Chapter One

1.4K 30 2
                                    

Late na ako pero nakuha ko pa talagang mag-lip tint at ngumuso sa harap ng salamin. I even took a few mirror selfie bago makuntento sa itsura ko. May sampung minuto na ang nakalipas nang tumunog ang bell bilang hudyat na simula na ang susunod na klase.

I gathered my things and exited the bathroom. Maluwag na ang corridor dahil nakapasok na ang mga estudyante sa kani-kanilang mga silid-aralan, kaya kahit anong yuko ang gawin ko sa cellphone ko ay ayos lang. Wala akong mababangga.

Napanguso ako at agad na nilagay sa favorite ang mirror shot na nagustuhan. Post ko 'yan mamaya.

I took my sweet time hauling my feet into the next subject, kampante ako dahil ka-text ko si Elio kanina lang at sinabi niyang wala silang professor sa Advanced Biology. Eh, pareho lang naman kami ng guro doon, so ibig sabihin ay wala rin sa amin. Walang dahilan para magmadali. Baka nga nasa canteen na ang mga kaklase ko, eh.

Nang malapit na ako sa lab ay itinago ko na ang cellphone ko sa loob ng bag. Inaasahan kong maingay at nagkakagulo na sa room namin dahil wala ngang professor. But boy, I was wrong.

"You're late, Miss De Salvo,"

Isang baritonong tinig ang bumungad sa akin. Agad kong hinanap ang pinagmulan noon, walang tao sa harapan. Wala sa harapan ang nagsalita kundi nasa likod. I spotted a tall, serious-looking guy standing by the beakers. His posture straight and imposing.

Lalong nangunot ang noo ko dahil hindi siya pamilyar sa akin. He wasn't wearing a teacher's uniform, nor did he have the look of someone who belonged in a position of authority here. Kaswal na kaswal ang ayos niya. He wore a knitted sweater with the sleeves rolled up to his elbows, revealing strong, lean forearms. Mukha siyang bata para maging guro, yet too old to be a junior.

His face was sharp and angular, with high cheekbones and a defined jawline that gave him a slightly intimidating look. Medyo magulo ang kaniyang buhok, parang sinadya. And his eyes—a piercing shade of gray—were fixed on me with an intensity that made me feel like he could see right through me.

Who was he?

"Tutulala ka lang ba dyan o papasok ka?" Inalis niya sa akin ang tingin, dinampot mula sa lamesang katabi ang libro na ginagamit namin sa klase ni Mrs. Vergara at sinimulang buklatin iyon.

It snapped me back to reality. Mabilis na hinanap ng mga mata ko ang kambal kong si Anja na nakaupo sa puwesto ko. I narrowed my eyes on her, lalo nang makita na naka-lip tint rin ito na kapareho ng sa akin. Dumiretso ako sa bakanteng silya na para talaga rito.

I knew what she did. Malamang ay hindi rin inaasahan ni Anja na may professor kami ngayon, tinext ko kasi ito kanina at ibinalita ang sinabi sa akin ni Elio. Pero fake news, eh. Kaya marahil noong magsimula nang mag-attendance ay sa pangalan ko ito nag 'present' imbes sa kaniya. Damn! So, si Anja pa ang late sa record.

"Saan ka ba kasi galing?" Pabulong na tanong sa akin ng katabi kong si Vios.

"Nag-cr," simple kong sagot.

Of course, I wouldn't tell him na kaya talaga ako natagalan ay dahil sa building pa ng seniors ako nag-cr para lang masilayan ang crush kong si Skyler Saavedra.

"Inabot ka ng halos kinse minutos? Eh, nasa dulo lang ng corridor ang cr."

I rolled my eyes. Ito talagang si Vios! "Tumae ako, okay ka na?"

He chuckled a bit. Akala ko ay ayos na, tatantanan na niya ako pero sumeryoso siyang muli. "Si Anja ang late dahil sa'yo."

I sighed. I know. I felt guilty about it. Ilang beses ko naman na kasi sinabihan si Anja na hindi niya iyon kailangan gawin tuwi-tuwina pero sige pa rin siya sa pagsalba sa akin sa mga kalokohan ko.

A Torrent of Raging WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon