Chapter 1

34 2 0
                                    

Erica's POV

My name is Erica Alcantara, but my full name is Maria Scarlet Beatrice Alcantara. I am 17 years old and I am currently a 1st year college student studying at the College of Pampanga.

A few years ago, my parents died in an accident. While in the hospital before they passed away, they told me that I wasn't really their child. They said they only saw me at the mall. That's all they said before they passed away and couldn't make it. I have a lot of questions about who I am. The only things I have are a necklace with a pendant that says Maria Scarlet Beatrice, which is my real name, and a bracelet with "April 10, 2005" written on it, which my parents said was my birthdate.

Narinig na namin ang tunog ng bell hudyat na tapos na aming klase pero may dalawang subject pa kami vacant lang namin ng one hour.


"Vaks let's go!" Mataray na sabi ko.

"Wait lang vaks, can't you see? Inaayos ko pa gamit ko" Sabi naman niya.

"Sorry naman gutom na ko e, remember hindi tayo nag lunch dahil sa biglaang pa long quiz ni Madam kilay." Mataray na sabi ko.

Natatawa naman ako sa words na Madam Kilay prof kasi namin yun sa History si Ms. Montenegro. Nakakainis talaga siya masyadong demanding ang baba naman magbigay ng grades.

"Okay na tara na baka maglupasay ka dyan." Natatawang sagot niya.

Gutom na talaga ako!

I'm glad to have my good friend Julianna; we've been buddies since we're elementary.  We're still classmates and remain inseparable, almost like twins.

Partner in crime talaga kami ni Julianna noon pa. Madami kaming mga kalokohan na ginagawa but we know our limitations. Pagdating sa pag-aaral seryoso talaga kami baka kami'y matakwil kapag hindi namin sineryoso.

Nakabili na kami ng foods namin, umupo kami sa bandang likod.

"Mabuti na lang dalawa lang mali ko sa quiz sa kanya at pasado tayong lahat kundi baka bulkang sasabog na naman yun." Natatawang sabi ko.

"Kaya nga napakasungit pa naman bigla bigla na lang nagpapa-quiz." Sabi niya.

"Ganon ba talaga epekto kapag walang kalambingan tuwing gabi? Nagiging masungit at istrikto" Natatawang tanong ko.

"Siguro vaks." Natatawang sabi niya.

"Ehmmm!"

Napatingin naman kami sa likod namin nakita namin si Ms. Montenegro na nakataas ng kilay.

"Are you two talking about me?" Mataray na tanong.

"Narinig mo naman siguro." Pabulong kong sagot siniko naman ako ni Julianna.

"Y-yes ma'am tungkol po sa long quiz kanina." Sagot naman ni Julianna.

"Really? You should look at who you bump into." Mataray na sagot niya saka na siya umalis.

"Tssskkk! Kala mo naman sa kanya itong school na 'to" mataray na sabi ko.

"Muntikan na tayo don kala ko pupunta na tayo sa guidance baka Malaman pa nila tita." Sabi niya.

"Chill ka nga lang." Sabi ko sa kanya.

"Anyway, Vaks we need a scholarship." Sabi naman niya.

"Don't worry, I saw something in Senator Imee Marcos' post that she will provide a scholarship for our school. We just need to meet the requirements."

Tumango naman siya saka na pinagpatuloy ang pagkain namin.

Pagkatapos ng klase namin sa last subject dumiretso na ako ng uwi dahil pagod na pagod ako, 3:00 to 8:00 pm ba naman ang klase ko maling school ata napasukan ko aysttt..

Pagpasok ko sa bahay nakita ko sina tita Cel, kuya Jay at ate Jas na nakaupo sa sala habang nanonood.

"Good evening Tita, kuya at ate." Bati ko.

"Nandyan ka na pala magbihis ka na pagkatapos kumain ka na." Sabi ni Tita Cel.

"Sige po tita. Kumain na po ba kayo?" Tanong ko

"Oo kanina pa hindi ka na namin nahintay." Sabi niya.

"Erica tabi tayo matulog mamaya ha?" Sabi ni Ate Jas sabay kindat.

"Sige te." Nakangiting sabi ko.

May binabalak na naman itong gawin sigurado mapupuyat na naman ako neto sa walang hanggang chismis niya at panonood namin ng mga K-drama.

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagpalit na ng damit habang nasa tapat ako ng salamin at nagsusuklay napatitig ako sa necklace ko.

Napapaisip ako kung sino ba talaga yung mga magulang ko? Hinahanap pa rin ba nila ako? Naaalala pa ba kaya nila ako o kinalimutan na nila ako.

Tanging necklace at yung bracelet na lang ang naiwan sakin palagi kong suot yung necklace pero tinatago ko sa loob ng damit ko baka mawala o biglang hablutin sakin, habang yung bracelet ko naman nasa isang kahon minsan ko lang sinusuot.

Nabalik ako sa realidad ng pumasok si Ate Jas sa kwarto ko.

"Hoyy Erica bakit tulala ka dyan?" Tanong niya.

"W-wala ate." Nakangiting sabi ko.

"Alam ko na yan, iniisip mo na naman kung sino mga totoo mong magulang?" Tanong niya saka siya umupo sa kama ko.

Hindi naman ako sumagot.

"Silent means yes." Sabi niya.

"Ate sino kaya sila?" Tanong ko.

"Hindi ko rin alam e, wala man nababanggit si Mama sakin." Sabi niya.

"Naaalala pa kaya nila ako?" Tanong ko.

"Syempre anak ka nila. Nararamdaman ko naaalala ka pa nila." Sabi niya.

"Sana nga ate." Sabi ko.

"Tama na yang kakaisip mo kumain ka na para makapag movie marathon na tayo." Excited na Sabi niya.

"Sige na nga." Sabi ko.

Bumaba na kami papuntang kitchen sinamahan na niya din akong kumain para daw may kasama ako. Simula nung nawala ang parents ko dito na ako nakatira may kaya naman sila Tita Cel kapatid siya ni Mama kaya sila na ang kumupkop sakin kahit na pasaway ako at mahilig gumawa ng kalokohan mahal pa rin nila ako. Sa lahat ng kapatid ni Mama si Tita Cel ang pinaka close ko.

Kapag may family occasion sobrang saya namin kasi magkakasunod kaming lahat pati ng mga pinsan ko. Kapag nagkakasama-sama kaming magpi-pinsan sobrang saya may kantahan, sayawan at buti na lang pinapayagan na kaming uminom.

Hindi ko man kilala kung sino ang totoong pamilya ko pero kuntento na ako sa pamilyang meron ako ngayon kahit kailan hindi nila ako tinuring na iba.

The long lost daughterWhere stories live. Discover now