-52-

158 3 0
                                    

..

Daniel



"Ano? Totoo ba iyan?" Tanong ko kay Zayche nang malaman ko ang nangyari sa pamilya ni Caile.

Tumango siya, "Oo, kaya wala si sir Caile ngayon sa company. Ang dami ngang pulis sa bahay nila ngayon." Sagot ni Zayche habang nakain sa lamesa at nakatingin sa phone niya.

Nakaramdam naman ako ng awa dahil doon. Noong ilang buwan ang nakalipas ay nagpunta kami sa puntod ng magulang niya, ng totoong magulang niya. Tapos ngayon, wala na rin ang daddy niya, hindi ko ma-imagine ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Nagpaalam naman ako na maliligo lang ako at pupunta kila Caile para kumustahin ito.

"Paano ang baby mo? Baka mapaano ka pa pagpumunta ka roon." Pagpigil sa akin ni Zayche na nginitian ko lang.

"Walang mangyayari sa aking masama, chill ka lang." Sabi ko sa kaniya at nagdiretso na papuntang banyo para maligo.


Pagkatapos ko maligo ay kaagad akong nagbihis. Hindi na ako nagtagal sa pag aayos dahil wala namang pormal na okasyon akong pupuntahan. Sabi rin kasi ni Zayche na kakamatay lang daw, duda akong naiburol na agad iyan.

Nagpaalam ako kay Zayche na aalis na ako. Grabeng mga paalala niya iyan akala mo tatay ko eh.

Sumakay na rin ako ng taxi para mapabilis na ako sa byahe. Ayaw ko mag-commute at baka pagdating ko ron ay mangasim na ako.

Pagkarating ko sa destinasyon ko ay tama nga si Zayche sa sinabi niyang maraming pulis ang nandito. At sobrang dami, pati nga mga chismosa ay nandito. Hindi ko alam na kahit nasa village sila ay may mga marites.

"Pasensya na po, hindi po pwedeng pumasok." Pagpigil sa akin ng isang pulis kaya napatigil ako sa kamang pagpasok ko sa mansion ng mga Mulford.

"Ayy sir, kilala ko po yung anak nung may ari ng bahay. Nandito po ako para dumalaw." Saad ko, nagbabaka sakaling mapapasok nila ako.

"Nako po, pasensya na pero hindi talaga pwede." Pagpapaumanhin ng pulis kaya napanguso na lang ako.

Gusto ko lang naman malaman kung ayos lang ang kalagayan ni Caile eh. Sigurado akong nasasaktan siya ngayon, at gusto ko na ako yung nasa tabi niya habang nagb-breakdown siya, gusto ko nasa tabi kami ng baby niya.

Hindi na ako nakipagtalo at nakitingin na lang sa mga nangyayari sa labas ng mansion, sumisilip ako sa pagitan ng mga pulis na nakaharang, baka sakaling lumabas si Caile rito.

Habang natingin ay nakita ko si Samuel kaya agad ko itong tinawag. Nagtataka naman siyang naglakad papalapit sa direksyon ko. Nahawan pa ang mga pulis na nakaharang, at para mapanatili ang mga marites sa labas ay inutusan ni Samuel na papasukin ako.


"Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ni Samuel pagkarating namin sa gilid ng gate para mag-usap.

"Gusto ko lang dalawin si Caile, nalaman ko kasi nangyari rito." Sagot ko sa kaniya.

"Okay si Boss. Hindi ka na dapat nag abala pa na pumunta rito, baka hindi mo kilala si Boss. He's a strong man, kaya niya ang nangyayari sa kaniya." Saad ni Samuel.

Napatitig ako sa kaniya. Mukhang busy siya dahil hindi rin mapakali ang mata niya.

"Busy ba ngayon si Caile? Gusto ko siyang makita." Sabi ko pa na ikinatingin sa akin ni Samuel.

"Sigurado ka? Sa nangyaring ito kahit na okay lang si Boss ay mainit ang ulo non kapag may nangi-istorbo sa kaniya." Aniya kaya napakunot ang noo ko.

Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon