CHAPTER 1

21 4 0
                                    

AVI'S POV

Hindi na bago sa akin ang ganitong pangyayari o sitwasyon. Pero 'di ko parin maiwasang isipin, lagi akong makakatagpo ng ganitong tagpo. Makakarinig ng ganitong linya sa isang eksena.

Nakakatawa. Buong studyante nakatutok sa akin. Syempre mawawala ba ang bulong-bulungan at tawanan? Hindi, nandiyan lang.

Kagaya nito nasa likuran lang ako ng isang gropong nagkukumpulan sa isang tabi dito sa labas ng classroom namin. Lingid sa kaalaman nila pinapakinggan ko sila at pinanood.

Wala lang gusto ko lang maki-marites bago pumasok sa loob ng klase.

"Nandito na 'yong bagong transferee."
Gulat pang reaksyon nitong may halong galit.

"Kapal niya. Dito pa talaga s'ya pumasok"

Kung alam ko lang, Hindi na sana. Kaso nandito na ako e, wala na akong magagawa.

"Alam niyo bang pasaway daw 'yon sa dating skwelahan niya."

Wow!! Updated!

"So, kaya siya nag transfer dito? Kapal din naman ng mukha niya."

Sayang hindi ko makita ang mukha niya nakatagilid kasi siyang nakasandal sa kaibigan. Kung sino ang mas makapal ang mukha sa aming dalawa.

"Makapal talaga. Kasing kapal ng dictionary."

Tss. E, kung sapakin ko kaya siya ng diksyonaryo.

"Well, see if kaya niyang maging pasaway at magmatigasan ng loob rito."

"Oo nga e kung kaya niya. Alam niyo? Ang sarap niya tirisin nakakainis."

Mukha ba akong amigas para tirisin.

"Hindi ba siya nag-iisip? Na baka mali ang napasukan niyang school?" Tawang-tawa naman sila sa sinabi ng isang kasamang babae.

"Ang malas niya kung gano'n dahil mas maraming bully rito." sang-ayon nito.

"Tingnan natin kung saan ang kaya niyang tiisin sa school natin. At kung ano ang kaya niyang gawin. Hambog siya 'di ba?"

"Sabi nila."

Sakit sa ulo pakinggan ng mga sinasabi nila.

Late na akong dumating sa room.  Punong-puno pa ng bulong-bulungan at storya ang bumungad sa akin sa pagpasok. Mga tingin at titig nila na nanghuhusga, na may nagawa akong malaking kasalan at para bang may utang ako sa kanilang isang milyong hindi ko pa nababayaran.

Ang lala nila grabhe

Kulang ang isang milyon Avi. Sa klase ng mga taong ito? Kulang ang isang milyon para layuan mo silang lahat.

Paki ko sa kanila. Sanay na ako. Kahit pala saan ako magpunta ito parin ang madadatnan kong eksenang nakakabagot na. Makakasalubong kong storyang nakakasawa.

Wala bang bago sa buhay ko? Puro na lang kasi ganito. Nakakaumay na.

Bulungan ba talaga 'yon? O sadyang nagpaparinig. Tss. Ano ba 'yan.

Sira na ang buong araw kong, inakala kong maganda.

"Talaga? Kaya pala kanina hindi siya natakot do'n sa mga bullies dito sa campos natin." she said while crossing her arms in her chest, staring at me.

"Yeah, I hate her."

"Me, too."

"Hindi man lang natakot sa mga bullies."

YOUR THE ONE KIND OF MY UNIVERSE Where stories live. Discover now