Kabanata 2

177 21 2
                                    

Huminga ako ng malalim bago siya sagutin, kahit ramdam ko pa rin ang kaba mula sa biglaang sigaw niya.

"I'm Jm, kasama ko si Ate Lea kanina nung dumating kami," sabi ko, pilit na pinapakalma ang boses ko.

Tumango lang ang lalaki, halatang nagpipigil ng kaba. "Ah, okay. Leo, kapatid ni Ate Lea," sagot niya, kaswal na nagpakilala.

Matangkad si Leo nang kaunti sa akin, mga ilang pulgada lang ang pagitan. Maputi siya, namana sa kutis ni Nay Liza, at kahit mukhang seryoso kanina, halatang nahihiya rin siya ngayon. Tila may kakaibang tensyon sa paligid, pero parang nawala rin ito nang mag-relax si Leo. Nagtama ang mga mata namin sandali bago siya bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko at naglakad papasok ng bahay.

Pagkatapos ng engkwentro namin ni Leo, agad akong dumiretso sa kwarto ni Ate Lea. Kinausap niya ako tungkol sa mga bagay na gagawin namin kinabukasan. "Jm, maaga tayong aalis bukas para maayos na natin ang mga requirements mo sa pag-aaral. Ihanda mo na rin ang mga dokumento mo ha," sabi ni Ate Lea habang nakaupo sa gilid ng kama.

Tumango ako, medyo kinabahan pero excited din sa mga mangyayari. "Opo, Ate Lea. Ayos na po lahat," sagot ko.

"Good. Tapos, gusto kong masanay ka rin dito sa bahay, kaya tutulungan mo si Mama Liza sa mga gawaing bahay kung may oras ka ha?" dagdag niya. Alam kong seryoso si Ate Lea sa pagsasanay sakin, kaya hinanda ko ang sarili ko.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Naligo ako kaagad para maging handa sa araw na iyon. Nagsuot ako ng simpleng pang-alis: isang fitted na white blouse na may mahabang sleeves at high-waisted na black trousers. Bagama't simple, bumagay ito sa katawan ko, at nagbigay ng konting pagka-sexy pero hindi naman sobrang kita.

Naglagay ako ng kaunting liptint at inayos ang buhok ko nang konti. Hindi na ako nagmakeup nang marami, sapat na ang natural na ayos para sa araw na ito. At tsaka, wala naman talaga akong make up kit.

Pagkatapos ay lumabas ako sa munting kwarto ko. Dating storage room daw iyon, ngunit inayos ni Nay Liza para maging kwarto ko pansamantala. Masikip, pero maaliwalas at komportable naman. Masaya na ako na may sariling espasyo, kahit papaano.

Dumiretso ako sa kusina, kung saan naroon si Nay Liza, abalang nagluluto. Halatang sanay na siya sa ganitong gawain - mabilis ang galaw ng mga kamay niya habang hinahalo ang sabaw.

"Good morning po, Nay," bati ko habang sumilip sa niluluto niya. Mabango at nakakagutom ang amoy ng sabaw.

Tumingin si Nay Liza sa akin at ngumiti. "Good morning rin, nak! Aba, ang ganda mo ngayon ah. Bagay sayo ang puti... mas lalo pang lumitaw ang pagka-morena mo." Hinaplos niya pa ng bahagya ang aking braso.

Namula ako sa papuri. "Salamat po, Nay. Tulungan ko na po kayo," sabi ko, nag-aalangan ngunit masaya.

Kumuha ako ng chopping board at nag-chop ng gulay para sa niluluto niya. Habang tinutulungan ko siya, naramdaman kong kahit papaano ay nagiging bahagi ako ng kanilang pamilya. Masaya ako kahit hindi ko pa lubusang alam ang mga nangyayari sa buhay nila.

Ilang sandali pa, pumasok si Leo sa kusina, mukhang bagong gising. Ang buhok niya'y medyo magulo, at may suot siyang simpleng sando at shorts.

"Magandang umaga," bati niya nang bahagya, medyo inaantok pa.

"Magandang umaga rin," bati ko, bahagyang naiilang, lalo na't siya yung sumita sa akin kagabi.

Tumingin si Nay Liza kay Leo at ngumiti. "Leo, siya si Jm, yung kine-kwento ni Ate Lea mo."

Tumango si Leo, parang walang gaanong reaksyon sa mukha. "Nakilala ko na siya kagabi habang nagtatapon siya ng basura sa labas," sabi niya, sabay tingin sa akin na abala sa pag-chop ng mga gulay.

Chasing Horizons (Trans Series #1)Where stories live. Discover now