Natanggap ko na ang unang sahod ko. Sa loob ng isang buwan ko rito, wala akong masabi kundi impyerno. Ngunit kahit gano’n, nawala ang lahat ng pagod ko dahil sa perang natanggap ko.
“Nay!” tawag ko agad kay Nanay sa kanyang numero. “Natanggap mo na ba ang perang pinadala ko?”
“Oo, anak!” masayang-masayang sabi ni Nanay sa kabilang linya. “Ang laki naman nito! May natira ka pa ba diyan?”
Natawa ako. “Huwag mo nang isipin iyon, Nay! Pasensya na kung ayan lang! Basta huwag kalimutan ang pagbayad sa upa, ha?”
“Oo naman! Masaya ang mga kapatid mo, anak! Huwag kang mag-alala, gagamitin ko sa maayos ang pera mo. Pinaghirapan mo ito, eh.”
Napangiti na lamang ako at pinag-usapan pa namin ang ibang bagay bago ko binaba ang tawag.
Napabuntonghininga na lamang ako at nahiga sa aking kama. Isang buwan na rin ako sa trabaho ko. Kahit isang buwan na, tambak na tambak pa rin ako sa trabaho. Napansin ko na ito mula no’ng tinanggihan ko si Sir Zerzy na sumakay sa kotse niya at ang makisabay na kumain sa kanyang opisina.
Wala talaga siyang pinaramdam sa akin kundi kaba. Sa totoo lang, hindi ko rin siya kayang tingnan sa mga mata sa tuwing magre-report ako sa opisina niya. Para kasing tinutugis niya ako sa kanyang mga tingin.
Kung may iba pang trabaho na may mas mataas ang offer ng sahod, aalis ako bilang sekretarya niya. Pero dahil wala na, kaya tiis-tiis na lang ako sa ugali niya.
“Sir, nagtanong po sa akin si Mr. Alvarez kung kailan niyo gusto makipag-meeting,” mahinahon kong sambit kay Sir Zerzy kinabukasan nang ako ay pumasok sa aking trabaho. “Ilang beses na raw na-cancel ang meeting ninyo.”
Tamad niya akong tiningnan. Mukhang kulang siya sa tulog. Humikab kasi bago umayos ng upo sa kanyang swivel chair.
“Bakit sa iyo siya nagtatanong?”
Kumunot ang noo ko. “Uh…kasi secretary mo ako?”
“Did you give your number to him?” Umigting ang panga niya. “He’s an old man. Why would he ask you?”
Napakurapkurap ako. Hindi ko siya maintindihan. “Uhm…hindi ko po alam, Sir. Secretary mo po ako kaya sa akin po siya nagtatanong.”
“Tell him na may meeting kami bukas.” Tumango ako at aalis na sana ngunit may dinagdag pa siya.
“Tell him to stop contacting you,” malamig niyang sambit bago ibinaling sa computer ang kanyang tingin. “That’s my order.”
“Sige po,” ani ko, hindi na kinuwestiyon ang kanyang sinabi at lumabas na.
Mukhang bad mood na naman ang mahal na hari. Hindi ko rin siya maintindihan minsan. At sa totoo lang, kung hindi ko lang siya boss. Baka mag-conclude ako na may gusto siya sa akin. Hindi naman ako assumera. Minsan, madali rin kasing makita. Pero sigurado naman ako na hindi ang isang kagaya ko ang tipo niya kaya nga pag-iinitan ako lagi ng tambak-tambak na trabaho.
“Ang init,” reklamo ko at napakamot sa aking leeg. “Sira ba ang aircon?”
Narito ako sa maliit ko na opisina. Oo, may sariling opisina na ako. Katabi lang sa opisina ni Sir Zerzy. Kaya bago pumasok ang mga may sadya kay Sir, sa akin ang punta para ako din ang mag-inform kay Sir at mag-arrange din sa mga schedules niya.
Tumayo ako at tiningnan ang aircon. Sira ba ito? Bakit init ang lumalabas?
Tumunog ang phone ko kaya saglit ko itong tiningnan. Kumunot ang noo ko sa message ni Sir.
Sir Zerzy:
Fix your clothes. I hate your attire so much. Fix that!
Kumunot ang noo ko at nagpalinga-linga. Tiningnan ko ang sariling suot ko at nakita ko na medyo humiwalay ang butones malapit sa dibdib ko. Napalunok ako at agad itong inayos. Pati ang pencil skirt ko na medyo umangat ay inayos ko rin.
Nagtext muli si Sir Zerzy.
Sir Zerzy:
Pumasok ka sa office. You’ll come with me para sa meeting with Mr. Alvarez.
Akala ko ay bukas?
Nagtipa ako ng reply.
Ako:
Okay.
Huminga ako nang malalim at saka lumabas na sa opisina ko dala ang IPad na siyang recorder ko rin sa mga lakad ni Sir. Pagpasok ko sa loob, inaayos na ni Sir ang kanyang sarili. Medyo nahihirapan siya sa necktie niya at nang makita ako, tinanggal niya iyon.
“Come here. Fix it for me.”
Napalunok ako at lumapit sa kanya. Nilapag ko ang hawak ko na Ipad sa desk niya at kinuha ang bigay niya na necktie. Kinailangan ko pang tumingkayad para maabot siya. Seryoso ang pag-ayos ko sa kanyang necktie. Ngunit habang ginagawa ko iyon, ramdam ko naman ang titig niya sa akin na tagos na tagos sa pagkatao ko.
Nang natapos na ako sa pag-aayos sa kanyang necktie, umatras na ako at ibababa ko na sana ang aking kamay nang hawakan niya ito. Napasinghap ako at direktang napatingin sa kanyang mga mata.
Pumungay ang kanyang kayumangging mga mata na direkta ring nakatingin sa akin. Parang nakita ko ang kaluluwa ko doon. Hindi maiwasang maiwasang mangatog ang aking tuhod sa tensyon.
“S-Sir…”
“You’re so fucking lovely…” mahina ngunit seryoso niyang sabi at napasinghap ako nang halikan niya ang kamay ko na agad kong binawi.
Umigting ang panga niya sa ginawa ko.
“W-Wala na po ba kayong iuutos?” Nilagay ko sa likod ang kamay kong hinalikan niya at kinuyom ito. Hindi na rin ako makatingin sa kanya.
“Wala na. Let’s go,” malamig niyang sabi at naunang lumabas sa opisina.
Kinagat ko ang ibabang labi at sumunod na sa kanya.
Tahimik lang si Sir Zerzy sa byahe. Nasa backseat kami pareho habang ang personal driver niya naman ang nagda-drive. Papatungo kami sa meeting place nila ni Mr. Alvarez. Gaganapin ang meeting nila sa isang mamahaling restaurant. VIP sila kaya walang makakarinig kung ano man ang pag-uusapan nila.
“Sasabihin ko ba kay Mr. Alvarez na nandito na po kayo?” tanong ko kay Sir Zerzy nang nakarating na kami sa labas ng restaurant.
“No.” Binalingan niya ako. “Hindi ba at sinabi ko sa iyo na huwag mo na siyang kontakin?”
“Hindi kasi puwede yang sinasabi mo, Sir. Hindi ka naman po nagre-reply sa mga email niya kaya sa akin po ang punta niya.”
Umigting ang panga niya at kinuha ang phone niya. Mukhang tatawagan niya si Mr. Alvarez. Ngunit hindi iyon natuloy nang may nakakilala niya sa labas ng restaurant.
“Zerzy!”
Sabay kaming napatingin sa isang lalaki na maligayang papatungo sa amin. Malaki ang kanyang ngiti at sa kanyang buhok at pananamit, para siyang nasa KPOP boy na kinababaliwan ng mga babaeng kabataan ngayon. May pagka-resemblance sila ni Sir Zerzy ngunit ang lalaking paparating, may friendly vibes, at mas bata tingnan. Si Sir Zerzy, mature pero guwapo. Magaan agad ang loob ko kahit hindi ko pa siya kilala.
“Caleb…” sambit ni Sir Zerzy sa pangalan ng lalaki at nagulat ako nang hatakin niya ako palapit sa kanya. “What are you doing here?”
Napansin ng lalaking nagngangalang Caleb ang hawak ni Sir sa aking bewang. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero pinilit ko ang sarili ko na kumalma.
“Relax!” Umangat ang kilay ni Caleb at napatingin sa akin. “Masyado ka namang madamot, pinsan! Wala naman akong aagawin. Hi!”
Nahiya ako. “H-Hello…”
Napatingin si Sir Zerzy sa akin. “Bakit ka nauutal? You like him?”
Hindi ako nakapagsalita. Natawa naman si Caleb.
“Chill, Zerzy! Nandito lang ako para mananghalian pero tapos na ako. Uuwi pa kasi ako sa Esperanza! Hindi ko akalaing makikita kita rito. Napaka-workaholic mo pa naman.”
Sir Zerzy sighed. “Get out of my sight, Caleb!”
“Alright!” Humalakhak si Caleb at kumindat sa akin bago umalis.
Tinanggal naman ni Sir Zerzy ang hawak niya sa bewang ko at napamura na lamang.
BINABASA MO ANG
His Obsession
RomanceEver since I touched your body, it's become my new obsession. Started: August 22, 2024