CHAPTER 2

17 4 0
                                    

JAYROPE TYRONE'S POV

A friend is a mirror reflecting your joy, doubling your laughter, and reminding you how bright you shine.

Isang araw may makilala kang taong hindi mo inaasahang magiging bahagi ng buhay mo. Maging parte ng pagkatao— ng puso mo.

What a coincidence.

Para akong baliw na nakangiting naglakad papasok sa classroom.

"Saan ka ba galing? Late ka na. Pasalamat ka hindi pumasok ngayon 'yong pet peeve mong professor kasi may lagnat daw," bungad agad ni Zach sa'kin pagsalubong nito sa'kin sa pinto papasok sa loob nitong classroom.

Buti naman wala siya. Baka kasi siya pa sumira sa magandang umaga ko. Ako lang nakikita niya lagi para pagalitan at bungangaan. Boring kasi ng klase niya nakaaantok.

Ahh, basta masaya ako ngayon. Ikaw ba naman nabihag ng isang kakaibang babae, sinong 'di magmukhang baliw sa paningin ng lahat lalo na pagdating sa tropa mo.

"Anong nangyayari sa'yo? ba't gan'yan ngiti mo?" usisa pa ni Zach ngumunguya ng chewing gum.

Puno naman ng pagtataka ang mga mata nila ng makita akong nakangisi abot tenga.

Para sa kanila kakaiba ang ngiti ko na ito. Hindi ngiting nakaaasar o may nakaasaran na naman at napagtripang isa sa mga studyante dito sa Campos.

Iyon na nga meron na sana isang babae, kaso nakaantabay pala sa tabi namin si kupido. Hindi ako nakailag o nakaiwas. Ayon, sapol ang pana ni kupido sa dibdib ko sa babaeng 'yon. Para tuloy akong tanga ngayon, nakangiti.

"Hoy! Caballero ba't nagka-ganyan ka, daig mo pa si Zach ah, na nagdiwang ng sinagot siya ng mga babae niya." Lakas maka-hirit ng biro may natamaan tuloy.

Agad namang nagbigay ng reaksyon si Zach. "Ba't ako nadamay diyan Kai," usal nitong nakabusangot.

Pinagtatawanan lang namin siya. Totoo naman kasi, parang tanga lang talaga.
Gano'n naman talaga pag tropa, laglagan minsan ng sikreto sa buhay.

Magkaibigan ang dalawang 'yan mula bata kaya alam na nila ang ugali sa isa't-isa. Kung si Zacharias Del Konsor maraming natitipuhan o nagugustuhang babae, si Ian Kyles Gallener  naman ang napaka-torpe at mailap sa mga babae sa kanilang dalawa.

"Alam niyo bang may new transferee?" tanong kong nakangisi sa harap nila. Katabing umupo kay Kai sa upuan.

"Yap, we already know that and what's new for that," natawang sagot ni Kai, sabay hampas sa braso ni Zach sa katabing lamesa nito ay siyang katabi naman sa upuan si Stev.

"He had a great encounter with the new transferee." Dahilan para mapalingon sila kay Stev sa sinabi nito.

And speaking of Stev, ang tinaguriang bookworm sa aming apat, as usual nagbabasa na naman ng libro, tahimik lang lagi. Lakas maka silent treatment sa amin. Na para bang walang paki kung anong nangyayari sa mundo.

Si Stev ang pinaka tahimik sa grupo. Medyo masungit at iba kung magalit. Lalo na pag malapit sa kan'ya. Siya din ang dahilan kaya kami nabuong apat dahil sa tulong niya no'ng bumagsak kami sa exam no'ng grade school namin. Muntik pang ma-expelled dahil sa mga kalokohan naming ginawang tatlo noon. Pinagtanggol niya kami pati sa parents namin. Buti na lang din napakiusapan niya ang angkle niya.

Kaya sobrang pinalalagahan namin si Stev. Ang pagkakaibigan namin syempre. Kahit hindi siya laging nagsasalita ang importante sa amin nakikita namin siya at nakakasama. His presence is enough for us.

Pag wala kasi siya nanghihina kami, wala kaming maisasagot sa quizzes and exams pag absent siya. Source of answer kasi namin siya. Nakakatamad naman kasi mag-aral.

YOUR THE ONE KIND OF MY UNIVERSE Where stories live. Discover now