"Hi, sir!"
Malakas na bati ni Bea ang siyang nagpalingon kay Mr. Yniguez sa aming kinaroroonan. Bahagya akong napaatras nang agad niyang nahanap ang aking mga mata. Ano ba naman itong si Bea? Papansin!
My heart raced as his gaze lingered on me, his brows furrowing slightly. I forced a smile, trying to act natural, but the effort felt strained. Biglang bumalik sa akin ang huling usapan namin. Kung paanong sinabi niya sa akin na hindi niya gustong pinagsisinungalingan pero pinandigan ko pa rin na ako si Anja! What now? He was seeing me as Audrey for the first time!
Not knowing what else to do, I quickly averted my eyes, focusing intently on my ice cream, hoping it would somehow shield me from his stare. Doon na lang siya lumingon sa mga nakikipag-usap sa kaniya at huwag na sa akin!
"Good afternoon, sir!" Belle greeted him, too. "Manonood rin po ba kayo?"
Napairap ako. Anong klaseng tanong iyon? Halatang ang epal lang. Syempre, ano naman ang gagawin niya sa pila kung wala naman pala siyang balak manuod, 'di ba? Ewan ko sa'yo, Belle! Korni ng small talk mo!
Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong tumango si Mr. Yniguez. He even smiled politely at them.
"Yes, I'm here to see a movie."
He glanced around the group, but his eyes kept drifting back to me. I could feel his gaze on me, even as I pretended to be deeply interested in my melting ice cream.
Ano, Averianov? Huwag mo sabihin na hanggang dito ay tatangkain mong ipahiya ako? Hindi naman ako nagpapanggap na Anja ngayon para pakialaman mo ako!
There was a moment of silence, and I could feel the tension building. I knew my friends were noticing the way he kept looking at me, and I silently willed them not to say anything.
"Oppenheimer rin ba ang papanuorin mo, sir?" Si Miko iyon na bigla akong tinabihan.
Tumango lamang si Mr. Yniguez, magsasalita sana pero nasundan agad ang sinabing iyon ni Miko.
"Hala, kami rin, sir! Manunuod kaming Oppenheimer!" Si Bea na parang oa sa energy.
Sus, Bea! Teacher mo 'yan, hoy!
"Oh? I didn't think you'd be interested in a movie like that. Akala ko'y Barbie ang ipipila niyo rito..." Pabiro niyang sabi sa mga nakikipag-usap sa kaniya.
Parang hindi suplado at masungit, ah?
"Maraming namamatay sa maling akala, sir," hindi ko napigilang kibo.
Agad na napalingon sa akin ang lahat. Kahit si Miko ay niyuko ako ng tingin. I instantly regretted saying anything and could feel my face heating up. I needed to get out of this situation fast. Trying to play it off, I flashed a quick grin at Mr. Yniguez, only briefly meeting his intense gaze. Hindi kasi talaga niya inaalis ang tingin sa akin. Nakakainis!
"Joke lang, sir," I said, forcing a laugh to lighten the mood. Hindi ko na siya binigyan pa ng tyansa na makasagot at tinapik na si Bea. "Isabay mo na lang kami ng ticket. Thanks!"
Without waiting for further response, I grabbed Miko by the arm and pulled him away from the group, heading toward the concession stand. Nagpatianod naman ito. Syempre, crush niya ako, eh! Lugi pa ba?
"Halika! Libre mo ko ulit! Popcorn naman!"
Mabuti na lang at hindi na nang-usisa pa si Miko. Parang masaya na lang rin siya na binibigyan ko siya ng atensyon ngayon kumpara sa iba. Nanlibre pa nga! Hindi lang sa akin kundi para sa lahat! He bought popcorn for everyone.
Papasok na kaming lahat sa loob ng sinehan nang lapitan ko si Bea para itanong kung magkano ang utang ko. I thought I would pay for Miko's ticket too dahil siya na ang sumagot ng snacks for everyone.