siyang linapitan at yinakap.  Ang corny niya mag tampo.

"Sorry na!"

"Oy oy ano yan! Bakit hindi ako kasali?!" Sabat ni ate  maloi na kakarating lang.

Agad agad siyang ng mano kay inay ng makita niya ito.

" OH Hi tita kamusta kana? Okay kana ba? Umiinom kaba ng gamot sa tamang oras? Nahihilo kaba? Tell me tita tell me!" Kung anong kina oa ko, 10 times siya.

Natuwa si mama.

"Ano kabang bata ka, okay lang ako" saad ni Mama

"Mabuti naman kung ganun tita! Pagaling kana ha.. fr 3 ako!" Saad niya na ika taka ni mama.

"Front row po, 3rd seat" ika niya ulit  na ikinatawa namin ni staku. For sure tungkol yoon sa biro kong mag dadance break si mama

" wala yan ma, wag mo siyang intindihin" ika ko naman. 

"Ewan ko sa inyo! Papainit lang ako ng tubig at mag kakape tayo! Masarap yoon sa bibingka!" Ika niya at pumuntang kusina. 

"Samahan ko na kayo tita!" Saad ni ate Maloi pero tinanggihan ni inay at sinabing dito nalang siya para makapag bonding sa amin.

Kaya agad agad naman siyang  lumundag saamin ni stuku at Yumakap.

GOLDEN HOURWhere stories live. Discover now