Life's climb. But the view is great. There are times when things seemingly go to plan, and there are other moments when nothing works out.
My life is a mess, ito ngayon saan-saan dinadala at tinatapon ng tadhana. Hindi naman ako manghuhula para makita ko ang kapalaran ko, kung makakagawa na naman ba ako ng gulo o matitigil at maging tahimik na ang buhay ko, pagdating roon. At sa skwelahang 'yon.
Pero, sana hindi na ako masasangkot sa ano mang-away pagod na kasi akong gumawa ng gulo.
Baka totohanin na nilang ipadala ako sa labas ng bansa at pag-aralin ng kursong gusto nila para sa akin.
Ewan ko ba bakit gano'n sila.
Tss, pati buhay ko sila na nagdedisisyon. They like a CCTV footage always monitoring me every minute.
Except kay Ate na lagi akong pinagtatanggol at pinagtatakpan. She's my only one bestfriend in this sh*t life! Kung wala siya, ewan ko kung saang kangkungan nila ako ngayon tinapon. At saang lupalop ng mundo napunta.
Tanaw ko na ang lugar. Mga naglalakihang puno sa gilid ng kalsada. Nagtataasang pader na makikita sa 'di kalayuan nito. At naglalakad na ilang mga studyante at guro papasok roon, karamihan mga sasakyang nagsisipasukan sa loob.
Mukhang malapit na kami ni Manong driver ng taxing sinasakyan ko ngayon sa skwelahang papasukan ko. Pabilis ng pabilis naman ang kabang nasa dibdib ko.
Sa dinami-dami ng school sa lugar na 'to. Dito pa talaga. Ito pa talaga 'yong napili nila para sa akin.
I don't know excited lang ba ako o ano. but, one thing I'm worried about, mukhang hindi ako magtatagal rito. Well see. Sa ngayon hindi ko muna 'yon iisipin.
Nandito na ako, alangan namang uuwi pa ako pabalik e, sayang 'yong pamasahe ko. Tapos, ang layo-layo pa ng lugar na 'to.
"Nandito na tayo ne," sabi pa ni Manong. Na siyang agad kong narinig at nagmamadaling bumaba.
Hindi ko man lang napansin. Bumaba na agad ako at inayos ang mga gamit kong dala. Kunti lang naman 'to at magaan kaya ayos lang.
"Thanks kuya." Nakangiti kong inabot sa kan'ya ang bayad ko.
"Salamat neng," sagot nito at umalis na.
Nakatayo ako sa daan kung saan makikita ang napakalawak na campos papasok roon sa loob. Mas lalong lumawak at lumaki ito. Marami ng nagbago. Ibang-iba na sa dati. Hindi na kagaya noon.
"ID mo?" tanong agad ni Manong Guard sa akin.
Ayos pala 'yong guard's nila dito kasing strikto ng mga tao sa bahay.
Pinakita ko sa kan'ya ang suot-suot kong ID lace, "Ito po." Inabot ko dito at pinakita.
"Puwede ka ng pumasok," striktong ani nito. Idagdag mo pa 'yong hitsurang nakakatakot.
Nakakatakot ba 'yon? Mas nakakatakot pa si ate do'n.
Pumasok na ako sa loob. Ang lawak ng campos. Sobrang ganda ng view kahit saan ka tumingin at lumingon sa paligid. Maganda sa mata pagmasdan.
Sunod-sunod na dumarating ang iilang studyante. Kasabay ko at 'yong iba nakasakay sa kotse.
Namangha ako lalo ng tuluyang makita ang paligid. Sinong mag-aakalang makabalik ulit ako dito. Dati sinasama lang ako dito ni Ate, tapos lilibutin ang buong campos. May isang beses pa na pinapasok niya ako ng pilitan sa kindergarten room noon, ice cream ang kapalit. Kasi ang gusto niya habang nagtuturo siya panatag ang loob niyang nando'n ako nakikita niya at natuturuan, kasama pa ang mga studyante niya. Ayoko kasi talaga na mag-aral at pumasok. Higit sa lahat ang sumama sa kan'ya papasok sa skwela.
YOU ARE READING
YOUR THE ONE KIND OF MY UNIVERSE
Teen FictionSi Alzarra Eve Fesvarra isang babaeng nag-transfer sa isang unibersidad sa kadahilanang may nagawa itong gulo sa dating skwelahan. Na may magulong mundo, at gustong-gusto ng magbago kaso, paano? kung laging nakasunod sa kan'ya ang gulo. Na kung saan...