IANNA'S POV
Habang naglalakad ako sa corridor dala ang mga libro ko, papasok sa classroom. Laking gulat kong may biglang bumuhos ng malamig na tubig sa buong katawan ko mula sa itaas.
Sobrang lamig no'n. Magkahalong water color ang nilagay sa tubig. Dahilan para magmukha akong basang sisiw sa kalagayan ko ngayon.
Tawanan at bungisngisan ang narinig ko.
"Opss sorry"
"Bagay pala sa 'yo gan'yan ang hitsura mo. Maging gan'yan ka na kaya araw-araw."
"Tingnan mo 'yong mukha niya ang pangit."
Isang kalalakihang grupo ang mga nagsasabi niyon sa akin. Sa may gilid ko. Tawang-tawa sila.
Gusto kong umiyak hindi dahil sa ginawa nila kundi dahil sa mga librong nababasa. Paano ko ipapaliwanag 'to. Panigurado, mapapagalitan ako nito.
Tulala akong pinagmasdan ang nabasang libro sabay tulo ng luha ko. Paano na 'to anong gagawin ko? Tapos sobrang basa pa ng uniform ko.
Nabitawan ko ang lahat ng hawak kong libro. Nanginginig ang kamay ko. Napatingin akong may luha sa mga mata pati sa uniporme kong bagong bili ni Mama.
It's rare for Mom to give me things or choose something for me, so everything she gives me holds sentimental value. Tapos ito pa nangyari sa akin ngayon. At ngayon pa talaga. Naiiyak ako.
"Bagay pala 'yan sa'yo no?" rinig kong sabi ng babae.
"Sarap mo pala ma-bully ulit."
Medyo matagal na rin nung binully nila ako. Pero, hindi naman 'yun malala. Tapos, madali lang din nila akong napagsawaan. Ngayon lang ulit, I don't why? And why me again? All of the students naging target na naman nila ulit alo.
I didn't expecting this I thought they were done with me. I thought they'd lost interest in bothering me. and now, here we go again.
Tulala at wala sa sarili akong napayuko para pulutin ang mga libro. Pinagtitinginan ako ng lahat at pinagtatawanan. Dali-dali kong pinulot lahat ng papel at librong nagkalat sa sahig.
And something come up with my mind. I get it na. The new transferee.
Napahinto ako ng saglit. May mga paa sa harap ko. Alam ko kung sino-sino sila. Nakayuko parin akong hawak ang mga papel.
Pinatid nito ang isang libro papunta sa mga gilid ko, dahilan para pagtawanan ako lalo sa hitsura ko habang tumayo at kinuha.
Naka-cross-arm itong kaharap kami at nakataas ang kilay. "Kung di ka sana nakipag-kaibigan sa babaeng 'yun. Hindi sana mangyayari 'yan sa'yo." Malditang aniya nito.
I ignore her. Wala sa kan'ya ang atensyon ko kundi sa sarili ko.
Wala akong paki-alam sa kanila. Sanay na ako.
"Deserve rin naman niya 'yan." Na siyang sinang-ayunan ng isang kaibigan niya.
"Ohw, nandito na 'yong bestfriend mo. Ipagtatanggol ka yata from us." Gamit ang nguso nitong tinuro si Avi naglalakad patungo sa amin.
Napalingon ako sa gawi nito. Kasabay no'n ang bulong-bulungan. Nasulyapan pa ng mga mata ko ang apat na lalaking pinanonood kami.
Talaga lang ha?! Parang nanonood lang ng sine ah.
Ah, oo tama parang gano'n na nga rin kasi may dala pang pop-corn. Kumain habang pinagmamasdan kami sa di kalayuan sa amin.
"Avi." Pabulong kong ani.
YOU ARE READING
YOUR THE ONE KIND OF MY UNIVERSE
Teen FictionSi Alzarra Eve Fesvarra isang babaeng nag-transfer sa isang unibersidad sa kadahilanang may nagawa itong gulo sa dating skwelahan. Na may magulong mundo, at gustong-gusto ng magbago kaso, paano? kung laging nakasunod sa kan'ya ang gulo. Na kung saan...