Chapter Six

289 12 0
                                    


Lunes.

Natapos na ang dance presentation namin. Hindi ko nga alam kung saan ako kumuha ng energy dahil hindi naman naging maayos ang tulog ko simula pa Sabado ng gabi. The last conversation I had with Averianov had occupied my weekend.

Ang tatlong oras na inupo ko sa sinehan katabi niya ay ang pinakamatagal na sandali na siguro ng buhay ko. I was sweating bullets kahit malamig naman sa loob. At kahit rin hindi naman na siya nagbukas pa ng usapan tungkol roon. I realized, I never wanted to get caught lacking.

"Grabe, ang bait ni Mr. Yniguez!"

Napaikot ang aking mga mata nang nagkaroon na naman ng pagkakataon si Bea na dumaldal. Katatapos lang isang klase namin, agad na lumapit ang mga ito sa kinauupuan ko at pinalibutan ako. They were all excited to talk about what happened last Saturday, ipinagyayabang pa nga sa mga kaklase namin na hindi kasama!

"Ang bango pa!" Elise giggled, she was making kilig face pa!

"Swerte niyo naman! Sana pala kayo na lang ang naging ka-group ko sa sayaw para nakasama ako!" Inggit na sabi ni Rica, naupo arm rest ng upuan ni Elise.

"Swerte talaga kami, teh! Libre pa ni Mr. Yniguez ang sine namin!" Hagikgik ni Bea, puno ng pagmamayabang. May kung ano pa siyang hinalungkat sa kaniyang cellphone at ipinakita sa buong klase. "May picture pa kami ni sir, oh! Ang guwapo! Parang artista! Walang pores! Nakakahiya nga dumikit, eh!"

Muli akong napairap. Yes, may picture sila. Actually, hindi lang sila kundi maging ang ibang girls na makakapal ang mukha. I didn't know bakit niya pinayagan ang ganoon! Puwede ba 'yung ganoon? Okay lang ba na nagpapa-picture ang student sa teacher? Hm, kunsabagay, he was just a sub! Pero kahit na! Mamaya umaasa na ang mga ito na may chance sila na magustuhan ni Averianov, eh!

Kung bakit bothered ako sa kaisipan na iyon ay hindi ko rin alam.

"Nahihiya ka pero halos idikit mo pa rin naman ng husto!" Hindi ko mapigilang komento.

"Pumindot si anger!" Humalakhak si Belle bago pitikin ang ilong ko at naupo sa tabi ko. "Ikaw naman! Selos ka agad! Eh, ikaw nga ang winner sa ating lahat!"

"Kaya nga! Nakakainis ka, Audrey!" Bea shot me a glare. "Imagine! Tatlong oras mong katabi si sir sa loob ng sinehan! Diyos ko! Pinagpala kang husto! Kung sana alam ko ang seat number niya, I would never have given you that ticket!"

Nanunuksong nilingon nila akong lahat. Kahit ni Anja na nasa kabilang bahagi ng room kasama si Vios ay napalingon nang marinig ang malakas na boses ni Bea. Tinaasan niya ako ng kilay na parang kinukuwestyon kung paanong nalaktawan ko ang bahaging iyon ng kuwento nang sabihin ko sa kaniya ang mga nangyari sa araw ko when I got home.

"Tapos may hot scenes pa ang palabas!" Hagikgik ni Elise. "Anong reaction niyo ni sir doon?"

Huh? Ano naman ang magiging reaksyon namin sa ganoon? Syempre, wala! Focus kami pareho sa panunuod. Kahit pa nga ba ang sa akin ay puros pagpapanggap lang. Kung sana alam nila na hindi ko masyadong naunawaan ang pinapanuod ko dahil katabi ko si Averianov!

"Kung ako 'yan si Audrey baka sadyain kong banggain si sir from time to time," Belle giggled. "O kaya naman, kunwari may hindi ako maintindihan sa palabas. I would ask him questions! Kahit ano lang! Basta makapag-usap kami!"

"Kunwari? Eh, hindi mo naman talaga naintindihan ang palabas." Tukso ni Miko na naupo sa kabilang gilid ko.

"Epal! Dapat nga hindi ka kasama, papansin ka lang!"

Napuno pa ng tuksuhan ang maiksing break namin na iyon. Nang dumating ang professor namin ay husto rin naman kaming nakinig sa discussion. Top section kami kaya kahit naman nagchichismisan ay nag-aaral pa rin kami ng maayos.

A Torrent of Raging WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon